Halos mag ta-tatlong buwan na simula nung mag simula ang klase.Buwan ng wika, kung saan may Sabayang pag bigkas at Modern Dance na magaganap sa school.
"Tih! Saan ka sasali? Sabayang pagbigkas?!"pasigaw na tanong sa'kin ni Ellaine.
"Modern Dance,"sagot ko.
"Ako din,sa Modern dance din ako sasali! "biglang singit ni Marcus.
Nandito kami ngayon sa room, umalis ang filipino teacher namin dahil may emergency daw, kaya iniwan nya muna kami dito sa room.
Oks lang maam sanay naman ako maiwan, Charooott!!
"Gago ka Marcus, Lumabas ka? Bawal lumabas diba?! "Agad agad na tanong ni Sariah.
"Sino may sabing bawal lumabas?!"taas kilay na tanong ni Marcus.
"Ay malamang dre, si Maam!"nanlalaki ang mata na pasigaw na sagot ni Ellaine sakanya.
"Ikaw Sariah na nainlab kay Barrera,Saan ka sasali?! "tanong ni Ellaine kay Sariah,nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.
Sino nanamang Barrera yon?!
"Nampucha naman,Andaldal!"imbis na sagutin ang tanong ay iyon ang nasagot ni Sariah sa kanya.
"Aba, magtotropa tayo tapos di mo ipapaalam sa kanila?! "sabi ni Ellaine habang nakaturo sa'min.
Nilingon ko si Marcus at nakitang nagtataka itong nakatingin sa dalawa. Nang maramdamang nakatingin ako sakanya ay nilingon nya ako,at nagtataka ring tumingin sa kanya.
"Andaya,hindi nag kukwento!"sabat ni Marcus at akmang ihahampas sa kanila ang notebook na hawak nito.
"Wow ha,nagsalita ang nagkukwento?! "pabalik na sabi ni Sariah kay Marcus.
"Pucha, di ako makarelate sa inyo ah? Uso kwento mga tol! "sabat ko sakanila atsaka padabog na inilabas ang notebook ko.
Natahimik sila at parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita,nagtitinginan a nga ang mga loko. HAHAHA.
"Taenang yan,pag magsasalita ako napapatahimik kayo!"natatawa ko'ng sabi sakanila.
Totoo naman,sa tuwing magsasalita ako,matatahimik sila saglit saka ipagpapatuloy ang kwentuhan. Lalo na pag tungkol sa mga crush nila,mga Abnoy.
"Ehem Marcus, bekenemen! "sabi ko sabay dunggol kay Marcus,pero agad ko syang nahila dahil sa sobrang lakas ng pagdunggol ko muntik na syang matumba.
"A-ako? Bat ako?Ayan si Sariah oh!"nakangusong sabi nya sabay turo kay Sariah.
"Oo na, Oo na! Crush ko si Barrera, yung tropa ni Marcus,yung Stephen Barrera!"sabi ni Sariah sabay upo sa upuan nya at isinuksok ang mukha sa bag.
"Depungal ka,martir! Bat sa tropa ko pa?! "galit kunong sabi ni Marcus.
Sauladong saulado na namin ang kilos ng isa't isa, kaya alam namin kung nagbibiro ito or di kaya seryoso. Kaya sa sitwasyon ni Marcus, halatang biro lang ang galit na pinapakita nya.
"Wow, Marcus Jason Hernandez, Coming from you huh?!"umaarangkada nanaman ang bunganga ni Sariah.
Parehas na parehas sila ng bunganga ni Ellaine, napaka lakas.Ewan ko ba,magkapatid ata 'tong dalawang 'to.May 15 minutes pa bago mag breaktime, pero ang iba naming classmate nagsimula nang magsilabasan para kumain.
YOU ARE READING
The Battle of Love
Fiksi RemajaThere's a man and a woman that are both in love with each other.Their relationship was so strong that even a small fight was resolved immediately, but can they survive to the trials that they will be going through? Can they fight the battle together?