Chaptah Tooh

34 12 1
                                    

Chaptah Tooh

"Papa?... Hello?"

"Pa!"

Paulit ulit kong sabi bago pa tuluyang maputol ang linya.

'Wag aalis? Dito lang? Mga ilang katagang maayos kong narinig na pilit na tinatanggi ng utak ko na intindihin. Wala akong maintindihan.

Tumayo na ako at nakapag desisyon na umuwi na lang muna para makausap ng maayos si Papa.

"Perseus, utang muna 'yun ha!" Mabilis kong sabi nang napadaan sa counter "Ay,Uncle Percy, utang po muna 'yun ha!" Pagbabago ko nang wala na si Perseus na kaninang nagbabantay doon.

"Babalikan ko na lang po ulit mamaya yung mga ano" dagdag ko habang mabilis na tumakbo palabas.

Mayroon pa yata siyang sinabi ngunit hindi ko na narinig sa pagmamadali. Hindi ko na rin yata napatay ang computer na nagamit ko.

--

Naabutan ko si Papa na may kausap sa telepono. Nakatayo malapit sa may bintana na hanggang ngayon ay nakawadwad pa rin ang kurtina.

Hahawiin ko na sana ang kurtina pero pinigilan niya ako. Sumilip ako at nakita ang mga nakaitim na lalaki sa labas sa may tindahan ni Aling Dinah. Mga naniningil siguro ng utang.

" Pa" sabi ko sa kanya, habang hinahabol pa rin ang paghinga.

Gustong gusto ko nang maliwanagan. Malamig ang panahon pero basang basa ako ng pawis dahil sa pagtakbo ko makarating lang agad dito.

Wala akong masakyan kanina kaya napilitan na lang akong tumakbo, medyo malayo pero kaya naman kaysa magtiis sa trapik.

Sinenyasan niya ako na maghintay muna sandali. Mukhang seryoso siya sa pakikipag usap kaya nanahimik muna ako.

Pumunta ako sa kusina at uminom muna ng tubig.

Habang tumatakbo ako kanina, hindi ko maiwasang mag isip. Mauulit na naman ba ang nangyari dati?

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Papa pero desidido na ako. Para din naman sa amin ito. Mas makakatulong na ako sa kanya kapag naging doktor ako, makakatulong din ako sa iba. Mas magiging ligtas din si Conrad.

" Qen, anak" tawag sa akin ni Papa. Kalmado naman siya 'di katulad kanina.

What's with the sudden change, Papa? Kung katulad lang ng kanina, kayang kaya ko rin sabihin lahat ng dahilan kung bakit gusto kong umalis.

" Makinig kang mabuti" mahina lang ang mga salita niya na parang bumubulong. Nandito na pala ito sa may kusina.

Mukhang hindi na naman niya ako pasasalitain. Ibinaba ko ang basong hawak at humarap kay Papa.

"Kailangan ka ng kapatid mo, kung pwede ay dito ka na lang" sabi niya sa tonong ayokong pakinggan "wag ka na munang umalis" dugtong pa niya.

He's like begging me and I hate it. Paano ko sasabihin lahat ng gusto ko kung ganyan siya.

"Pero Pa... bakit? Bakit ngayon pa?" Malabo na ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha sa mata ko.

"Isipin mo ang kapatid mo Qen, kahit si Concon na lang" pagtatanggol niya sa malumanay pa ring boses.

Please, Pa. Bakit hindi ka na lang sumigaw? Tumingin ako sa taas sa pag iisip na baka bumalik at hindi pumatak ang mga luha ko.

" Palagi ko kayong iniisip, Pa" kung alam mo lang Pa, kung alam mo lang kung gaano ako hindi makatulog sa gabi, kung gaano ako kadalas magising sa gitna ng pagtulog ko.

Ascendance Where stories live. Discover now