Halos abutin ako ng liwanag kakaisip sa nangyari sa akin kahapon. Ni hindi ko man lang namalayan na hindi ko naitanong sa lalaking iyon ang pangalawang kundisyon at pumayag na ako! Ang shungek lang!
Kaya naman ngayon ay tatlo ang goal ko sa araw na ito. Una, ay maghatid ng lunch sa lalaking iyon, pangalawa ay alamin kung ano ang pangalawang kundisyon, at pangatlo ay alamin kung paano namin hahanapin ang taong hinahanap ko.
Muntikan pa akong ma-interogate sa bahay patungkol sa isa pang baon na inihanda ko. Kesho baka daw sa nagugustuhan kong lalaki ito! Jusko kadiri naman!
Ngayon ay kasalukuyan na akong naglalakad papuntang HIU. Tinakasan ko pa si Krisha at sinabing may kukunin lang akong libro sa library pero ang totoo'y dito ang tungo ko. Hindi naman mahirap puntahan itong University na ito dahil connected ito sa school. Kaya nga may nakakapuntang college students sa amin kahit hindi naman dapat.
"Good morning... ano ang sadya natin?" anang sekyu
"Ah kuya... yung ano kasi... kaibigan ko po nakalimutan ang lunch niya ihahatid ko lang po sana..."
Paliwanag ko sabay pinagkrus ang daliri sa likuran.
"Ganoon ba... ano ang pangalan?"
"P-pangalan? A-ano po... k-kasi..."
Paano ko ba sasabihing hindi ko alam?! Sht naman baka isipan pa ni kuyang guard kaibigan tapos hindi alam pangalan!
"Naku iha baka naman hindi mo talaga kaibigan iyan ha-"
"Naku hindi po!" agap ko bago pa may masabi itong hindi katanggap-tanggap sa pandinig ko "...iiwan ko nalang po siguro sa inyo ito... ite-text ko nalang po siy---"
"Mang Roy!" sigaw ng isang estudyante mula sa kung saan dahilan kung bakit nahinto ang sasabihin ko.
Mabilis itong bumaling sa akin at bahagyang bumulong sa sekyu na nanlalaki naman ang mata.
"Naku pasensya na! hindi ko alam! Sige iha pumasok ka na... pasensya na naku..." sabi ng sekyu na halos itulak ako papasok ng University habang natataranta.
"Sige manong Roy ako na ang kakausap!" masiglang bati ng lalaking nang-istorbo sa amin at bahagya pang tumawa sa reaksyon ng sekyu.
"Pasensya ka na... nag CR pa kasi ako kaya ngayon lang ako nakarating..." natatawang paliwanag nito
Sino ito at bakit siya nage-explain?
"....hmm diretso ka paakyat ng hagdanan... nasa fourth floor... kanan ka tapos dulong pinto..." sabi pa nito
"Tek---"
"Sht! Ang sakit na naman ng tiyan ko! Mauuna na ako!" kumindat pa ito bago nagtatatakbong umalis
Ano iyon? Ang chiki.
Hindi man naunawaan ang nangyayari ay pinili ko na lamang na sundin ang daan na itinuro nito sa akin at dumiretso papasok sa university dala ang lunch na ginawa ko.
My jaw literally drop when I saw the whole outside of the University. Malaki pala talaga ito. Tila palasyo na kailangan mo pang maglakad papasok para makarating mismo sa entrance ng school. Malawak ang espasyo nito kung saan ang front ng university ay nagagamit para sa Physical activities like P.E. Mayroon ding field para sa basketball at football. Ang mga classroom naman ay tila doble ang sakop na room para sa isang classroom. Yun nga lang ay on-progress pa at hanggang fourth floor pa lamang ang natatapos na building. Gayunpaman ipinagamit na.
Kumpara sa HNHS ay mukhang mas maliit ang populasyon ng estudyante sa school na ito. Kung sa mga average level siguro na kagaya ko ang titingin dito ay masasabi kong ayos na ito. Lubos pa nga! Pero syempre sa kagaya ng mga naka-enroll dito ay hindi.
Maswerte ako't napabilang ako sa mga iskolar ng Hope. Marahil siguro ang inisip ng karamihan ay dahil ang mga magulang ko ay empleyado sa isa sa mga establisyementong under ng pamilyang nagmamay-ari ng school na ito na siyang dahilan din kung bakit kilala ako ni Erikson. Pero para sa akin kaya ako nakapasok ay dahil nag-aral ako ng mabuti, at wala ng iba.
Actually, hindi naman kami mahirap, pero hindi ko din masasabi na mayaman kami. Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa isang kilalang kompanya sa aming lugar, kung saan ang aking ama ay General Manager samantalang ang aking ina naman ay sekretarya, at kahit na ba labag sa kalooban ng mga magulang kong iskolar ako sa paaralang ito ay sinunod nila ang kagustuhan ko. Ayaw kong maging pabigat. I want to be independent and earn everything on my own.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa paaralan at sa bawat floor na madaanan ko ay may mga estudyante na nalilingon sa akin. Ang iba ay bakas ang pagkagulat marahil siguro ay nagtataka kung bakit may high school na napadpad dito. Ang iba naman ay ngumingisi pa sa akin at sumisipol.
Yak lang ha.
Nakarating ako sa fourth floor ng matiwasay at naglakad pakanan sa dulo ng pasilyo gaya ng sabi noong nagtatae yatang lalaki na iyon. Dumiretso ako sa dulong room at akmang kakatok na sana ng biglaang may marahas na humigit sa aking braso at kinaladkad ako patungo sa katabi nitong classroom. Binuksan niya ito at padarag na itinulak ang aking katawan sa kasasara lamang na pintuan. Bago pa man ako makapag-react ay nadatnan ko na lamang ang aking sarili na pinipigilan ang sariling hininga sa pagkabigla dahil sobrang lapit na nito sa akin.
"We meet again."
Mahina ngunit may diing sabi nito.
BINABASA MO ANG
'Coz this is my first tym
Romansa"Ano nga ba ang pag-ibig? at kailan mo ba matatawag na 'pag-ibig' ang pag-ibig?" Si Lewis Cameron ay halos perpektong tao na nga daw kung ide-describe. Matalino, talentado, may pera at maganda. Sabi pa nga ng iba, isang tanong mo lang daw dito ay ma...