"Ano po ang ulan? Bakit po may bahaghari?", tanong ng isang batang babae sa kanyang ina.
Kinuha naman ng kanyang ina ang maliit na aklat at binasa ang kahulugan ng ulan at bahaghari.Ang ulan ay isang klase ng presipitasyon, na isang produkto ng kondensasyon ng tubig na atmosperika na natitipon sa lupa. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap. Hindi lahat ng ulan ay nakakaabot sa lupa; ang iba ay sumisingaw habang dumadaan sa hangin. Kapag walang nakakaabot sa lupa, ito ay tinatawag na virga, isang pangyayari na kadalasang nangyayari sa mga maiinit at tuyong lupain, ang mga disyerto. Ang sayantipikong eksplanasyon kung saan ang ulan ay namumuo at nalalaglag ay tinatawag na prosesong Bergeron.
Ang kahulugan ng bahaghari ay bahag at hari.
Ang mga bahaghari, bahagsubay o balangaw ay mga pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog. Makikita ang penomeno o likas na kaganapang ito pagkatapos ng pag-ulan, mula sa singaw ng pandilig na may pangwisik, o kaya mula sa singaw-ulap ng isang umaagos na talon. Nabubuo ang bahaghari mula sa sinag ng araw at mga mahalumigmig na ambon sa hangin.~•~•~•~•~•~•~•~••~~•~•~••~~•~•~••~•~•~•
Ulan,
Ang araw ng paglaya mo'y ito na
Damhin ang kalayaan
Ihiyaw mo sa kalupaan ang iyong kasayahan
Iiyak mo nang walang humpay
Sige lang ulan,sige pa, bahagian ng tubig ang tuyo't na mga halaman
Samahan ang mga pusong nagtatago ng lihim sa bawat patak mo
Paulanin pa't takpan ng ulan ang mga luha ng mga nasasaktanUlan,
Patawad kung sa pagtila mo'y wala ako
Hindi ako nagtatagal
Madaling nawawala at di na nagpapaalam
Ngunit heto na ang huliMahal Kita
Hanggang sa muli,
Bahaghari~•~•~•~•~•~•~•~•~••~•~•~•~••~•~•~•~•~•~•
Bahaghari,
Huwag kang magpaalam dahil darating ka pagkatapos ko
Hihintayin ka ng mga ulap
Hihintayin ka at titingalain ng mga tao
Ikaw ang pinakamaganda
Ikaw ang nagbibigay ng kulay sa mundong nalulungkot ng dahil sa akin
Kailangan ka ng lahat
Huwag kang mawawala
Hindi man tayo nagkakatagpo
Bago ako tuluyang umalis ay dumarating ka
Saglit ka mang nananatili alam kong nagbigay ka ng saya sa lahat
Mahirap at baka hindi ako makakatahan sa pag iyak lalo na't alam kong hindi ka na babalikHindi, ayokong maniwala
Sa pag alis ko'y mawawala ka
Pagngiti ng araw alam kong babalik ka
Huwag kang magpaalam na aalis, manatili ka
Di ka man makita
Alam kong nariyan kaBahaghari, mahal kita
-Ulan~•~•~•~•~•~••~•~•~•~••~•~•~•~•~•~••~•~•~
Nariyan na naman ang ulan ngunit tapos na ang buwan ng tag-ulan ngunit heto na naman
na para bang inipong mga luha sa mga ulap, dahan dahang bumabagsak at biglang babagsak at tatama sa kalupaan na minsa'y may kasama pang kidlat.Naririnig ko ang ingay ng patak ng ulan sa aming bubong
Tumingin ako sa labas ng bintana
Pinagmasdan ko ang ulan
Tumingala nawa'y ang sakit ay maibsan
Ulan, lakasan mo pa ang pag-iyak
Paagusin mo ang tubig sa kalupaan at tangayin ako sa walang hanggan.Sinalo ko ng aking kamay ang tumutulong agos ng ulan sa aming bubong. Ang lamig ng tubig, gusto kong maligo't magtampisaw.
Bumabaha ang pagdaloy ng mga ala-ala sa aking isipan
Lumalamig na ihip ng hangin at lalo pang lumamig nang ito'y yumakap sa akin."Inaasahang darating ang super typhoon Yolanda na may international name na Haiyan, na may hanging lakas na 120 km/ph.
Kung kailan nasa bansa na ang bagyo ay saka lamang nagsi- likasan ang mga residente sa isang lugar sa Tacloban City.
