Chapter 57

31.7K 1.4K 52
                                    

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHENABLE.

____

NAGLILIPAT ng seedlings si Agwee. Nagpatayo siya ng maliit na green house para sa mga bulaklak at iyon ang sinusubukan nila ngayon sa farm. Masyadong malayo ang kuhaan ng bulaklak sa kanilang lugar kaya noon pa mayroong demand sa mga bulaklak. Ngayon lang niya nasubukan magbulaklak dahil ngayon lang siya nagkaroon ng puhunan. Maselan ang mga iyon alagaan at kailangan ng silong. Kapag na-master na nila ang mga bulaklak, baka mas lumaki pa ang green house sa susunod. Unti-unting lumilinaw sa kanya ang mga balak gawin sa farm.

Lihim siyang napapangiti habang tinitingnan si Davide na nakikitulong. Sa gulay niya ito in-assign, sa letsugas. Kailangan ng lalaking ibaon sa lupa ang mga binhi. Kahit pawisan ay mukhang desidido ito. Suot nito ay puting T-shirt at maong. Wala pa silang isang oras sa taniman, mukha na itong nakipagyakapan sa baboy sa dumi ng kamiseta. Kanina pa niya napapansin na natatawa si Pipay, maging ang ibang mga tauhan pero handang tumulong sa trying hard na magsasaka.

"This is such a labor-intensive endeavor. I don't understand why vegetables are cheap. There's something wrong with that, don't you think so?"

Napatawa na siya. "Sa 'yo lang naman mahirap 'yan. Iisa pa lang ang napupuno mo, hindi pa masyadong pantay."

"Sorry. I will do better next time."

"Naku," si Pipay. "'Wag mo ngang pansinin si Ate Agwee, Kuya. Natural lang naman na mahirapan ka kasi hindi ka sanay. Tingnan mo nga ang kamay mo, hindi kamay ng magsasaka. Saka lahat naman diyan nagsisimula. Pero tama ka, mahirap ito, kaya dapat talaga may increase kami ng sahod."

Biglang natawa si Agwee. Luka-luka talaga si Pipay. Sa palagay niya ay pinakamalaki ang bigay niya sa mga tauhan kumpara sa ibang taniman, bukod pa sa supply ng bigas ng mga ito. Alam niyang nagbibiro lang ang babae.

"Alam mo, Kuya, kung ikaw ang magsasaka, kahit siguro lanta na ang gulay mong paninda, madami pa ring pipila para bumili. Ang pogi mo kasi."

Biglang tumawa si Davide kahit pulang-pula ang mukha. "Thank you."

"Hoy, Pipay, ika'y tumigil diyan at ang bibig mo'y kanina pa rumaratsada. Baka makatikim ka sa akin," saway ng ina sa babae.

Tawa lang ang isinagot ng babae sa ina. Tinulungan nito si Davide ng tamang pagtatanim ng binhi, maging kung paano didiligan ang mga iyon. Buong umaga ay hindi nagreklamo kahit minsan ang lalaki, kahit pa nga ilang ulit niya itong nakitang nag-iinat ng likod at nagsu-swing ng torso. Nang matapos sila ay abot na hanggang sa pantalon ng lalaki ang putik. Ang mga kuko nitong kumahig ng lupa ay parang puwede nang pagtamnan.

May baong pagkain si Pipay at sa ilalim ng punong mangga sila kumain. Iyon ang nami-miss niya sa farm, ang sariwang hangin at simpleng buhay. Naghugas na siya ng kamay at natawa nang pagmasdan si Davide sa paghuhugas. Iniisis nito ang mantsa ng balat pero hindi satisfied.

"What's so funny?"

"Paano kung sabihin ko sa 'yong walang kubyertos?"

"That's insane! Humawak ako ng fertilizer! I'm sure you know what that is."

Tawa siya nang tawa. Iniwan na niya ang lalaki at nagsimula nang ihain ang dala ni Pipay. Adobong sitaw, pritong galunggong, nilagang baka. Mapapalaban siya ng kain ganitong gutom na siya. Hinintay nila si Davide at nagsimula na. Naawa siya sa lalaki at inabot dito ang isang kutsara, serving spoon sana pero halatang ilang na ilang ang lalaking magkamay.

"Ang cute ni Kuya," ani Pipay. "Hindi siya marunong magkamay."

"Marunong ako," agad nitong sabi, ibinaba ang kutsara at nakigaya sa kanilang lahat. Duda si Agwee kung may natira pang mikrobyo sa kamay ng lalaki, bukod sa mayroong bleach sa hugasan ng kamay at nakita niyang ginamit nito iyon.

Siniko si Agwee ng ina. "'Wag mo na ngang pansinin at lalo lang naiilang ang tao sa 'yo, eh. Bakit ba ang kulit mo, Pipay? Hala, ipaghiwa mo na lang sila ng mangga. Madali ka. Pasensiya na kayo sa dakdakinang ito."

Tinawanan lang iyon ni Davide. Mukhang nag-enjoy naman ang lalaki sa pagkain kahit halatang hindi ito sanay magkamay. Nakangiti ang lahat dito, halatang natutuwa at naaaliw.

"Magtatagal ba kayo ditong dalawa?" tanong ni Lola Daisy, isa sa mga dating kalaro ng tong-its ng kanyang ina.

"Hanggang matapos lang po ang sembreak," sagot ni Agwee.

"Paano iyon kung nasa eskuwela ka at magbuntis? Titigil ka? Baka mas mainam na magbuntis ka na muna, hindi kaya?"

Si Agwee naman ang nag-init ang mukha. Kaswal lang ang usapan. Siguro, mao-offend ang iba sa ganoong tanong pero kilala niya ang mga taong ito. Alam niyang ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang pagpapamilya.

"Hindi pa po namin napapag-usapan," si Davide ang sumagot.

"Ay, maaari bang ganoon?"

"Lola," ani Pipay. "Hindi naman isang taon ang pasok sa college. 'Wag mo nang problemahin. Kung mabuntis si Ate, makakapanganak siya kapag sembreak. Tulad ngayon, sem break niya. Iyong isang sem, isang taon ang katumbas noon sa high school, parang ganoon. Inalala naman ninyo masyado. Ang isipin natin kung ano ang magandang ipangalan sa bata. Suggestion ko, 'Pipay' kung babae."

Dinukdukan ito ng ina. "At 'Pipoy' kapag lalaki? Nalintikan ka na. Ang panghi ng pangalan."

"Aba, kayo ang nagpangalan sa akin, 'Nay. Ibig bang sabihin niyan, ang panghi ng taste ninyo?"

Natawa na lang si Agwee. Pagtingin niya kay Davide ay nakita niya itong nakatingin sa kanya, nakangiti. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa isang simpleng ngiti.

____

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

____


Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon