SILVIA IV

134 12 0
                                    

SILVIA / TANDANG SORA

AGENT mode muna tayo ngayon. It's been 10 days since I went here in Marion City. Habang nandito ako'y napansin kong matiwasay naman ang lugar. Kaya ang balita ng pagkalat ng serial killer sa lugar ay nakakapagbahala talaga sa mga mamamayan dun.

But so far, wala pang sumunod na pagpatay na nangyayari. Yung mga prime suspects din namin ay hindi pa namin nahuhulihan ng kung anong sapat na ebidensya. The case is really dragging. I'm not used sa mabagal na progress ng kaso pero this case is really pain in the ass.

It's 7pm right now in Marion City. Sinusundan ko ang P.E. Teacher na si Mr. Jumawan. He is the most suspicious to me kasi base sa reports, flirt daw ito at laging naiinvolve sa mga babaeng students at teachers sa Marion U. Kaya I have my eyes on him.

Si Dylan naman ay minamanmanan ang basketball player at si Natalie ay sa janitor. Alex has an special assignment sa bagong suspect. Alex is currently tailing that person.

They are currently reporting it to me right now in our chat room which is encrypted. This messaging app was made and modified by Natalie for black ops purposes. Those girls are really reliable.

I remembered my first gang sa black ops nung high school pa ako. We are just like these girls. One team at walang iwanan. But since nothing lasts forever, we have to part ways. Kaibigan ko pa rin naman ang first gang ko kaso mga busy na din sila sa mga piniling path nila. But I know, once I need them, alam kong magkukumahog silang tutulungan ako no matter what.

Anyway, let's go back with Mr. Jumawan. Code name namin sa kanya ay teacher pogi. Sa limang araw na sinusundan ko sya, flirt nga talaga ito. He is always on a date with a student or someone outside the university. Laging nakacheck-in sa isang tagong motel malapit sa Marion U. Babaero talaga sya pero buhay naman ang mga babaeng nakakalaguyo nito pagkatapos nilang magparaos.

But this night, nakakagulat ang kaseryosohan sa mukha nito. He is fidgeting. Hindi ito mapakali. Ilang beses din itong nakaubos ng sigarilyo bago tuluyang pumasok sa isang cafe.

He is wearing simple white shirt and blue jeans which very unlikely for him to wear. Mahilig kasi pumorma si teacher pogi at ngayon nga ay napakasimple nito. He is even wearing a blue cap. Hmm.

Pasimple akong sumunod dito. The cafe was nice. Nakapunta na ako dito nung nagsesecret meeting din kami ng Charlie's Angels. It was a popular cafe pero may part dun na makakapag-usap kayo in private. May isang sulok dun na medyo tago.

After confirming na dun nga pumwesto si teacher pogi, I grab a magazine at umupo sa di kalayuang table.

I was wearing my usual black cap with a black tee, skinny rip jeans at converse. I was pretending to read the magazine habang pasimpleng nakamasid kay teacher pogi.

In this angle, kitang-kita ko din ang mukha ng makakausap ni teacher pogi. Nakaside view kasi sila sa point of view ko. Kaya nagulat pa ko ng ng pamilyar na mukhang yun ang nakita kong umupo sa harapang upuan kung saan naroon ang teacher.

Nagpanic bigla ang utak at puso ko ng makita ang kausap ni teacher pogi. It was Ely.

Deym, bakit kaya sila nagkita ni teacher pogi? Sila ba? Hindi naman kasali sa report na may gf si teacher pogi. Or.. or... mag-wa-one night... ha!

Hindi ko namalayang matindi na pala ang pagkakapit ko sa magazine at kulang na lang ay pilasin ko ito.

"Ha! Wtf. One night stand? Wow. Si Ely? Ahmf." Naiinis na bulong ko. Tsk. Bakit ba ako naiinis? Eh ano naman ngayon kung may relasyon nga yung dalawa?

Ahh... nakakahypertension naman 'to. Ugh, sakit ng batok ko bigla. Napabuntong hininga ako ng medyo marahas. Nataranta tuloy ako bigla ng biglang lumingon si Ely sa gawi ko. Agad akong nagtago sa magazine pero pasimpleng sumilip pa rin ng konti sa direksyon nila.

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - MARCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon