SILVIA VI

352 26 7
                                    

SILVIA

2 DAYS LATER...

"HEY!" I heard a finger snapping in front of my face. Nagising ang diwa ko. "Earth to, man." Dagdag pa na sabi ng kaharap ko ngayon. Nandito kami sa dating cafe nung minanmanan ko si teacher pogi.

"Sorry." I said. Tsaka humigop sa kape ko.

"You look like you're inlove, Sil." Sabi ng kaharap ko. Muntik ko ng mabuga ang iniinom kong kape sa kanya.

Hindi ko naman nabuga pero napaso ako. Damn.

"Seriously, La? Ngayon lang tayo nagkita tapos yan ang sasabihin mo sa akin." Ang hapdi ng dila kong napaso. Timing din 'tong si Ursula.

Ursula is one of the members of the junior secret agents when we were in High School. Nabuwag man ang team na yun, magkakaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon. And if someone needs assistance from the team, we can easily call each other for help.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Nakikita ko yung mukha ngayon ni Faena sa'yo. Yung akala mo kung anong iniisip, yun pala ay si Gare lang. Tss." Sabi pa ng baliw habang nagpuff ng sigarilyo nya. Nasa labas kami ng cafe kaya okay lang magyosi.

Hala. That's absurd.

"H-hindi. I am not involve with someone." Deny ko.

"Yeah, right." She's mocking me. Ang nice ng kaibigan ko 'no? "Anyway, you called me here. I'm glad you came back to this place after what happened."

"Huh?" Naguluhan ako sa sinabi nya. "I came back? This is my first time coming here." What I mean is first time coming to Marion.

Tinignan ako ng matagal ni Ursula. Salubong ang kilay kong nakipagtitigan dito.

Ilang segundong katahimikan. Nakatingin lang ito sa akin at nakataas ang isang kilay. Ursula is still pretty as she is before. That sexy chick vibe with her on fleek kilay and red lipstick. Total barbie doll.

"Seryoso, Sil?" Maya-maya'y tanong nya.

"What seryoso?" Naguguluhan ako dito. She crossed her arms as well as her legs. She's wearing a baby pink sando revealing her cleavage and a tattered fitted jeans with her 3 inch high heels. "Tsaka don't call me by my name here. People know me as "Kaye" here." Saway ko sa kanya.

"Hmm, one sec. Let me call someone." Sabi ni Ursula habang nagdadial sa phone.

Then just a couple of seconds may kausap na ito sa phone. Nagtatakang naghihintay ako sa kanya.

"Hey, I'm with Sil— butterly. Yeah. Nah, she looks fine. She called me here for help. Yeah, okay." I wanted to hear what they are talking pero bago ko pa magawa, sinenyasan ako ni Ursula na magstay put. I pouted. Kahit kailan ang bossy pa din nito. Tsk. "By the way, we are here at Marion. Yeah, I know. Is that so? Oh. That explains why. Okay. I'll take care of this. I'm not going to do anything stupid. Yes, okay. Yeah, yeah... choppy na. Mahina na yung signal. Sige na, bye!"

"Mahina ang signal? What a lame reason." I commented.

"Ang kulit ni Faena. She say's "hi" by the way." Ursula said and eat a piece of her cake.

"What? That was Fae— hindi mo man lang pinakausap sa akin?"

Kumibit-balikat lang ang bruha.

"Call her. My phone, my call." Ursula said.

Supladang Ursula. Sabagay, may point naman sya. Matagal ko na palang hindi nakakausap yung kaibigan kong yun.

Last na pag-uusap namin ay nung nirescue namin sila ni Gare. Tatawagan ko na lang sya later.

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - MARCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon