Chapter 43

27.5K 1.5K 104
                                    

Sa Wattpad may batas, bawal mangulit, o bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

Sa Wattpad may batas, bawal mangulit, o bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

Sa Wattpad may batas, bawal mangulit, o bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

---

Can't wait? Buy the ebook here: 

preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

----

"I WANT many grandchildren!"

Paulit-ulit ang mga salita ni Mama Concha sa isip ni Agwee habang sinasabon ang katawan. Nasa labas ng banyo si Davide. Hindi niya alam kung aabutan itong gising at naiinis siya sa sariling nagmamadali ang bawat galaw niya dahil baka matulog na ang kamote.

Alam niyang para siyang sira-ulo dahil marupok siya. Hindi lang basta marupok, kundi made in China sa karupukan. Pero sa totoo lang ay na-inspire siya sa mga sinabi ni Mama Concha. Parang ang sarap maranasan ng ganoong klaseng love. Kapag ito rin ang nagkukuwento tungkol sa pamilya, parang ang dali-daling magkaroon ng mga anak, at kalaunan ay mga apo. Gusto niya rin ang lahat ng iyon. Siguro, ang dahilan kaya puntirya niya si Davide ay dahil ito ang asawa niya. Sa kabila ng lahat, ito ang asawa niya at ang lalaking makakasama sa loob ng ilang taon. Kaya siguro ganoon na lang ang pagnanais niyang maging maayos at mas tradisyunal ang kanilang pagsasama. Nandoon na kasi sila, bakit kailangan pang umalis?

Nang matapos maligo ay mabilis siyang nag-blower ng buhok, saka bumalik sa silid. Dapat pala ay hindi na siya nagpatuyo ng buhok dahil ngayon ay tulog na ang lalaki sa kanyang kama. Hindi niya sinabi rito kanina na sa couch siya hihiga. Nakapuwesto na ito sa kama.

Napabuntong-hininga siya. Naiinis na naman siya sa sarili na nanghihinayang siya sa pagkakataon. Para siyang nympho. Kumuha na lang siya ng extra na kumot at unan sa aparador, saka pumuwesto sa couch. Dapat sigurong tabihan niya na lang ang asawa pero obvious naman na hindi ito interesado. Mas maigi pang makita nitong hindi din siya interesado. Quits.

"What the hell are you doing?"

Muntikan na siyang mapalundag nang marinig ang tanong ni Davide. Nilingon niya ito. Nakasandal ito sa headboard, siguro ay naalimpungatan kahit maingat ang kanyang pagkilos sa loob ng silid.

"'Eto, naghahanda na ring matulog."

"Oh, please, Aguida, just join me on the bed. I'm tired and I don't have time to convince you to sleep beside me. Nothing's going to happen if you don't want to."

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng lalaki dahil parang lumalabas na siya lang ang may hawak ng desisyon. Ganoon din ba ang tingin nito sa mga nangyari sa kanila noon? Malamang. At totoo rin naman. Nangliit siya kaya sinabi, "Okay lang. Dito na lang ako. Wala kang aalalahanin sa akin. Malaki rin itong couch."

"For God's sake." Bumangon ang lalaki at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kumot mula sa kanya, saka sinabi, "You go sleep on the bed. I'll sleep here."

"Hindi. Ako na lang dito. Mas maliit ako sa 'yo. Mahihirapan ka lang dito. Ako kasya."

"No. Sleep on the bed. Now. I don't want to argue, please."

Napilitan siyang lumipat na lang sa kama. Ang tanging ilaw na bukas ay ang nasa tabi ng couch at ang nightlight sa tabi ng kama. Pinatay na ni Davide ang liwanag sa tabi nito, pero hindi magawa ni Agwee na patayin ang liwanag sa tabi niya. Hindi siya sanay matulog nang madilim. Hindi siya sanay matulog nang may kasama sa bahay na iyon. Naninibago siya na kasama si Davide sa silid, kahit pa nga noong nakaraan ay mahimbing siyang nakatulog sa tabi nito.

"Sleep," anang lalaki.

Muntikan na siyang napatili. "Ikaw ang matulog."

Nakita niya ang anino nitong gumalaw, hindi niya matukoy kung tumatawa o ano. Hindi malawak ang naaabot ng liwanag ng nightlight. "Are you waiting for me to sing you a lullaby? Aren't you tired from cooking all day?"

"Sanay ako sa trabaho sa farm," aniya kahit pa nga ang pagluluto nang ganoon kadami tulad kanina ay nakakaubos talaga ng lakas. Alangan namang sabihin niyang kahit pagod na pagod ay hindi siya makatulog dahil sa magkakahalong emosyon na lahat ay involved ang lalaki?

"How do you like Mama Concha?"

"Mabait siya. Hindi naman siya nakakatakot."

"It's only her first day." Nahuhulaan ni Agwee na nakangiti si Davide nang magsalita base sa tono ng boses nito. "She will ask you questions about me, I'm sure of it. About me, about us."

"Mas in-depth pa ba kaysa sa mga tanong niya kanina?"

Tumawa ang lalaki. "Yes. For sure. And she always likes to talk about feelings, about memories. Mabuti hindi naalalang itanong kanina kung ano ang naging proposal ko dahil hindi pala natin napag-usapan."

"Ano ang sasabihin ko kung magtanong siya bukas?"

"Tell her the kind of proposal you prefer. Tell me as well so I know."

---

Bituinan mo na, istariray ka naman. Mag-comment ka, kahit lyrics ng "Tala" para bagay sa theme na bituin. Kahit ano, basta mabasa ng algorithm ng Wattpad para madaming tulad mong makabasa. Baka sakaling yumaman ako. Push mo na. Sagad mo na rin, like mo FB page ko para kunwari may sinusuportahan kang local writer: facebook.com/vanessachubby

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon