CHAPTER ONE

6 0 0
                                    

AN:// This story is made because of the pure imagination of the author. There is no place like what it is written here in the said province. These are all fictional. Thank you.❤️

~*

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko bago hinawakan ang ulo dahil bahagya itong kumikirot.

Napakunot ang noo ko ng kalangitan kaagad ang bumungad sa akin. "Kailan pa nabutas ang bubong ng bahay ko?" Mahina na tanong ko sa sarili.

Tumingin ako sa paligid at bato lang ang nakita ko sa kaliwa, habang damuhan at mga puno naman sa kanan.

Agad agad na napabalikwas ako ng tayo ng marealize kung nasaan ako at kung ano ang nangyari sa akin. Tumingin ako sa damuhan kung saan ako nakatulog.

"Jusko Jeane! Nakatakas ka nga sa mga kidnapper mo pero dito ka naman mapapahamak dahil lang sa pag tulog mo sa damuhan!", pangangaral ko sa sarili ko.

Nilingat lingat ko ang paningin at ng makitang walang tao ay tumayo ako saka nag unat unat ng katawan, medyo masakit ang likod ko dahil sa matigas ang hinigaan ko. Pinagpag ko ang jeans ko saka ang damit dahil may iilang damo ang nakadikit dito. Lalo na sa damit.
Napahawak naman ako sa gawing panga ko ng may maramdamang bahagyang kirot doon. Magkaka pasa pa ata ako. Tinignan ko ang palad ko at nakitang may ilang alikabok na nakapasok sa mismong sugat, kailangan kong mahugasan ang sugat ko sa palad.

Napa iling na kinuha ko ang cellphone sa loob ng bra ko para tawagan ang pamilya ko. Inis na napatingin ako sa signal ng phone ko ng wala man lang kahit isang nasasagap.

"Bakit ba palagi na lang akong minamalas?!" Inis na sabi ko bago nilakad ang maluwang na damuhan na may mga puno para humanap ng signal.

Nakakalayo na ako sa pwesto ko kanina pero ni isa walang nasagap na signal. "Anong klaseng lugar ba to? Bakit walang signal?!"

Inis at naka kunot ang noong itinago ko sa bulsa ang cellphone. Nakakainis!

Napabuntong hininga ako at pilit na pinakakalma ang sarili. "Relax! Mashadong maganda ang paligid para mainis!" Pag kausap ko sa sarili.

Iniling ko ang aking ulo ng mas tumatak pa sa isipan ko na nakatakas nga ako sa kidnapper pero na-trap ako sa lugar na hindi ako makakalabas ng basta basta, at wala namang signal para man lang mainform ko ang magulang ko kung nasaang lupalop na ako ng Pilipinas.

"Pero shet nasaan nga ba ako?"

Pinili ko na lang ang mag lakad kesa mag stay doon at mabuhay sa inis. Inilibot ko ang paningin ko at mas dinama ang ganda ng paligid.

Compared sa labas, sobrang malinis dito. Pino ang mga damo at may ibat ibang bulaklak ang naka ayos na nakatanim. May mga puno din na sobrang tatayog at malalago ang dahon, pero kadalasan sa puno dito ay puno ng mangga. Nakakatakam mang kumuha ay pinili kong itigil na lang ang pag tingin sa mga bunga at ipinag patuloy ang pag lalakad.

Kung hindi ko pa nakita ang bunga ng mga mangga, hindi ko pa maaalala at mararamdaman na kagabi pa ako hindi kumakain.

I sighed, nakaka ilang lakad at pahinga na ako saka ko lang natagpuan ang malawak na lugar na 'to, na kung saan may maraming pamilihan at mga taong dinarayo ito. Nagkakagulo sila, at ang iba ay may kanya kanyang pinupuntahan. Ito na siguro ang bayan nila.

Bumaba ako sa kinatatayuan ko dahil medyo mataas ang pwesto ko at mababa naman ang pwesto ng mga pamilihan, bago nag punta sa isang kainan na una kong nakita bago ito tinignan habang nasa labas pa. Umupo ako at tinignan ang sapatos at natuwa ng nandoon pa din ang wallet ko.

Agad na pumasok ako sa loob at pumwesto sa isang lamesa. I raised my hand, getting the attention of the crew.

Takang napatingin sa akin ang medyo bata pang lalaki at kunot noong lumapit.

A BEAUTIFUL DISASTER (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon