CHAPTER THREE

3 1 0
                                    

Nakaupo ng nakataas ang dalawang paa ko dahil sa nababasa ako ng malakas na ulan. Ibinaluktot ko ang mga binti ko bago pinag dikit at niyakap.

Inis na pinunasan ko ang tumulong luha sa mukha ko bago pilit na pinupunasan ang mga tubig ulan na napupunta sa akin. 3:00PM na, hindi ko sinunod ang sinabi ng lalaki dahil maya maya lang ay umambon na ngayon ay naging ulan na.

"I've never been in this situation." I cried, "I want my family now, I can't take it, I want to go home."

Yumuko at ipinatong ko ang noo sa tuhod, at mas inilabas ang emosyong nung isang araw ko pa dinidibdib.

Hindi naman sigurado ako maririnig ng taong nasa loob nito dahil sa lakas ng ulan. Dahil kahit ako mismo tanging ulan na lang ang naririnig ko at wala ng iba.

Gusto ko ng umuwi sa bahay, kapag ganitong umuulan its either nag papahinga ako sa higaan ko habang nag umiinom ng hot choco, or nag ttrabaho habang umiinom din. Hindi ko maimagine how helpless I am right now.

Tumutulo ang luha at sumisinghot na itinaas ko ang ulo ng marinig ang pag bukas ng pinto. Nandoon ang lalaki, nakatayo ng diretso habang nakapamulsa sa suot nyang color cream jagger pants habang naka white sweater at nakatingin diretso sa labas.

"Bakit nandyan ka pa din?" Seryoso at diretsong tanong nito, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin, kahit saglit.

Binaba ko ang tingin ko at tumingin na lang sa nga tanim na nababasa ng ulan. I sighed, wala akong pupuntahan, para akong pulubi na napunta dito.

"Ma-malayo ang bahay ko d-dito." Mahina at halos hindi marinig na sagot ko saka yumuko, nag babadya na naman ang luha sa pag iisip kung bakit ako napunta dito at wala man lang magawa.

"Nasaan yung name badge mo? Ipapauwi kita kung malayo ang lugar mo dito."

Napa isip ako sa tinutukoy nito at naalala ang mga tao sa bayan na lahat ay may suot na name plate na naka sabit sa damit.

"Wala a-ako non."

"Tumayo ka.", Pag uutos nito.

Dali dali naman akong tumayo ngunit naka yuko. Never akong nahiya sa ibang tao, never akong yumuko dahil confident ako sa bawat galaw ko. Ngayon lang.

"Hindi ka taga dito.", It's not a question, it's a statement.

Umiling ako at mas lalong iniyuko ang ulo, "Wag mo akong ipakuha at ipakulong. Hindi ko sinasadya ang mapunta dito. Please", pag mamakaawa ko.

"Bakit ka nga ba napunta dito?" Tanong nito, napatingin ako sa kanya. Na-estatwa ako ng makitang naka tingin din siya sakin ng diretso.

Napa lunok ako bago tumingin sa ibang direksyon, nakakatakot ang tingin niya na parang sinasabing wag na wag akong mag sisinungaling o may kalalagyan ako.

Ikinwento ko sa kanya ang simula at sinabing tumakas ako sa nga kidnapper ko at dito napadpad.

"So isa ka sa mga taong nakapasok dito ng ginagawa ang bakod.", Tumango ito at tumingin muli sa akin, tumingin naman ako sa kanya at pinilit na kayanin ang pagka seryoso at walang emosyon na ipinapakita nito.

"Sigurado kang hindi ka kasama ng grupong taga labas na pumapasok dito?"

Umiling ako, "Hi-hindi, seryoso, hindi sadya ang pagka punta ko dito.", Pag papaliwanag ko.

"Sige, tatawag ako ng mag dadala sayo sa isang lugar, doon nananatili ang mga taong nakakapasok dito.", Tumango ako bilang pag sang ayon.

"Doon lang ako ng dalawang buwan? Hanggang pwede ng makalabas?" Tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A BEAUTIFUL DISASTER (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon