FALL OUT LOVE #05

0 0 0
                                    

So I have a suitor, he court me because he likes me and he loves me, well our feelings are mutual. I have a crush on him but I didn't confess, chinat niya ako that time at syempre magre-reply ako crush ko yun eh. So he confessed his feelings for me, and I gladly accepted his feelings, hindi pa kami masyadong close. Nung umamin siya sa akin, lagi niya na akong pinupuntahan sa room hanggang sa sinabi niya kung pwede siyang manligaw at syempre kinikilig ako dun. Pumayag ako, lagi niya akong hinihintay umuwi, tapos hinahatid niya ako sa sakayan ng jeep. All of his is effort is very appreciated by me.

Well, I have a best friend. Nagselos siya kasi lalaki ang kaibigan ko, matagal ko ng kaibigan si Almiro since elementary pa tropapits na kami. Nagalit siya sa akin nun tapos ilang araw niya akong hindi kinibo, syempre kahit manliligaw ko siya ay nag commit na kami sa isa't-isa. Nag paliwanag ako pero galit pa rin siya gusto niya layuan ko yung mga lalaki kong kaibigan, eh ayoko naman gawin yun kasi kaibigan ko sila matagal na. Habang patagal ng patagal yung panliligaw niya mas lalong dumalas pag-aaway namin, partida wala pang kaming niyan pero away na agad, paano kaya pag naging kami na.

Araw ng mga puso nun, at may surprise siya sa akin pinapunta ako sa room tapos may regalo siyang stuff toy tapos bulaklak syempre kinikilig nanaman ako nun. Balak ko na sana siyang sagutin bago ako pumunta sa Canada para mag bakasyon kasi alam kong mahal ko na siya at hindi ko kaya na mawala siya. Kaso yung pagbabalak na yon hindi nangyari kasi nag-away nanaman kami dahil sa pag-iinom niya, papayag naman siyang sumama si Jian kaso mas kasamang babae at hindi niya pa tropa mabuti sana kung tropa lang. Nagalit nanaman siya nun wala kaming pansinan sa eskwelahan at umiyak nanaman ako sa harap ng mga kaibigan ko na babae at lalaki.

"Hindi na healthy yung ganyan, ate Riza! Lagi nalang kayong nag-aaway, tapos wala namang kayo." sabi ni Shane sa akin

"Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli!" kanta naman ng mga lalaki kung kaibigan syempre sumali sila Shane, Fiona

Tumawa naman ako. Napapasaya nila ako kahit nasasaktan na ako.

Isa ang araw nagising ako, umaga nun may chat si Jian mahaba nag sorry siya sa akin. Syempre pinatawad ko, hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana sa kanya, biglang naglaho imbis na sumaya ako kasi magkaayos na kami. It turns out na nawalan na ako ng gana, na parang na fall out of love na ako sa kanya, na wala na akong nararamdaman. Iniisip ko muna kung totoo ba 'tong nararamdaman ko na wala na akong pake. At oo nga wala na talaga.

Kinausap ko si Jian, sinabi ko sa kanya na itigil niya na panliligaw sa akin, hindi ko na sinabi yung dahilan pinatigil ko nalang siya. Dahil ayokong ipagtuloy niya ang panliligaw sa akin kung wala naman na akong nararamdaman sa kanya, ayoko siyang mag mukhang tanga kaya pinatigil ko siya. Ang mga kaibigan niya ay nainis at nagalit sa akin, pero wala akong magagawa eh alangan ipilit ko ang sarili kong mahalin siya ulit kahit wala na. Tanggap naman ng mga kaibigan ko ang desisyon ko at tama daw iyon dahil ganoon naman talaga ang gagawin kapag nawalan kana ng interes sa tao  at nawala na ang nararamdaman mo sa kanya.

Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko dahil ginawa ko ang tama. Pinatigil ko siya dahil ayaw kong masayang ang oras niya kakasuyo at panliligaw sa akin dahil alam kong kapag wala na wala na talaga hindi ko na maibabalik ang nararamdaman ko noon sa kaniya. I fall out love, and that's not my fault to feel that.

Short Stories & PoemsWhere stories live. Discover now