May report si Iris Dominguez""Yes Miss Eva, kanina sa aming mga nakuhang video ay may mga mangingisda sa laot ngunit bumalik rin dahil sa lakas ng alon at baka mapahamak pa sila sa pangingisda, ang iba naman na mangingisda ay hinihila ang kanilang mga bangka paakyat at itinali ang mga ito sa puno ng niyog.
Pinaalalahan na rin ang mga residente noon pa man bago pa mag landfall ang bagyo na magsilikas pero may mga ilang pasaway pa rin at gustong manatili lang sa kanilang bahay.
Kaya, kinailangan na mag bahay-bahay ng mga opisyal sa mga residente rito lalo na ang mga nasa coastal area.""Yan po ang aking ulat mula dito sa Tacloban, Leyte, ako po si Iris Dominguez , nagbabalita".
~•~~••~•~•~•~•~••~•~•~•~•~•~••~~••~~••~
Lumalakas na naman ang pagpito ng hangin na at kailangan na rin namin magpahinga dahil halos buong araw kaming nag ikot sa lugar para makahanap ng magandang pagppwestuhan at signal.Malakas pa rin ang ulan, maraming puno ng niyog ang natumba at nakaharang sa daan kaya pahirapan na naman makadaan ang mga sasakyan. Napag desisyunan namin ng team ko na maglakad na lang para makahanap ng lugar na i ccover.
Nakakatakot ang ihip ng hangin at hampas ng alon sa tabing dagat."Paagia! Paagia! Tabagi ako!" (Padaan! Padaan! Saklolo!) napatigil ako sa pag aayos ng cable ng mic na hawak ko nang marinig ang sigaw ng isang lalaking tumatakbo at kalong kalong ang batang babae na walang malay. Hindi ko alam ang sinasabi ng lalaki pero sigurado akong humihingi siya ng tulong.
Napalingon naman ako nang may magsalita, "Ma'am buligi ko Ma'am." (Ma'am, tulungan mo ako Ma'am) umiiyak na sabi niya sakin. Hindi ko alam ang sasabihin o irereact sa kanya. Wala akong nagawa kundi maluha at tingnan ang batang hawak niya. Sh*t!
Biglang natumba ang lalaki."Ma'am, hain an akon bugto?" (Ma'am nasaan ang kapatid ko?) napakunot ang noo ko, di ko siya naiintindihan.
"Ah gising ka na pala kuya", sabi ko.
"Yung kapatid ko Ma'am nasaan?" bigla niyang sabi, na gets niya siguro yung pagkunot noo ko.
"Kumalma ka muna kuya at magpahinga ka",sabi ko.
Umupo siya mula sa pagkakahiga. Napahawak naman siya sa ulo niya.
"Di pwede Ma'am, hain-- nasaan yung kapatid ko Ma'am!?"
"Kuya, wala na yung kapatid mo" mahinahon kong sabi sa kanya.
"Diri! Diri! Diri!!!!!" (Hindi! Hindi! Hindi!) sigaw niya habang hinihigpitan niya ang paghawak at pag alog sa ulo niya, at sabay hawi sa katabing mesa na may mga alcohol at betadine kaya nalaglag ang mga ito sa sahig.
At nagsimula na siyang humagulgol nang dalhin ko siya sa bangkay ng kapatid niya.
Naiiyak ako nang makita silang ganito."Tama na tun dong, makapahuway na it imo bugto".(Tama na 'yan, makakapagpahinga na rin yung kapatid mo). Mahinahon na sabi sa kanya ng isang lalaking nasa 50s.
~•~••~•~•~~••~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Nagising akong may luha ang mata. Panaginip lang pala.
Napasilip naman ako sa labas ng bintana, umuulan pala.
Nilabas ko ang kamay ko sa bintana habang sinasalok ang patak ng ulan na umaagos mula sa aming bubong.Ang bawat ingay at pag patak ng ulan na nagbibigay sakin ng kapayapaan ngunit parang may lungkot? Ewan, di ko maintindahan.
Maya-maya pa nakita ko ang ulap na kulay kahel at may pitong iba't-ibang kulay na hugis arko-ang bahaghari.
BINABASA MO ANG
Walang Bahaghari Pagkatapos ng Ulan
RomansaMakita pa kaya nila ang liwanag ng ulap at kulay ng pag-asa o mananatiling walang bahaghari pagkatapos ng ulan? Ongoing story Date Started: December 2017 Last Update: October 2020