"Haven" Narinig niya ang isang pamilyar na tinig, napabangon siya sa pagkakahiga, inilibot niya ang kanyang tingin at masasabi niya na wala siya sa kanyang silid dahil siya ay nasa paraiso? Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito.
Tumayo siya sa pagkakahiga at nilibot ang paningin, nakasilong siya sa ilalim ng isang puno, hindi niya mawari kung anong klase ng puno ito basta matayog ito at malago. Sa kalangitan ay makikita mo ang mga ibon na nagliliparan.
Pagkatingin niya sa kaliwa niya duon ay nakatayo ang batang Haven, ngumiti ito sa kanya at ganun din ang ginawa niya.
"Asan ako?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Kung ikaw ang tatanungin, asan ka?" Inilibot ko ang paningin at tsaka sumagot sa kanya, "Matatawag ko itong paraiso" tumango siya sa akin habang nakangiti, "hindi ka nagkakamali kung ganun" tugon niya sa akin sinabi "b-bakit tayo nandito?" nauutal kong tanong sa kanya.
Pilit siyang napangiti sa akin "Alam kong nahihirapan ka na, kaya kahit sandali man lang sana ay gumaan ang loob mo" sabi niya habang nakatingin sa akin "Alam ko kung gaano mo kagusto ang magandang tanawin, Haven" napangiti ako, dahil tama siya, kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
Iginala ko ang aking mga paningin at tumayo sa pagkakaupo "tara maglakad-lakad tayo" aya ko sa batang Haven, tumango siya at ngumiti sa akin. Nagsimula kaming maglakad at tanging mga huni ng ibon, lagaslas ng ilog sa hindi kalayuan at ang pag-ihip ng hangin ang tangi kong naririnig.
"Kumusta ka?" biglaan niyang tanong, napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. "Ganun pa rin, walang bago" natatawa kong sabi at tinanaw ang mga bulaklak na tila sumasabay sa ihip ng hangin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya naman kunot noo akong napatingin sa kanya.
"Dapat ka ng gumising, Haven" nagulat ako sa sinabi niya "Bakit naman? nag-eenjoy pa ako sa mga tanawin dito oh" nagtataka kong sabi sa kanya. "Baka mahuli ka sa klase" ngumiti lang siya sa akin at tumango.
"HAVEN! ANO NA?! GUMISING KA NA AT MAHUHULI KA NA SA KLASE NYO" nagising ako sa maingay na sigaw ng aking ina. Mapait akong napangiti at tsaka bumangon upang maghanda para sa akin pagpasok.
"The deoxyribonucleic acid or DNA are passed on from one generation to the next to ensure the continuity of life" sagot ko sa tanong ng aking guro sa science at muling umupo. Napabuntong na lang ako sa kahihiyan dahil kanina pa ako tulala at hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng aking guro.
DIRETSO akong umuwi ng bahay pagkatapos ng klase. Wala akong nadatnan sa bahay, malamang ay inihatid na ni mama ang kapatid ko sa school nito. Dali-dali akong nagbihis at kinuha ko ang cellphone ko at dali-daling nagtipa.
"Lying under the tree,
While watching the birds flee
In the blue sky covered with clouds,
Only a crack of light in leaves strikesA stream of water can be heard.
It warms my heart it feels so good
If this is a dream,
I will choose to stay asleep forever.To stay in paradise of my mind
Than to face the hell of reality
I wish I'm nowhere else to find
be hidden to this paradise facility. "Muli kong basa sa akin gawa at ipinost ko ito sa rp account ko,pagkatapos ay naglog-out na ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman ay tumayo at naghanda ng makakain ko.
Matapos kong kumain ay hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko. Nagsipilyo ako at muling bumalik sa kwarto. Nahiga ako sa aking higaan at tsaka nagpatugtog ng kanta.
Come with me and you'll be
In a world of pure imagination
Take a look and you'll see
Into your imagination
We'll begin with a spin
Travelling in the world of my creation
What we'll see will defy explanationPagsabay ko sa kanta habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam pero napapagaan ng loob ko ung mga gantong kanta, malumanay.
If you want to view paradise
Simply look around and view it
Anything you want to, do it
Want to change the world?
There's nothing to itTuloy lang sa pagtugtog ang cellphone ko habang ang isip ko ay nagsisimula ng mag-isip ng kung ano.
There is no life I know
To compare with pure imagination
Living there you'll be free
If you truly wish to beBiglang bumigat ang talukap ng aking mga mata at doon ay pinili kong ipikit na lang ang mga ito hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
-----
A/N: sorry ho kung ang tagal ko mag-update hihi. sorry din sa mga maling grammar at spelling (kung meron man) thank you din sa mga nagbabasa ng story ko hihi, i really appreciate it, sobra nyo akong napapasaya *sending virtual hugs for all of you hihi.
BINABASA MO ANG
It Hurts to Grow Up
Short StoryAkala dati ni Haven ay masaya ang lumaki dahil magagawa niya na ang lahat ng gusto niyang gawin, gaya na lamang ang maging FA dahil ito ang pangarap niya. Ngunit habang lumalaki siya at unti-unting naiintindihan ang lahat ay bigla na lang siyang nag...