Catlline Rivanna Salvedra
Napasinghap ako habang pinagmamasdan ang paligid, biglaang sumagod dito ang pinadala ni Emillio Aguinaldo na tauhan, para patayin si Andres. Dahil wala naman akong pake sa kanila ay umupo na lamang ako. Dalawang linggo na akong naririto, kasama si Jose Rizal—si Diana pala.
Nalaman namin kay Tandang Sora na magkasama na ngayon si Rico at Martin, ang bayani na napunta kay Martin ay si Heneral Antonio Luna, samantalang ang kay Rico ay si Emilio Jacinto.
"Pinunong Bonifacio, mamayang hapon ay babalik na si Emilio Jacinto kasama si Antonio Luna."Napangiti ako nang sabihin niya iyon, malamang ay dito ang uwi ni Rico, dahil siya ang utak ng katipunan, kakampi siya ni Andres. Sana lang ay hindi maguluhan ang dalawa.
"Gosh! Sissy, malapit ng dumating ang boyfie ko!"Mahinang bulong ni Diana sa'kin, halata naman ang kilig sa kaniya. Agad naman akong napangiwi, nai-imagine ko na kapag naghalikan si Diana at Rico, ay parang naghalikan na rin si Jose Rizal at Emilio Jacinto, fuck that's disgusting, dapat masabihan ko itong si Diana, tangna na 'yan!
"Oy, Andres, pwede ba tayong magusap."Nakangusong kong wika sa kaniya, nakita ko ang gulat sa mata niya kasabay noon ang pagiwas niya ng tingin sa'kin. Hindi ko tuloy alam kung maganda ba ako? Wala man lang salamin dito. Nako baka naman mamaya mukhang palaka pala si Gabriela! Pumunta kami sa loob ng kaniyang tent.
"Andres! Kailan huling umiyak si Gabriela?"Nagtataka siyang tumingin sa'kin, malamang ay nasa isip niya ay nababaliw na ako, dahil hindi ko naman talaga kinikilala ang sarili ko bilang Gabriela, muntik na nga ulit akong hampasin ni Tanda ng kaniyang tungkod, dahil sinabi ko sa lahat na ang itawag sa'kin ay Heneral Catlline.
"Noong namatay ang iyong asawa na si Diego Silang."Nagulat ako sa sinabi ni Andres, may asawa pala si Gabriela? Pero base naman sa pangangatawan ko ay parang nasa 20's pa lang ako baka siguro 30's.
"May iba pa kayang minahal noon si Gabriela, bukod kay Diego Silang?"Mahina kong tanong sa kaniya, naging interesado tuloy ako sa buhay ni Gabriela, nakita ko ang biglaang pagtigil ni Andres.Bakit naman gano'n 'yung reaction niya? Parang ewan.
"Wala na."Simple niyang saad, kaya naman napasimangot ako. Sayang! Akala ko naman may nagustuhan pa noon si Gabriela, para pagdating ko sa totoong mundo isisiwalat ko ang nalaman ko! Very good idea Catlline! Ang talino mo talaga!
"Alam mo Andres, ang gwapo mo pala. Sayang gusto sana kita."Magiliw kong sabi, nakita ko naman na nagseryoso ang kaniyang mga titig, tininganan niya ako sa mata kitang-kita ko sa mata niya ang lungkot.
Baka naman nalulungkot siya dahil sinabihan ko siya ng gwapo? Pero nagsasabi naman ako ng totoo, ang gwapo niya. Kung nasa totoong mundo sana kami edi sana jinowa ko na 'to. Para kasi siyang fallen god.
"Matagal ko ng alam iyan Gabriela. Aking mahal..."Then that's hit me, hindi ko magalaw sa mga bitawan niyang salita. Kung hindi lang sana niya binaggit ang mahal, ay 'di sana tumatawa ako ngayon dahil ang hangin pala niya.
