Prologue

34 3 34
                                    

"Woy Cali! Aba,baka gusto mo bilisan?!"naiinip na sigaw sakin ni Ellaine.

"Eto na! Eto na! Eto na oh!  Eto na!"sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Oh my god!  Talagang pinaghandaan mo yung party no?!" Salubong nya sa akin.

Tiningnan ko ulit ang suot ko sa malaking salamin sa sala.Isang Off shoulder na Navy Blue cocktail dress,pinartneran ko ito ng White 2 inches heels.Nag lagay ako ng light makeup,Pinartneran ko rin ng katamtamang laki lang ng hikaw, Necklace at Bracelet.

"Palibhasa alam mong dadating si Dus-"

"Hindi ako pupunta sa party dahil sa kanya. "putol ko sa sinasabi nya.

"Wushu! Ikaw pa?!  Eh patay na patay ka nga don dati! " sabi nya habang nag aayos ng mga gamit.

"Dati lang yon no! " pag dedepensa ko.

"Okay,sabi mo eh!" natatawang sagot nya.

"Tara na nga dami mo pang sinasabe! "sigaw ko sakanya saka nagpaunang maglakad palabas.

Papunta kami ngayon sa Birthday party ni Sariah.As usual madaming bisita.Ang sabi samin ni Sariah ay dadating yung mga pinsan at ibang kamag anak nila,Dadating  din daw yung ibang schoolmates namin dati at teachers.

"Oy teh! Wala ang kotse ni Dustin! Mukhang di ata pupunta! "biglang sabi sakin ni Ellaine.

"Eh ano naman kung di sya pupunta?"masungit kunyareng sabi ko.

"Ay share ko lang teh! Napaka ano mo naman!" nakangusong asik nya.

Pagkababa namin agad kaming sinalubong ni Sariah.Kasunod nya ang mga tropa namin.

"Happy Birthday Sariah!!"masayang salubong ko kay Sariah.

"Ay kabog ang ate mo!  Ikaw ang may birthday?!"salubong saken ni Sariah.

"Ay teh! Halata namang pinaghandaan nya talaga ang birthday mo!"sabat ni Ellaine saka nanunuksong tumingin saken.

"Oh pasok na kayo! Balak nyo bang magpakain sa mga lamok jan?!"Sumunod kaagad kami kay Sariah papasok.

Dumiretso kami sa garden nila kase duon naka set up ang party. Marami pang nagsisidatingan na mga bisita.

"Woy Sariah! Dadating ba si Lucas?"tanong nya kay Sariah habang nakatingin sakin.

"Aba bakit teh? Type mo?! "nang-aasar na sagot naman ni Sariah.

"HA?! Hindi oy! Masamang magtanong ha? "nakasimangot na sagot ni Ellaine.Tinawanan ko nalang sila saka kumuha ng pagkain.

"Oh ayan napala yung inaantay mo oh! "turo ni Sariah sa gate.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Lucas,Si Stephen,Si Kendrick at nasa likod ng mga ito si Dustin.

Shet

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga pagkain saka bumalik sa lamesa namin.Nagsimulana akong kumain, nag angat ako ng tingin ng may naramdaman akong nakatingin sakin. Nanunuksong nakatingin sakin si Ellaine.

"Ano?! "singhal ko.Inalis nya ang nanunuksong tingin sakin saka tinawag yung mga bagong dating.

"Lucas! Dito nalang kayo sa table namin! "sigaw ni Ellaine sa kanila. Tumingin ako sa mga kasama namin at nakita ko silang mga nakangisi lang.

"Si Marcus nga pala? "Tanong ko kay Sariah.

"Ay oo nga pala! Sabi nya kanina papunta na sya hanggang ngayon wala paden."sagot nya saka sya tumayo at iwelcome ang mga bisita.

The Battle of LoveWhere stories live. Discover now