Naglalakad si Haven sa isang hindi pamilyar na lugar sa kanya, inilibot niya ang kanyang paningin at sa hindi kalayuan at may nakita siyang isang batang babae na nakatanaw din sa kanya at nakangiti.
Nilapitan ni Haven ang batang babae "Hello Haven, kumusta ka?" tanong ng batang babae sa kanya, pinakatitigan niya ang bata, ang labi nito na mapula at may ngiti, ang mga mata niya na kung titigan ay mababasa mo ang kasiyahan, ang buhok nitong mahaba at ang balat nito na hindi naman kaputian.
Napaluha si Haven ng mapagtanto na siya ang batang iyon, ang dating siya na masayahin at walang ibang iniisip at puro saya lang ang nararamdaman. Niyakap niya ang batang Haven at kasabay noon ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Kung alam ko lang Haven na magkakaganyan ka, hindi ko na sana hiniling na lumaki ngunit hilingin ko man o hindi, kasama na sa buhay ng tao ang pagtanda, kung alam ko lang na magiging ganyan ka, inihanda ko na sana ang sarili" Niyakap lang ng mahigpit ni Haven ang batang Haven at humagulgol ng iyak, naninikip na naman ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan.. letse! palagi na lang ganito, kung meron lang sanang isang bagay o mahika na pwedeng magbalik sa kanya sa pagkabata ay baka binili niya na ito kahit pa napakamahal ng presyo ay gagawin niya ang lahat makabalik lang sa dati.
"Bakit ba kase ganto ang dinaranas ko?! I'm too young to feel this kind of pain!" sigaw niya sa batang Haven, niyakap lang siya nito at pinatahan "shhh~ magiging ayos din ang lahat, Haven" sabi nito sa kanya.
"Kailan pa? pagod na pagod na ako" parang bata kung umiyak sa Haven habang yakap-yakap ang batang siya. Bumitaw ang batang Haven sa kanyang pagkakayakap at pinunasan ang mga luha na nagmula sa kanyang mata at naglandas na sa kanyang mga pisnge, ngumiti lang ang batang Haven sa kanya at duon ay marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Pagmulat ng kanyang mga mata ay naaaninag niya na ang kisame ng kanyang kwarto at unti-unti na namang tumulo ang kanyang mga luha na nagmula sa kanyang dalawang mata. Niyakap niya ang pahabang unan sa kanyang tabi at duon muling umiyak. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari sa sarili niya.
Palaging ganto ang senaryo ng buhay ni Haven habang siya ay lumalaki, naninikip ang dibdib, hindi makaramdam ng tunay na kasiyahan kung makaramdam man siya ng kasiyahan ay panandalian lang ito. Sa nagdaan na ilang taon ang Haven na masiyahin ay unti-unting naging malungkot, na siyang ikinaiinis niya.
Iniisip niya ng madalas kung ano ba ang kanyang pagkakamaling nagawa at kung bakit kailangan niyang makaranas ng gantong kalungkutan sa edad na kinse. Tuwing nagsasabi siya sa kanyang mga kaibigan na hindi niya alam kung kaibigan din ba ang turing sa kanya ay lagi lamang siyang sinasabihan ng mga ito na "Ang drama-drama mo naman, wag ka ngang nega para kang tanga" at kung sa magulang niya naman ay magagalit lang din naman sa kanya ang mga ito.
Siguro nga ay walang nakakaintindi sa nangyayari niya kung hindi ang sarili na lang niya, minsan nasasaktan niya na ang sarili niya sa pamamagitan ng paglaslas, ewan ba niya at lagi na lang ganun, pero pagkatapos nun ay nagsisisi din siya dahil sa hapdi.
Lagi niyang iniisip na mag-isa lang siya lagi at walang may gusto na damayan at aluhin siya sa tuwing umiiyak siya. Kahit isa ay wala siyang masabihan ng pinagdadaanan niya. She felt like she was walking alone in the dark side of earth, and no one wants to be with her, that she was born to be alone.
BINABASA MO ANG
It Hurts to Grow Up
Short StoryAkala dati ni Haven ay masaya ang lumaki dahil magagawa niya na ang lahat ng gusto niyang gawin, gaya na lamang ang maging FA dahil ito ang pangarap niya. Ngunit habang lumalaki siya at unti-unting naiintindihan ang lahat ay bigla na lang siyang nag...