Isang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang klase.Ewan ko ba,pero ang aga kong nagising ngayon.Maaga din ako dinalaw ng antok kagabi,kaya siguro may mahigit isa't kalahating oras pa'ko para kumilos ngayon.
Pumunta ako sa banyo saka naligo.Biglang pumasok nanaman sa isip ko yung sinabi ni Dustin sa'kin nung huli naming kita.
Kaya ako nauuntog kase matangkad ako, Eh sya? Matangkad sya pero hindi sya nauuntog sa multi-cab,kaya mas matangkad pa din ako.
Bahala sya sa buhay nya,hmp!
Pagtapos ko'ng maligo,Nagsuot muna ako ng panloob na sando saka shorts dahil maaga pa naman.Tiningnan ko ang oras,Mahaba pa ang oras para mag ayos.
Pinatuyo ko muna sa tapat ng electricfan yung buhok ko, at balak ko'ng iipit ito ngayon.Minsan lang ako ginaganahan mag ipit bago pumasok,laging nakalugay ang buhok ko sa twing papasok ako,dahil na 'rin
sa late na'ko nagigising.Bumaba muna ako para kumain at mag toothbrush.Pag ka balik ko sa kwarto ko, Inipit ko ng pahead band na braid yung buhok ko at nagtira ng ilang pirasong buhok sa unahan,naglagay nadin ako ng oil sa buhok para maayos.Sinuot ko na ang uniform ko at nag ayos,naglagay din ako ng konting powder at lip balm.
Nakataas ang kilay ko'ng pinagmasdan ang kabuuan ko.
Ang arte ko naman ata ngayon?
Tatawa tawa akong pinagmasdan ang kabuuan ko saka nag make face at sumayaw sayaw sa salamin,saka tumawa ulit.
Abnoy amputek..
Itinigil ko ang pag tawa saka seryosong pinagmasdan ulit ang kabuuan ko,Ampanget amp.
KRING!!
KRING!!
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang mag ring ang phone ko.
"Ano?!"inis na sagot ko, di ko na nasilip kung sino ang tumatawag.
"Aba,buti gising ka na mahal na prinsesa?! "halos mailayo ko sa tenga ko ang cellphone sa sobrang lakas ng bunganga ni Ellaine.
"Bunganga mo oy!Ang aga aga kaingay ingay,Oo papasok na nga ako eh!"inipit ko sa tenga at balikat ko ang cellphone habang inaayos ang laman ng bag ko.
"Aga mo ah?!"parang naninibagong tanong nya.
"Oo, kaya kumilos ka na! Ang mahuli panget! "sabi ko sabay baba ng linya.Bumaba na 'rin ako para magpaalam kila Mama.
"Ma,Alis na po ako! "sabi ko saka lumabas ng bahay.
Nagulat ako nang may biglang kumalbit sa'kin habang naglalakad ako papunta sa pilahan ng multi-cab.
"Aga,ah?"tanong nya sabay dunggol sakin ng mahina.Dinaman kami masyadong close,kung maka dunggol amp!
Tatlo nalang ay mapupuno na ang white cab (multi-cab) kaya agad akong sumakay para makahabol, sumunod naman sa akin si Dustin.
Akmang uupo na ako sa may pintuan ng white cab, pero naunahan nya ako.Pinagbigyan ko nalang sya.
Badtrip!
Wala pang 10 minutes ay nakarating na kami sa school. Inantay ko muna makababa si Dustin bago ako bumaba, pero pinauna nya muna bumaba yung ibang estudyante na nasa likod.
Nang makababa lahat,ay saka sya bumaba,Nakataas ang kilay kong tinignan sya ng makitang inaantay nya akong bumaba.
Bat ba hindi pa sya umaalis?!
YOU ARE READING
The Battle of Love
Teen FictionThere's a man and a woman that are both in love with each other.Their relationship was so strong that even a small fight was resolved immediately, but can they survive to the trials that they will be going through? Can they fight the battle together?