"M-mahal."Shit! Why I'm stutter? Bakit parang affected ako sa sinabi niya? I always hear that, lagi akong sinasabihan ng mga gano'n ng mga lalaki. But this is wrong, fuck this Gabriela's heart. Tumitig lang ako sa mata niya, ngumiti siya sa'kin, at nagulat na lang ako nang nakadikit na ang labi niya sa pisnge ko. That makes me curse, bakit hindi sa labi?! Shit this mind!
"Kay tagal na panahon ko na ito hinihintay, Gabriela aking mahal. Lumipas ang limang taon ay nasa puso pa rin kita. Hindi nakita pakakawalan pa, kahit may hadlang sa ating pagmamahalan."Nanlambot ako sa mga sinabi niya, yakap-yakap niya ako ngayon, damang-dama ko ang pagmamahal niya. At ang pagmamahal 'rin ng lintek na puso ni Gabriela! Hindi ako napunta dito para maging connected kay Bonifacio! Jusko, never kong pinangarap magka jowa ng bayani. Never kong pinagarap magkajowa ng ninuno ko pa yata!
Pero shit! Grave ang pagtatanong ay napunta sa confession, pero base sa mga sinabi ni Andres ay mukhang may lihim na pagmamahalan sila ni Gabriela. Malandot talaga ng bayaning 'to!
"Andres, lumabas ka muna."Nagulat ako nang may biglang magsalita, naramdaman kong natigilan si Andres, mukha siyang kinakabahan. Sabagay kung si Tanda nga naman ang maririnig ko ang boses kikilabutan 'rin ako.
Walang nagawa si Andres kung 'di umalis. Sino ba talaga ang pinuno dito? Sa pagkakaalam ko ay si Bonifacio! Tapos si tanda taga gamot lang dito! Tapos grave makapagutos kala mo pinuno! Kung hindi lang 'to matanda nako.
"Salvedra, isang sa pinagbabawal ko ay ang pagkaroon ka ng koneksyon sa ano mang bayani."Mariin nitong wika, napasinghap ako nang hampasin niya ako ng kaniyang tungkod! Malapit na talaga sa'kin 'to, konti na lang talaga!
"Tanda, wala akong pakeelam sa pinagsasabi mo, wala kang sinabi sa'kin kung ano bang misyon ko para makaalis sa makalumang lugar na 'to!"I exclaime, tiningnan ako ng masama ng matanda, halata naman sa tingin niya na sinasabihan ako ng walang galang. Kung nasa totoong mundo lang sana kami ipapakulong ko talaga si tanda, sa dalawang linggo ko dito ay lagi akong nahahampas ng tungkod! Child abuse iyon, kahit eighteen na ako!
"Misyon? Walang gano'n Salvedra, nandito ka dahil sa parusa hindi sa misyon."Mariin niyang wika kaya napapikit ako, malapit na talaga 'tong matanda na 'to.
"May tanong ako! Ano bang meron kay Andres at Gabriela?" Irita kong tanong, para na akong aatakihan sa puso kanina ng hawakan ako ni Andres, the way he touch me grave maka react ang puso ko.
"Dati silang magkasintahan."Simple nitong saad at umalis na. Ang hilig mag walk out ng mga tao dito!
"Heneral Catlline, nandito na po si Jacinto at si Heneral Luna."Napatawa ako ng marinig ko ang tinawag sa'kin ng isang lalaki, mabuti naman ang sumusunod sila sa utos ko.
Agad akong lumabas sa tent at hinahabangan na sila Rico. Nakita ko naman ang nakangiting si Rizal. Dumating ang dalawang kabayo, nakasakay doon ang dalawang gwapong lalaki, malamang ay sila Jacinto at Luna na iyon.
"Hoy mga gago!"I exclaime.
"Shit! Catlline?!"
YOU ARE READING
Faded Tears
Fiksi SejarahCatlline Rivanna Salvedra, isang babae na rebelde at walang ginawa kung hindi mangulo kasama ang mga kaibigan niya. They hate heroes, dahil para sa kanila ang mga bayani ay mga walang kwenta, at mga tanga lamang. Until one day, nagising na lang siy...