SILVIA 1

236 16 2
                                    

Scanning profile... Loading... Project: Calendar Girls number three...

Name: Silvia Josephine Stuart

Nickname: Silvia a.k.a Tandang Sora

Birthday: March 21, 1986

Sex: Female

Age: 31 yrs old

Occupation: Military

Vital statistics: 33-25-33

Height: 5'11"

Zodiac Sign: Aries

Birthstone: Bloodstone, Jasper

Sign Characters: Active, Demanding, Determined, Effective, Ambitious

Love interest: Career

+++

THE ANGELS

"She is very familiar. I think I have seen her before," sabi ni Uno habang nakatingin sa tab.

"Let me see," sabi naman ni Dos at kinuha ang tab kay Uno. Nakaupo sila sa couch ng hideout nila ngayon dito sa Marion City.

They know who their third Calendar girl is at anong mga plano para maka-involve sila sa love life nito.

"Of course she is familiar!" bulalas ni Dos. "She's one of the friends of Fernanda, if you remember her. Kabilang siya sa special teen squad noon ni Faena. As far as I remember, bestfriend nya pa nga ito."

"Tama!" agree ni Uno. "Sya nga yun."

"Tingin," sabi ni Tres at inagaw din ang tab kay Dos. "Perslab 'to ni Nurse Josie x bestfriend din sila noong mga bata pa sila."

"Totoo?" sabay na sabi ng dalawa at lumapit kay Tres. Magkakadikit na tuloy ang mga ulo ng mga itong nakatingin sa tab.

"Oo. Nabasa ko yun sa profile ni Nurse Josie," sagot ni Tres habang nag-i-scroll down sa files ni Silvia.

"Gandang babae 'no? Bakit kaya wala pa kaya syang love interest? Basted pati si Nurse Josie sa kanya ah. Tsk." Si Uno.

"May love interest sya." Sabad ni Tres.

"Sino?" Sabay ulit ang dalawa.

"Hindi sino kundi ano." Nagtatakang nakatingin lamang ang dalawa kay Tres. "She love her career so much. Kaya nga sya pupunta dito sa Marion."

Tumango-tango naman ang dalawa sa sinabi ni Tres.

"Ano status ng puso nya, Dos?" Tanong ni Tres kay Dos at inabot na ang tab.

May kinalikot lang si Dos sa tab at nagsalita na ulit.

"90% career, 10% family and friends. Napakaworkaholic, girls." Sabi ni Dos.

"Wah. Mukhang matigas ang puso nya sa pag-ibig ah. Should we use our arrows?" Tanong ni Uno.

"Mukhang kailangan nyo nga syang panain para naman magkalove interest na sya, girls." Appear ng isang lalaking maayos na nakasuot ng itim na suit.

"Saint Jude!" Bulalas ng tatlo ng makilala nila ito.

"Hi, girls! Ako muna ang bantay at mag-a-assist sa inyo kasi may pinapagawa pa si Maestro kay San Pedro." Tsaka ito ngumiti.

"Wah. Ang puti ng ngipin mo, Saint Jude. Anong toothpaste mo?" Tanong ni Uno na nakatikim ng batok kay Dos. "Aray!"

"Shunga. Santo yan. Tsaka lahat ng nasa langit mapuputi ang ngipin at ilang beses kong sasabihin na hindi tayo tao. Hindi natin kailangan ng mga yun."

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - MARCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon