Kabanata 3

5.9K 87 6
                                    

Kabanata 3

"Oh, tapos? Tapos?" Pagpupumilit ni Cassie sa akin na magkwento pa. I told her about my neighbor, at nang sabihin ko kung sino ay halos madrama siyang nag-hyperventilate sa kabilang linya, like the name of 'Sanctuary Dominante' equates to a 'God'.

"What? Ano pang iku-kwento ko e wala na? Kapitbahay ko, tapos." Sagot ko naman.

"You're such a virgin! Dapat unang araw pa lang ay tinikman mo na! Girl, that's Sanctuary Dominante! Ang swerte-swerte mo! He's a real nice guy! Diyos na ata 'yan e! Ba't ba hindi mo kilala ha? Wala ka bang tv sa inyo?" And even I can't see her face, I know how she's rolling her eyes.

"I told you, Cass, hindi ako mahilig pero nanunuod naman ako minsan at hindi ko pa siya nakikita." Tumawa ako.

"Whatever! Oo nga pala, buti at pinayagan ka ng magulang mong lumipat na ng bahay! Ako, nganga."

"Kasi nga hindi ka nagseseryoso sa pag-aaral. Try mo kayang mag-focus muna sa studies mo, I'm telling you, sila pa mismo ang bibili ng lupa at bahay para sayo."

Cassie Montessori is my best friend since I elementary. Kahit ilang ulit na kaming napaghiwalay ay nakikita pa rin namin ang sarili naming magkasama o nagha-hang out. I have a strict parents compare to her, pero dahil walang palya ang mga grado ko at hindi ako nagbo-boyfriend ay pinagbigyan nila ako sa kagustuhan kong maging independent kapalit ng pagiging consistent ko sa pag-aaral. Hindi naman iyon problema sa akin e.

"Pero balik tayo kay Sanctuary! Girl, sinasabi ko sayo talaga, ang swerte mo! Siya na ata ang pinaka-gentleman sa kanilang magkakapatid kaya kapag naging jowa mo 'yan, tiba-tiba ka na! Mukha namang masarap 'di ba?"

"Cassie!"

"What? Pa-virgin, amp. Ewan ko sayo, sis. Pag-aralan mo naman kaya minsan kung paano lumandi para hindi ka napag-iiwanan?" Narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya. Napailing na lang ako at pinatay na ang tawag dahil alam kong hindi ako titigilan no'n kakapilit sa gusto niya.

Tahimik akong kumakain ng noodles nang nakarinig ako ng tunog galing sa doorbell ko. Sinilip ko muna sa may hole kung sino iyon at nang makitang si Kuya Sanctuary ay napakunot ang noo ko habang binubuksan ang pinto. It's almost eight in the evening!

"Hi," Bati niya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at nanlaki ang mga mata nang ma-realize na dinner iyon. "Dinner, Pat. Alam kong hindi ka magluluto kaya nagdala na ako,"

"Hala, hindi naman kailangan." Nahihiya akong gumilid para papasukin siya sa loob ng bahay ko. Gabi na kaya hindi ko ine-expect na dadaan pa siya rito? Kung hindi nga lang ako nagising sa pagkakatulog ko mula kaninang alas-sinco ay hindi na ako kakain ng dinner e.

"I'm waiting for you to come to my house, but you did not so..." Napakamot siya ng ulo habang tinutulungan kong ihanda ang dala niya sa lamesa.

"Kagigising ko lang rin kasi," Sagot ko habang kumukuha na ng plato at hinahanda iyon. "Sabay ka na rin sa akin. Or did you eat already?"

"Hindi pa," Ngisi niya at umupo sa harapan ko. "Gusto ko kasing sabay tayo kaya hindi muna ako kumain. I'll take note of this, kapag hindi ka nakapunta sa bahay, ibig sabihin nakatulog ka kaya kailangan kitang gisingin at pakainin."

Natawa naman ako ro'n. "Hindi naman na kailangan, Kuya. Minsan hindi na rin talaga ako kumakain ng dinner kasi marami minsang kailangan gawin sa school-"

"I won't allow that, Pat. That's not healthy at all," Simangot niya sa akin. Napangiti ako at napagtanto na talagang tama si Cassie nang sabihin niyang 'nice guy' itong si Kuya Sanctuary. "Kailangan mong kumain. If you can't cook, I will."

My Possessive Sex-Addict Neighbor (Dominante #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon