Ilang araw din ang lumipas at stress na stress na siya sa school dahil sa dami ng projects niya para sa 2nd quarter at kailangan niyang magreview mamaya dahil may recitation sila sa science bukas.
Pagkauwi niya sa bahay, nagpalit siya agad ng damit pagkatapos ay uminom lang ng tubig at nahiga na sa higaan niya, hindi na rin siya kumain dahil sa pagod.
NAGISING na lang siya sa ingay ng mga kapatid niya, pagkatingin niya sa cellphone niya ay magaalas syete na ng gabi, agad siyang bumangon at lumabas ng kwarto niya, kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor, ayaw niyang sumabay na kumain sa magulang niya dahil hindi maganda ang pakiramdam niya at lalo lang mapasama kapag nagbangayan na naman ang mga ito sa harapan ng pagkain, diba napaka-advance mag-isip.
"Mama mauuna na akong kumain, may gagawin pa ako eh" sabi niya sa mama niya at nagsandok na, "edi mauna ka na" tugon sa kanya ng kanyang ina at tsaka kumain.
Natapos akong kumain ng gabihan at nagsipilyo pagkatapos nun, inayos ko ang damit na susuotin ko bago maglinis ng katawan. Nang matapos ay dumiretso na siya sa kwarto niya at kinuha ang mga gamit niya sa bag upang magreview.
INABOT siya ng isang oras sa pagrereview dahil hindi siya makapagfocus sa inaaral niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tsaka nagonline, binuksan niya saglit ang real account para tignan kung may nagchat sa kanya, as usual ang mga chat lang sa kanya ay "oy Haven pasend naman ng notes" puro ganun lang ang nabasa niya at syempre dahil mabait siyang bata ay pinicturan niya yung mga notes niya at tsaka sinend sa group chat nila, nakakatamad kung iisa-isahin niya pa ito, maglalog-in na sana siya sa RP account niya ng biglang magchat ang isa niyang classmate na si Teph sa gc nila
tephteph🔥: bakit ngayon mo lang sinend, anong oras na kaya 😏
Nainis siya sa sinabi nito, kaya nagreply agad siya
Haveeeen: aba, ikaw/kayo na nga lang nagpapasend kayo pa galit? sana kase matuto kayong magsulat, hindi yung puro kayo pasend.
Naglog-out na siya agad sa real account niya at ang RP account naman niya ang binuksan niya at bumugad yung post ng crush niya, excited siya kung anong post yun pero about pala yun sa kars nito sa rpw, hmp! maghihiwalay din kayo, mga letsugas! nakakainis talaga itong crush niya sa RPW pero okay lang, bakit ba! may crush siya sa rpw at rw tapos may mga asawa din, oh diba ang landi ng lola niyo. Pero kahit ganun ay hindi siya nagboboyfriend dahil wala siyang oras sa ganyan, may nakaMU naman siya pero kahit isa sa mga ito ay wala siyang naging boyfriend, dahil nga ayun lang ang kaya niyang ibigay at madami na siyang problema para isipin ang ganung bagay.
Tinignan niya ang mga nagchat sa kanya ay syempre isa na dun yung gc ng mga taga Rizal na rp'er, hindi siya interesado sa mga pinaguusapan ng mga ito, bakit ba snobber minsan ang lola niyo eh! hmp. Kaya naman tinignan na lang niya ang ibang nagchat sa kanya, mga supporters niya lang ang mga ito, dahil mabait naman siya minsan ay nireplyan niya ang mga ito, hindi naman siya gaya ng iba na porket famous ay akala mo kung sino na at ayaw niya sa ganun tao, sarap pagsasapakin eh, nireplyan niya si minmin, kaclose nya ito, nakakaattract ang batang ito dahil sa way ng pagchachat nito hindi mo aakalain na trese pa lang ito at yung pageenlish nito, jusmeee~ mas magaling pa nga ata sa kanya magenglish ang batang ito
Minmin the cutest🐣: hey oldie noona~
oldie noona👵😛: wae? at wag mo nga akong tawagin na oldie noona, tadyakan kita dyan eh!
Minmin the cutest🐣: ang kyut naman ng oldie noona ah, btw i miss you.
NAPAILING na lang siya dahil kahit anong pilit niyang saway dito na wag siyang tawagin na oldie noona ay tuloy pa rin ito. Nagreply siya na namiss niya din ito after nun ay nagpaalam na siya kay Minmin.
Bigla siyang nawala sa mood kaya naman ay nagpatugtog na lang siya, lagi niya itong ginagawa kapag nawawala siya sa mood. Nahiga siya sa higaan niya at tumingin sa kisame ng kwarto, sakto naman na pinatugtog na ang kantan ng mxmtoon na temporary nothing,
How does it feel
To feel nothing at all, I wonder
I imagine it's grey
Like the world suddenly lost its colorPagsabay niya pa sa kanta, napabuntong hininga siya dahil kung ano-anong bagay na naman ang pumasok sa isipan niya.
But I'd be lying if I said
I hadn't wished to feel nothing at times
To feel nothingAt ito na naman ang mga luha niya na naguunahan sa pagbagsak mula sa mga mata niya, hindi niya talaga maintindihan ang sarili niya at ito na naman siya ngayon umiiyak ng walang dahilan.
A/N: ahm I'm not sure kung kailan uli ako makakapag-update hehe, sorry din kung may wrong spelling/grammar.
BINABASA MO ANG
It Hurts to Grow Up
ContoAkala dati ni Haven ay masaya ang lumaki dahil magagawa niya na ang lahat ng gusto niyang gawin, gaya na lamang ang maging FA dahil ito ang pangarap niya. Ngunit habang lumalaki siya at unti-unting naiintindihan ang lahat ay bigla na lang siyang nag...