1

10 0 0
                                    

IRIS POV

~2007~

Kring kring kring narinig kong tunog ng blue and white na alarm clock ko.

Ano ba istorbo ka,ang sarap ng tulog ko eh.
Habang pilit na inaabot ko yung alarm clock na nakapatong sa katabi kong unan.
Naka dipa ang posisyon ko kapag natutulog. Tumigil naman sa pagtunog ang alarm clock. Very good,gusto ko pa matulog eh.
At pinikit ko muli ang aking mga mata...

"IRIS!!!" naririnig kong tawag ni mama habang malakas na kinakatok ang pintuan ng kwarto namin. Ayan na naman siya,ang aga-aga sesermonan na naman ako panigurado nito.

"Ma,maaga pa." sagot ko habang pinipilit ko ang sarili ko na bumangon.

"Anong maaga?!! Maaga pa ba sayo ang alas otso?!" sagot ni mama.

Hala!? Ano!? Alas otso na!???
Dali dali naman agad akong bumangon sa kama ko.

"Ba't di mo ko ginising ng mas maaga ma?" reklamo ko.

"Eh nag-aalarm ka naman palagi diba?" sagot naman niya, habang pinapabangon ang kapatid ko.

Di na ko nagsalita,dumiretso na agad ako sa banyo at mabilis na naligo limang minuto, kailangan kong pagkasyahin ang limang minuto. Hindi kasi talaga ako sanay nang mabilis maligo. Kasi inaabot ako ng halos isang oras sa banyo.

Nagbihis na ko,at pinulupot ko ng tuwalya ang buhok ko.
Agad akong pumunta ng kusina.

"Oh Iris, di ka ba muna mag-aalmusal?" tanong sakin ni mama.

"Di na muna ma"sagot ko sabay sipsip sa kape na nasa mesa.

"Ok sige,mag iingat ka!" paalala niya

"Opo ma" sagot ko at kiniss ko siya sa cheeks niya.

"Yung kapatid mo,gising na ba?" tanong niya ulit.

"Ewan ko dun ma", sagot ko habang tinatanggal ko ang tuwalya sa ulo ko. Sabay kuha ng blue backpack ko na nakalagay sa upuan at ipinatong ko naman doon ang tuwalyang ginamit ko.

"Gisingin mo nalang yun ulit ma, bye male late na ko eh."sabi ko sabay kiss ulit sa kabilang pisngi niya.

"Pasampay nalang ng tuwalya ko." pahabol ko.

Binilisan ko na ang paglalakad ko habang nagsusuklay at pinipiga pa ang buhok ko dahil tumutulo pa sa damit ko ang mga natirang tubig.

Tiningnan ko ang relos ko.. naku di na ako aabot nito kung pipila pa ko sa terminal ng jeep.

Pagkalabas ko ng gate ng bahay namin,agad akong nag abang ng taxing masasakyan.

Sakto naman dahil may taxi agad na dumaan.

"Taxi!" pagtawag ko sa taxi. Hayyy sa wakas may dumating na rin. Huminto sa harapan ko yung taxi.

Binaba naman agad ni kuya ang bintana ng taxi.
"San po tayo Miss?"tanong sakin nung mama habang nakasilip sa bintana at nakatingin sa akin dahil nasa labas pa ko ng taxi.

"Sa Polytechnic University po, kuya." Sagot ko

Di siya sumagot.

"PUP po,Sta.Mesa" paglilinaw ko.

"Ahh malayo yun ahh." sabi niya

"Oo nga po,kaya buksan nyo na po itong pintuan ng kotse niyo!" sabi ko habang hinihila ang pinto ng kotse.

"Bakit pumayag ba akong ihatid ka doon!?" pagsusungit ni manong.
Napabitaw naman ako sa hawakan ng pintuan ng taxi.

"Arghhhh!!! Sige na ho manong!!!" pagmamakaawa ko.

Walang Bahaghari Pagkatapos ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon