Kabanata 2
Naka-loose shirt ako na naka-tuck in sa harapan. Thanks for my long legs and butt, I don't look like a bamboo. Naglagay rin ako ng lipbalm at kaunting foundatiom bago tuluyang lumabas ng bahay kung saan nakita kong nakasandal na si Kuya Sanctuary sa kotse niyang nakahanda na. Nag-insist siya na kotse niya na lang raw ang gamitin kaya pinayagan ko na. At least, nakatipid sa gas.
"We actually own it," Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? Pagmamay-ari nila ang Doms University? Now that's why it was Doms, huh. Dominante?
"Wow," Natawa na naman siya sa reaksyon ko at talagang namamangha ako tuwing ganitong nakikita ko siyang natutuwa. I mean, I really never thought a guy could ever smile and laugh like this. Para siyang Diyos na tumatawa.
"Yup, and because you're with me, maaga kang matatapos." Ngisi nito sa akin. Really? Nanggo-goodtime na ata 'to e. Natawa ako naman ako doon.
"Well, then, thanks." Ngiti ko. "Ang swerte ko naman pala,"
And just like what he told me earlier, mukhang sa kanila nga talaga ang school na ito dahil nang makita siya ng mga head officers ay grabe ang pagbati na iginawad nila. He told them I was with him, and just like that, I finished my enrollment. Grabe, hindi ko inakalang ganito. Akala ko ay aabot pa ako ng isang week dahil marami rin silang inaasaikasong papers ng ibang estudyante.
"So, where do you plan to go next?" Tanong ni Kuya Sanctuary habang pinaglalaruan ang susi sa kamay niya.
"Huh? Uuwi?" Napakamot ng ulo si Kuya Sanctuary at natawa.
"Oh, come on." Aniya habang umiiling na binuksan ang pintuan sa frontseat at pinasakay ako. Napakunot ang noo ko pero hinayaan ko na. Well, what? Do you want us to go to a nearest resto first and eat? That's fine with me.
"Are you hungry?" Tanong ko habang nagda-drive siya. "Pwede naman tayong kumain muna bago umuwi? I mean, if I'm not really bothering you or what,"
Napangisi siya at nagulat ako nang nag-U-turn siya. "Great,"
"Well, I can learn to cook naman. May mga procedures naman sa internet," Pakikipagtalo ko sa kaniya nang mabanggit niya na prinsesang-prinsesa raw ako dahil hindi ako marunong magluto. Well, totoo naman iyon and I have no plan to feel insulted or what.
"Or I can just teach you how," Ngiti niya at natahimik na kaya nagtaka ako. Nilingon ko siya at nakitang nakikipagsukatan na siya ng tingin sa nasa kabilang linyang grupo ng mga lalaki.
"They are checking you out," Bulong ni Kuya Sanctuary kaya natawa ako. Well, wala namang problema ro'n at kapag ganito ay hindi ko na lang naman pinapansin dahil hindi naman talaga ako interesado.
Panay pa rin ang pakikipagsukatan niya ng tingin at mukhang hindi natatablan iyong mga lalaki dahil panay pa rin ang pagpapansin nila sa akin. May isa pa ngang tinulak no'ng isa sa gawi namin na agad namang naharang ni Kuya Sanctuary.
"Hubby, I want sundae." Kalbit ko kay Kuya Sanctuary. Nilingon ako ni Kuya Sanctuary at agad na hinaplos ang buhok ko.
"Oh, my wifey wants some sundae, huh. Then, we'll buy one. What flavor do you want?" Hinalikan pa ako nito sa pisngi. Nagulat ako ro'n pero umakto ako na sanay na ako sa gano'ng galawan niya. At doon, natigil sa pagpapapansin 'yong mga lalaki. Kasi alam nilang may boyfriend na ako...kahit wala naman talaga.
BINABASA MO ANG
My Possessive Sex-Addict Neighbor (Dominante #2)
General FictionWarning: This story is not appropriate for young readers. May contain sexuality and other mature theme contents. R18+ /// SPG ~ Sanctuary Dominante is always nice and friendly, pero talagang hindi niya kayang ngiti-ngitian na lang ang mga taong luma...