Chapter 56

30K 1.2K 75
                                    

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

---

"I never liked social media. But it's important now as a marketing tool," ani Davide.

"Totoo. Mas gusto ko lang siguro ang personal connection," sagot ni Aguida.

"Me, too."

Nagkatinginan sila. Biglang lumabas sa kanyang labi ang tanong na ilang araw na sa kanyang isip. "Bakit mo ginagawa ito?"

"What?"

"Ito. Bakit tayo magkasama na naman?"

"Do you not enjoy my company?"

"Of course, I enjoy your company. Pero bakit tayo magkasama na naman at pagkatapos, mag-aaway na naman?"

Ilang sandali bago ito nagsalita. "Hindi na ako mang-aaway, pangako."

Awww. Ang cute ng kamote, sarap sipain dahil pinapakilig na naman siya. "Bakit ba kasi inaaway mo ako palagi?"

"I'm sorry. Inaaway mo din naman ako noon."

"Pero mas inaway mo ako."

"Yes. I'm sorry."

Gusto niyang malaman kung bakit. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ibang tao na nawawalan daw ng kahulugan ang apology kung mayroong paliwanag. Siya ang tipo ng taong gustong paliwanagan dahil gusto niyang maintindihan ang perspective ng iba, kung saan ito nanggaling na anggulo. Para sa kanya, ang "but" pagkatapos ng mga salitang "I'm sorry" ay hindi palaging nangangahulugan na ipinapasa ng nagkamali ang kasalanan sa iba, kundi pagpapaliwanag kung bakit nito nagawa ang isang bagay. Ayaw niya ng "I'm sorry" lang at wala nang explanation dahil kung minsan ay parang lumalabas na hindi masyadong naiintindihan ng gumawa ang nagawa nito. Kailangan niya ng paliwanag. Pero mukhang walang balak si Davide na sundan ang "I'm sorry" nito. At hindi iyon ang tamang lugar para magpaliwanagan sila.

Bago sila matapos mananghalian ay mayroong dumating na isang bus ng mga turista. Lumakad na rin sila mayamaya matapos mamili ng kukutin sa biyahe. Nakikinig lang sila ng music, pero dama niya ang tensiyon sa pagitan nila. Madaming bagay ang hindi pa nila nasasabi sa isa't isa, mga bagay na gusto niyang malaman. May halos dalawang linggo naman sila sa bakasyon kaya sa panahong iyon ay baka puwede niyang maitanong. Dalawa lang naman ang posibleng mangyari—ang magtuluy-tuloy iyon o ang manlamig na naman ito. Sa record ng lalaki, ang pinakamatagal ay isang linggo. Sa isang araw, isang linggo na ulit. Ano ba ang aasahan niya pagkatapos noon? Malalaman niya.

Nagsimula siyang magtanong dito tungkol sa mga ordinaryong bagay, hanggang sa magkatawanan na sila at magpatuloy sa masayang usapan. Sa totoo lang, ito lang ang taong kaya niyang kausapin nang ganoon katagal at palaging mayroong input. Masarap itong kausap, madami siyang natututunan. Siyempre pa, dahil matalino ito, lalo na naman siyang nai-in love. Hindi talaga fair ang mundo. Kung nagkataong eengot-engot ang lalaki, malamang na hindi siya maa-attract, tulad ng ex niya. Habang tumatagal, nate-turn off siya sa ex dahil walang alam sa mundo, walang growth ang intellect. Si Davide, alam lahat ng bagay.

"Bakit matalino ka?" aniya.

Tumawa ito. "I don't believe that's true."

"Huuu, pa-humble ka pa. Hindi ko nga alam kung bakit pati mga giyera, alam mo ang detalye. Pati history ng ibang bansa. Ano ba ang binabasa mo?"

"A lot of things. But I'm still quite stupid."

"Asus."

"It's true. If I were smart, I wouldn't have pushed you away."

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya natigilan siya. Hindi niya alam ang tamang itugon. Bumilis ang sasal ng kanyang dibdib pero ayaw niyang mag-assume agad. Ilang ulit na siyang nadale doon noon.

"Davide, iwasan mo sana ang pagsasabi ng mga ganyan sa akin dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyari."

"I just want to be there for you."

Lalo na siyang walang nasabi. Tahimik na ang naging pagbiyahe nila, hanggang sa unconsciously ay masabayan niya ang kanta sa radyo. Isa iyon sa paborito niya dahil paborito ng kanyang lola at nanay. Napanood din niya ang pelikulang Ghost.

"And time goes by so slowly and time can do so much... Are you still mine?"

"I love your voice," ani Davide.

Noon lang niya na-realize na malakas niyang nakanta ang Unchained Melody. Nag-init ang kanyang mukha kahit pa nga may K siyang kumanta dahil maganda ang boses niya. Siya na ang palaging nang-aagaw ng mikropono kapag may videoke sa birthday-an. "Kumakanta ka ba?"

"I'm not very good."

"Nakakaasar ka, alam mo ba 'yon? Palaging not good, not smart. Pa-yummy ka masyado."

"Pa-yummy?"

Napahagikgik tuloy siya. "'Yan ang sabi ng kasama ko sa teatro. Iyong mga lalaking pa-humble pero pa-yummy naman. Basta, 'yon na."

"Are you saying that I'm yummy?" Nagniningning sa kapilyuhan ang mga mata nito.

"Eh, kung sabihin kong oo, ano'ng gagawin mo? Tigil-tigilan mo ako, Davide, at sa ating dalawa, ikaw ang palaging umaatras." Itinaas niya ang noo. Siya pa ba?

"Ouch." Umakto itong parang may tumarak sa dibdib at napahawak doon. "You know where to hit me, honey."

Natawa siya, kahit sa isang bahagi ng isip ay natuwa. Kung noon niya sinabi sa lalaki ang ganoon, malamang na nanahimik ito o umatras na naman. Lihim siyang umasa, sa kabila ng lahat ng babala dahil matigas ang kanyang ulo pagdating sa lalaking ito.

___

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon