Chapter 28

38.4K 1.5K 117
                                    

"Hindi na. Si Papa na ang nag-ayos ng utang ng farm sa bangko at ibibigay na niya sa akin ang kasulatan next week. Dapat daw na abogado rin ang mag-ayos noon para sigurado. Ito namang mga tao sa farm, sina Pipay na ang bahala. Pati sa pananim. Magbibilin na lang ako sa kanila. Ano nga pala ang balita kay Pastor Mercado?"

"We will press charges."

"Talaga? Sabi ng abogadong nakausap namin noon, hindi daw puwedeng idemanda."

"My lawyers will press charges against them. I asked him to talk to the other victims. The goal is to get back what they took."

"Alam mo, iyon lang talaga ang habol namin. At iyong hindi na sana maulit."

"I think they will settle to avoid jail time."

"Salamat, Davide."

Bahagya itong ngumiti at tumango. Naglaro na ang mga aso, habang ang lalaki naman ay iniligpit na ang hose. Bukas pa raw darating ang mga kasama nila sa bahay. Actually, sa isang araw pa sila dapat umuwi. Bigla tuloy siyang na-guilty na nagbayad ito nang mahal sa hotel pero heto sila ngayon. Sa kabilang banda, naalala na naman niya ang babae ni Davide kaya quits.

"You wanted to talk to me?"

"Oo." Bigla siyang naalangan. Matino-tino na sila pero naisip niyang puwede naman siguro silang maging matino nang walang komplikasyon. Hindi naman mabubura ang katotohanang may babae ito at umalis nang walang paalam sa kanilang silid matapos ang honeymoon.

"Let me change. I'll be with you."

Tumango na lang siya at naghintay sa sala. Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang punitin ang papel. Baka magkaasaran na naman sila, pero kasabay noon ay umaangal ang kanyang pride. Sa huli ay nakababa na ang lalaki bago pa siya makabuo ng final decision.

"What's that?" tanong nito, looking yummy ever after.

"Ah, ito iyong gusto kong pag-usapan natin." Nakita na nito.

"Let me see."

Napilitan siyang iabot sa lalaki ang papel. Naupo ito at binasa ang laman. Unti-unting namula ang mukha ng lalaki, hanggang sa huli ay sabihin nito. "This is bullshit."

"Ano'ng mali?"

"Mali na nasa akin lang lahat ng responsibilidad at wala sa 'yo." Halos bahagya lang umawang ang labi nito at naninigas yata ang panga sa inis. "For example, your no sex policy is tricky for me. What if you beg like you did last night? As a gentleman, I'm inclined to give a lady what she wants."

Uminit ang ulo ni Agwee. "Beg? Sinabi ko na sa 'yo na sinamantala mo ang kalasingan ko! Puwede ba?"

"Oh, please, you didn't have that much to begin with. Stop fooling yourself. As I was washing the dogs, you were looking at me as if you wanted to devour me."

Biglang nag-init ang buong mukha ni Agwee. Nadama niyang umigting ang ugat niya sa leeg. "Hoy, ang kapal mo!"

"And this one right here, number four. It's only for me. What about you?"

Inagaw niya rito ang papel, gigil na gigil, saka binasa. "Eh, di ilagay mo na ikaw din!"

"You write it down. Why should I do it? This absurdity is your idea, not mine."

"Sorditi ka diyan," aniya, gigil na gigil. Para siyang batang pikon na wala nang maipanglabang pang-asar kaya ginaya na lang ang sinabi ng kaaway. Halos mabutas niya ang papel sa pagsulat ng bagong statements para maging patas ang lahat sa mokong. Para bang inaasahan nitong gagawin talaga niya ang lahat ng gagawin nito! Puwes, sige, nang matahimik. Hindi nga naman patas na hindi niya ibinilang ang sarili kung pareho silang nasa relasyon.

"Sorry, ha, na hindi ko nailagay ang sarili ko," maaskad niyang bulong, kahit tiyak na naririnig nito. "Kahit kailan kasi, hindi ko naisip na posibleng gawin ko ang ganitong mga bagay dahil may natural na delicadeza ako, hindi tulad ng iba diyan."

"May delicadeza pero gumawa pa ng kasulatan tungkol sa sex," anang lalaki.

"Dahil kasi iyong iba diyan, walang delicadeza."

"I'm sick and tired of you accusing me all the time. You're being difficult."

"At saan ka nagpunta kaninang umaga?"

"I met a colleague. What's the matter?"

"Kolig ka diyan," ismid niya.

"You're behaving like a child. I want no part in this!" Tumayo na ito.

"Matapos mo akong pagsulatin dito, lalayasan mo ako? Pirmahan mo kaya? Bawat isang numero!"

"Yes, boss," balik nito, umiigting ang panga. Pinirmahan nito isa-isa ang mga numero, saka tumayo hawak ang papel. Napanganga si Agwee nang ikiskis nito sa bandang puwit iyon saka ipinatong sa mesa. "Notarized by my ass. You're welcome."

Napanganga si Agwee. Tumalikod na si Davide.

"Bastos na 'to."

"Ikaw ang nagsusulat ng rule tungkol sa sex life natin, pero ako ang bastos?" anito, patuloy sa paglalakad patungo sa hagdan.

"Binastos mo ang kasulatan!"

Pumihit ito, saka sarkastikong sinabi, "I'm sorry, my dear wife, that I rubbed that piece of paper on my ass. I really thought it's toilet paper. But don't worry your pretty head over the pettiness of this—of you and me and this setup—because I will respect every fucking statement on that paper, except for one."

"At alin, aber?"

"The one I didn't initial."

Dali-dali niyang tiningnan ang papel. Ang unang-unang patakaran ang hindi nito nilagyan ng initials. "At bakit?!"

"If you ask me nicely, I might give it to you so no, I didn't sign the no sex statement."

"Puwes maninigas ka dahil hinding-hindi ako makikiusap. Kapal mo!"

Tumawa ito, pero walang sinabing kahit ano, isang pahiwatig na hindi ito naniniwala sa kanya. Halos umusok ang bumbunan ni Agwee sa pagkaasar pero wala siyang magawa. Buwisit na lalaki! Hinding-hindi ako makikiusap makipag-honeymoon ulit sa 'yo! Never!

Habang nagpapalamig ng ulo ay nakiusap siya sa Maykapal, Lord, give me strength. Ngayon pa lang naman ako nalagay sa ganitong sitwasyon at parang nahahalata kong mahina ako sa tukso. Maraming nagsasabing matapang ako at matibay, pero parang marupok ako sa pagnanasa...

---

Like what you read? Vote, leave a comment, share so others may read it as well. Like my FB page to show support as well: facebook.com/vanessachubby

Please do not ask for updates. I will update when able.

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon