Chapter Two

22 4 3
                                    

Nagising si Haven dahil sa sigaw ng kanyang ina, panigurado ay galit na naman ito dahil sa mga kapatid niya at panigurado din na madadamay siya. Lumabas siya ng kanyang silid at doon ay nakita niya ang kanyang ina na hindi maipinta ang mukha dahil sa galit at ang dalawang kapatid niya na si Louis at Will na nagliligpit ng pinaglaruan nila.

"oh buti naman at gising ka na, puyat ka na naman, puro ka cellphone, magsaing ka na dahil anong oras na." at duon ay tinalikuran na siya ng kanyang ina at kinarga nito ang bunso niyang kapatid na babae, si Shy at dinala sa banyo upang paliguan ito.

Napailing na lamang si Haven, nagtungo siya sa lamesa kung saan nakalagay ang kaldero at isinalin sa baunan o yung pinaglagyan ng ice cream na binili ng ama niya noong nakaraan linggo, hinugasan niya ang kaldero at tsaka nagtakal ng bigas, pagkatapos ay hinugasan niya ito at isinalang sa lutuan.

Mahirap lamang sila Haven, ang bahay nila ay may dalawang kwarto sa kaliwang bahagi ng bahay at sa kanan nito ay ang bintana at nakapatong duon ang munting halaman ng kanyang ama at sa tabi nito ay upuan na kahoy na gawa ng kanyang ama, may lamesa at upuan, habang ang lutuan ay malapit sa pintuan at katabi nito ang lababo at lagayan ng plato, yung banyo nila ay kahilera lang din ng kwarto nila.

Dati, silang dalawa pa lang ni Ken ang magkapatid hanggang nasundan ng isang lalaki na si Will at sumunod naman si Louis at ang pinakabata ay si Shy, tila nakikipagkarerahan ang ina niya sa iba nilang kapitbahay na marami ang anak, parang hindi man lang naisip ng mga ito ang kahirapan sa buhay.

Habang nagtatanghalian ay ito na naman ang maingay na bunganga ng kanyang ina,

"ANO BA YAN LOUIS HA?! ANG KALAT KALAT MONG KUMAIN! IKAW NAMAN WILL ANO PURO KA INOM NG TUBIG!"

Tumigil saglit ang kanyang ina at tinawag ang bunso niyang kapatid upang subuan ito, napailing na lang si Haven, kailan kaya magkakaroon ng kapayapaan sa paligid niya, napatawa na lamang si Haven sa isip niya.

Matapos maghugas ng pinggan ay naligo na si Haven. Palaging ganun ang senaryo ng buhay niya tuwing walang pasok, matutulog ng madaling araw tapos magigising na lang dahil sa sigaw ng kanyang ina, kapag kakain ay hindi mawawala ang pagdaldal ng bunganga ng kanyang ina, lahat ng pwedeng punain ay pupunain nito kaya kahit sanay na siya, minsan ayaw niya ng kumain na kasabay ang mga ito, kung pwede nga lang ay baka tumira na siya sa school dahil isa rin ang mga ito kung bakit tuwing gabi ay umiiyak siya.

Tila wala nang kapayapaan ang buhay niya, palagi na lang ganun. Ang mga problema niya sa school, sa bahay, sa kaibigan at ang sariling problema niya, madalas ay stress siya sa school dahil sa kagustuhan niyang maging honor, hindi basta yung magkaroon ng honor kung hindi yung nangunguna sa buong klase at buong grade level dahil gusto niyang maging proud naman sa kanya ang kanyang mga magulang at maipagmalaki kahit man lang isang beses at kapag nangyari yun, baka siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil hindi mawala sa isip niya ang sinabi sa kanya ng kanyang ama nuong grade 7 pa lang siya, nangunguna siya noon sa klase ngunit pangalawa lang siya sa buong grade level at nung ipagmalaki niya ito sa ama, "bakit pangalawa lang?" tugon nito sa kanya.

Nasaktan siya noong lumabas iyon sa bibig ng kanyang ama. kaya noong tumungtong siya ng grade 8 ay mas pinagigihan niya pa ang pag-aaral at hindi naman nasayang ang lahat ng pagod niya dahil nanguna siya sa buong klase at sa buong grade level pero napakalupit lang talaga siguro ng tadhana dahil noong ibinalita niya ito sa ama ang tanging sabi lang sa kanya ay "maniwala sayo? ikaw?" sabi nito at sabay tawa.

Natapos si Haven sa ginawa niyang tula at pinost na agad ito sa RP Account niya, kung saan ay malaya niyang nailalabas ang saloobin dahil walang nakakilala sa kanya, tinatawag nila itong Role Player World o RPW na kung saan ay nakatago ang totoo mong identity, walang nakakakilala sayo at walang mangjujudge. Pinatay niya ang kanyang data at nahiga sa kanyang higaan at ipinikit ang mga mata, madami na naman bagay ang pumasok sa isip niya at madalas ay nagiging sanhi ng pagooverthink niya, pinagsawalang bahala niya lang ito at nanatiling nakapikit ang mata hanggang sa nakatulog na siya.

NAGISING si Haven dahil may yumuyugyog sa kanya, pagmulat ng mata niya ay nakita niya si Louis na ginigising siya "ate, gising ka na tas ano-" tila nagisip pa ito kung anong sasabihin sa kanya "ano sabi ni mama ahh~ magsaing ka na daw" dugtong nito at tumakbo na palabas ng kwarto niya.

Bumangon siya sa pagkakahiga, kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung anong oras na, alasais na pala ng hapon kaya kailangan niya na talagang magsaing, tinali niya ang kanyang buhok tsaka lumabas ng kwarto.

Pagkatapos niyang magsaing ay umupo siya sa kanilang upuan, ang mga magulang at tatlo naman niyang kapatid ay nasa kwarto at may pinapanood na kung ano, si Ken naman wala siya dito asa Bicol at duon nagaaral kasama ang tito't tita niya sa side ng mama niya at ang anak nila.

Palaging ganto sa bahay nila minsan lang sila magkaroon ng oras para magusap, wala nga man lang siyang maalala na nagusap silang pamilya ng masinsinan, yung tipong deep talks tapos mapupunta sa masayahing usapan tapos sabay-sabay silang magtatawanan. Sana ay magkaroon ng ganun senaryo naman ang buhay niya, hindi yung puro bangayan na lang.

Binuksan niya ang cellphone niya at nag-online sa RP Account niya at sunod-sunod na naglabas ang notifications niya dahil sa react, comment at shared ng bago niyang gawa na tula, madami kaseng sumusuporta sa kanya sa RP account niya at walang nanghuhusga sa kanya dito at lahat ay natutuwa sa mga gawa niya.

Maraming salamat po sa support hehe.

comment niya sa post at kaagad na madaming nagreact at nagreply dun gaya na lang ng

* Walang ano man po ate hehe.
* Deserve mo naman po yan.
* Support ka pooo namiiinnn! hihi

Ayan ung mga madalas na comment ng mga supporters niya at natutuwa naman siya, madami din nagchachat sa kanya pero wala siyang balak na replyan ang mga ito ngayon dahil panigurado hindi na niya mabibitawan ang cellphone niya at kapag nakita siya ng nanay niya ay mapapagalitan na naman siya kaya itinigil niya na ang pagcecellphone at kinuha na lang ang libro na binabasa niya, yung story ni Penguin20 na Altheria: School of Alchemy, regalo sa kanya yun ng pinsan niya sa kanya nung pasko at tuwang tuwa naman siya, palibhasa wattpader, minsan pa nga ay nagtititili siya sa kilig, ewan niya ba, ito lamang ang nagpapasaya sa kanya ngayon at isa ito sa way niya para makalimutan ang mga problema niya.

It Hurts to Grow UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon