~2YEARS LATER~
September 26, 2009
Bagyong Ondoy
Provident VillageUmaga nang araw na iyon nang umulan ng malakas, pang ikatlong araw na ata ng ulan yun simula nang tumama ang Bagyong Ondoy sa Manila.
Ako at ang dalawang nakababata kong kapatid lang ang kasama ko sa bahay. Sabado yun kaya masayang masaya kami dahil walang pasok.
Nag-almusal kami ng champoradong iniwan ni Mama bago siya magpunta ng palengke.
Binuksan ko naman ang tv namin at nanoood ng balita.
"Mahigit isang libo na po ang apektado ng mga pagbaha na dulot ng bagyong Ondoy sa Metro Manila
Tanghali, mga alas- onse siguro ng tanghali noon nang tumunog ang sirena sa bayan, hudyat na mataas na ang Ilog Marikina.Maya-maya pa ay dumating na si mama.
Nagluto ng pananghalian, pritong manok ang ulam namin nung araw na yun. Napatingin ako sa orasan sa kusina.
Ala una, bumabaha na sa kalsada."Hindi na natin kakayanin lumabas ng gate, at lumusong sa baha, pag tumaas pa ang tubig diyan muna tayo sa kabilang bahay", sabi ni mama
Tinulungan ko nang magbuhat ng mga bag si mama na ilalagay sa katabi naming bakanteng bahay.
Binalot ko na ang mga gamit namin sa eskwelahan ng plastic bags, at ang mga libro nilagay ko sa mga attache case.
Ang bunso naman naming si Ellie ay sinukbit ang dora niyang bag na may laman na mga very good niyang mga sulat at gawa sa school.
Di na nga namin pinapadala sa kanya pero nagpupumilit pa rin siya.
Maya- maya inisa isa na ni mama ang mga kapatid ko na kargahin papunta doon sa kabilang bahay. Dahil pinapasok na ng tubig baha ang bahay namin.
Sinuot ko naman ang regalong pink na relo sakin ni papa na hello kitty.Napatingin naman ako ulit sa oras.
Alas dos, hanggang tuhod na ang baha, inaabot na rin ang bahay na pinaglagyan sa mga gamit at mga kapatid ko.Napagpasyahan na ni mama na ilipat kami sa bahay ng kapit bahay naming doktor.
Una niyang dinala ang bunso naming si Ellie, at ang ikalawang kapatid kong si Troy, ako ang huli, hanggang baywang na ang baha. Pahirapan naman naming binuksan ang pintuang screen ng bahay nila Doc.
Mga sampung minuto siguro ang lumipas bago namin mabuksan ang pinto.Pumasok na kami sa bahay, lumulutang na ang mga gamit nila doc, ang mga kawali nila, make ups, mga display nila na mga figurine.
Umakyat kami sa second floor ng bahay nila.
Sa tapat ng bahay nila doc, may isang foreigner na nag vvideo ng paligid.
Hanggang kili-kili na niya ang baha sa kalsada.
"Wow, amazing, fantastic", yun ang sabi niya nang makita niyang may mga inaanod na mga sasakyan, motor, ref at kung ano ano pa.Maya-maya pa biglang may malakas na rumaragasang tubig ang biglang napunta sa kanya. Nawala siya. Parang kumukulong tubig na may mabilis na pag ragasa. Natibag ang pader sa likod ng bahay nila. Na nanggaling sa Ilog Marikina.
Napasigaw naman kami.
At dali-dali nang naghanap ng paraan si mama at ang kasambahay nila Doc.
Kumuha sila ng mga matitigas na bagay para mabuksan ang bintana at para sirain ito. Hindi kinaya ng bakal na upuan ang tibay at tigas ng bintana.
Maya-maya pa nakita nila ang isang dumbell na ginagamit ni Doc Mandy sa pag eehersisyo niya.
Pinagtulungan ni Ate Dian at Mama ang pagbuhat sa dumbell, umatras ako at hinawakan ang mga kapatid ko.
Nasira ang bakal ng bintana, may maliit na parang hinawi lang ng kurtina ang nagawa nilang laki ng daraanan, sakto lang para magkasya sa aming lahat at makakalusot.
Nauna si Mama lumabas, sumunod si Ellie, Troy, ako at Ate Dian. Naglakad na kami sa bubong dahil pataas na nang pataas ang tubig baha.
Mula sa second floor na bubong ng bahay nila Doc Mandy ay naglakad kami papunta sa bahay na may first storey, at sumunod sa bahay namin.Nalula ako sa taas pero di ko na alintana ang takot ng heights.
Nasa gitna na kami ng bubong.
"Tatalon tayo mula dito hanggang doon sa bubong ng bahay natin." sabi ni mama sa amin.
Nauna si Ate Dian sa paghakbang papunta sa bubong namin habang ang isang kamay niya nakahawak sa katabing katawan ng puno ng niyog na nasa gilid ng bahay namin na malapit sa bubong at ang isang kamay niya ang inaabot niya sa amin.
Sumunod ako na tumawid, si Troy, si Ellie at mama.
Naglakad naman na kami sa bubong ng bahay namin.
"Dito kayo lumikas sa amin" sigaw ng may ari ng malaking bahay, sa kaibigan ng bunso namin.
Bumaba si Ate Dian at lumangoy sa gitna inalalayan naman niya ako pababa, hinagis ni mama si Troy, at sinalo naman ni Ate Dian, sunod si Ellie pero hindi agad nasalo ni Ate Dian at di niya alam na hinagis na pala sa kanya si Ellie.
May bubbles siyang nakita sa harap niya si Ellie ata yun, inangat niya ang ulo nito nang hawakan niya ang buhok ni Ellie.
Hinihingal ang bunso namin, baka nga nakainom na siya ng tubig baha.
BINABASA MO ANG
Walang Bahaghari Pagkatapos ng Ulan
RomanceMakita pa kaya nila ang liwanag ng ulap at kulay ng pag-asa o mananatiling walang bahaghari pagkatapos ng ulan? Ongoing story Date Started: December 2017 Last Update: October 2020