Kabanata 1

7.8K 95 13
                                    

Kabanata 1

"You'll be fine, right?" Tumango ako kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi. "My dear Patricia. I'm gonna miss you so bad, darling. Are you really sure you want to live independently?"

"Mom, stop it. I'm already eighteen, and I assure you that I'll be very, very fine. I love you," Tumango si Mama. Niyakap na rin ako ni Daddy na wala nang nagawa dahil buo na ang desisyon ko.

Nang makarating sa bahay na binili ni Dad na malapit sa school ay agad ko nang binaba ang maleta ko. Tatlo iyon at may mga naiwan pa akong gamit sa mansyon, babalikan ko na lang iyon sa susunod. Kailangan ko munang ayusin at linisin itong bahay dahil medyo matagal-tagal na rin daw na walang nakatira rito. Ni hindi na ito pinalagyan ng taga-bantay ni Dad dahil hindi niya naman akalain na magagamit ito. He bought this house long time ago, to help his friend na nangangailangan ng pera. Actually, wala talagang balak si Dad na bilhin ito, nakiusap lang iyong kaibigan niya na ibenta ito kaysa mangutang kay Dad na hindi siya sigurado kung mababayaran niya.

Nang maipasok ko sa loob ng bahay ang dalawang maleta ay bumalik ako sa labas para kunin ang naiwang isa. Nagulat pa ako nang may isang lalaking nakatayo doon at nakatitig sa kotse kong nakaparada sa harap. Nang mapansin ako ay napatingin ito sa akin, mula ulo hanggang paa. I immediately blushed and suddenly get conscious about my appearance. Nakasuot ako ng isang dress na above the knee at naka-boots. Naka-ponytail ang buhok.

Umiwas ako ng tingin nang magtagpo ang mata namin. Kahit naka-plain white shirt at short ito ay hindi mapagkakailang isa siyang Diyos na nalaglag sa lupa. I don't know how to react. Should I say hi, hello, or greet him good evening? I've never been this shy and nervous around a guy!

"H-Hi, I'm Patricia Monteverde, I'll be staying here for good. Nice to meet you," There. Tumaas lang ang kilay nito bago tiningnan ang bahay na nasa likuran ko.

"Sanctuary Dominante, I'm living on the house next to you," Nang lingunin ko iyon ay agad akong tumango. Hindi naman dikit-dikit ang bahay rito, though medyo maliit lang ang space sa pagitan ng mga ito. "Need a hand?"

"Ah hindi na, mga maliliit na bagay lang naman ang dala ko ngayon. Iniwan ko pa sa bahay namin ang ibang gamit. Wala pa kasi akong oras para mag-ayos, kailangan ko pang mag-enroll kasi." Ngumiti ako at hinila na ang maleta. "Sige, papasok ko na muna ito."

"Sure," Ngiti nito pabalik. Napalunok ako sa ngiti niyang iyon. I nevr thought a guy could smile beautifully. Nang maipasok ang huling maleta ay lumabas ulit ako para maayos na maparada ang kotse ko sa garahe.

"And'yan ka pa?" Gulat kong tanong nang makitang nakasandal siya sa kotse ko. "I mean, I thought you already left. Lumabas lang ako para maiparada na itong kotse sa garahe," Turo ko sa garahe na nasa gilid ng bahay.

"I'm here to invite you to my house, I bet you have no time yet to cook for you dinner." Nagulat ako doon pero agad ring napangiti. Ganito pala kabait ang mga tao dito. Talagang mai-enjoy ko ata ang pag-stay dito.

"Sige, ipaparada ko lang itong kotse." Bago ako makapasok ay napatingin pa ako rito dahil sa tanong niya.

"How old are you?"

"I'm eighteen, bakit?"

"Nah, you look a little bit younger. Nagulat lang ako kasi akala ko bata ka pa pero may kotse ka na. So, you're eighteen, huh?" Nakangiti akong tumango. "I'm twenty-two."

"Oh, thanks for the info." Tumawa ako at pumasok na sa kotse at pinaandar ito.

"Welcome to my house, Patricia. Feel at home," Namangha ako nang makapasok. It's clean. Hindi halata na lalaki ang nakatira rito. Ang kabuuan ng bahay ay ang kulay ng asul at puti. It's neat and very manly.

"Oh, your family?" Turo ko sa isang malaking frame na nakasabit.

"Yes." Obviously, Patricia.

"You look handsome there," Tumawa ako at tinuro siya. Hindi naman mahirap makilala kung sino siya doon. Siguro ay recently lamang ito kinuha dahil parang siya iyon ngayon pero mas softer ng konti. He looks darker now e.

"Really?" Tumawa rin siya at tumingin sa akin. "This is my father, Frederick Dominante and my mother, Anastasia Dominante. The oldest Dominante, my brother, is Federick Dominante. Dapat nga ay junior iyang si Kuya sabi ni Papa, kaya lang nagkamali 'yong nurse kaya ayon." Pinagmasdan ko siyang nagku-kwento. He really looks darker now compare sa nasa picture, and more handsome.

"Then, ako, tapos sumunod ay ang kapatid kong si Wanton. Then si Vandyke, at ang bunso namin na si Raven." Isa-isa niyang tinuro ang mga nasa litrato. Maliban sa isang baby na nasa kandungan ng Mama niya.

"E 'yong nasa kandungan ng mother mo?" Lumungkot ang mga mata nito at agad na ngumiti sa akin.

"Would you want to watch me cook?" He doesn't want to talk about it, I understand.

"Pwedeng manuod na lang ako ng tv? There's something I want to watch, kaya lang ay wala pa akong tv sa bahay." Ngiti ko. Tiningnan ako nito at tumango bago ako dinala sa sala niya.

"Feel free to touch anything, Patricia." Aniya at binigay sa akin ang remote. Maybe he saw me looking at his mini-shelves na may mga libro.

"Thank you, Kuya Sanctuary." Nawala ang ngiti nito at tumango na lang bago ako iniwan sa sala. I searched the channel on his tv hanggang sa mapunta ako sa Yey. Kakasimula pa lang ng Doraemon kaya halos mapasigaw ako. Thank God!

I'm enjoying myself watching my favorite cartoon nang maamoy ko na ang niluluto ni Kuya Sanctuary. Inalis niya ang mga kung anong papel sa lamesa na nasa harapan ko bago bumalik sa kusina at kinuha ang niluto niya.

"Wow, that smells great!" Pumalakpak pa ako. "Baka hindi na ako kakain sa labas nito at dito na lang makikikain sayo. Charot, haha" Biro ko.

"That's fine with me." Ngisi nito sa akin. "Or you can cook for me sometimes," Nawala ang ngiti ko at napayuko.

"I don't know how to cook, Kuya." Nahihiya kong pag-aamin. My plan is to just buy noodles or some easy-to-eat foods out there. Pero s'yempre dahil nag-iisa na lang ako ngayon, I would like to study how to cook through internet. Though that will take time, it's fine.

"No need to be shy about it, Patricia. You can always come here, I don't mind." Kulang na lang ay mapayakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa. I clapped my hands because of too much happiness. Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"So, d'yan ka sa Doms University mag-aaral?" Napatingin ako sa kaniya at tumango. "Can I come with you? Kailan ka mage-enroll?"

"Siguro sa Lunes. Hindi ka ba busy? Baka busy ka at nakakaistorbo na ako. I can go alone naman,"

"I'm not busy these days, I'm actually bored." Ngisi nito sa akin. "So, please, Patricia?"

"O-Okay,"

My Possessive Sex-Addict Neighbor (Dominante #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon