Kabanata 11

41.3K 1.9K 609
                                    

Office






"Any question?"


Nilibot ng guro namin sa Philosophy na si Mrs. Cruz ang mga mata niya sa klase upang makita kung may magtataas ba ng kamay para magtanong. Nang walang matagpuan ay tumango siya.


"Alright, kung wala nang tanong tungkol sa lesson, I'll proceed in giving you the instructions for your output."


Inayos niya ang salamin niya. "This is going to be a group performance so I have to divide you equally first,"


Hindi ko maiwasang mapahinga nang maluwag sa narinig dahil siguradong magkakaroon ako ng kagrupo. Tuwing may guro kasi na hinahayaang ang mga estudyante na mismo ang bumuo ng grupo at mamili ng miyembro ay lagi akong dehado. Wala kasing nais tumanggap sa akin.


"Okay, as your name gets called, please form a circle with your groupmates."


She opened the folder from the table. "For group one we have Ramos, Allejano, Saavedra, Verano, Borromeo, Santos, Ocampo."


Agad nagsitayuan ang mga natawag at bumilog na ng mga upuan sa may bandang harap. Nagpatuloy ang pagtatawag ni Mrs. Cruz hanggang umabot na sa ikatlong pangkat. Hindi pa rin ako natatawag.


"Sino pa ba mga hindi rin natatawag?" bulong ng nasa harap ko sa katabi niya. Nilibot niya ang mata at tumama iyon sakin.


Muli siyang bumulong sa kausap. "Hala ayoko makagrupo si Yara,"


Sinilip din ako ng katabi niya saglit. "Ako rin. Sana di natin makagrupo 'yan,"


Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para mabaling sa sakit na dulot nun ang atensyon ko. Mas gugustuhin ko pang indahin 'yun kesa sa ibang sakit.


Sa ikalima at huling grupo ay natawag na ako. Huminga pa ako nang malalim bago tumayo patungo sa pwesto ng mga kapareho kong nabanggit na rin ang pangalan.


Malayo pa lang ay tanaw ko na ang disgusto sa mukha ni Hannah na makakasama ko sa grupo.


"Mayroon bang hindi natawag?" tanong ng guro nang makaupo na kami nang maayos.


I saw Frida raised her hand.


"Ako po 'yung late enrolee, Ma'am." she reminded.


"Oh, the transferee?" Mrs. Cruz lightly nodded. "Alright, join the last group."


I stiffened.


Hannah warmly welcomed Frida in our group with obvious excitement. I am frozen on my chair as the teacher started explaining about the activity.


"Is that clear? So tomorrow, I'll be expecting a 5-minute role play presentation from each group,"


Nagbigay pa siya ng ilang paalala at tagubulin. Pagkatapos noon ay ipinaubaya na niya sa amin ang mga nalalabing oras para sa pagpaplano.


Frida faced the group with enthusiasm. "Any idea, guys?"


"Hmm.. kailangan muna nating bumuo ng storya. Meron bang pwedeng gumawa ng script?" tanong ni Marion.


My heart slightly raced at the question. Tila nagkaroon ako ng munting lakas ng loob. I cleared my throat.


"U-uhm.. p-pwede akong gumawa," I hopefully said with the chance of being of help.


Hannah raised her brow. "Wag na! Kaya natin adlib yan.. what if ano, hmm.."


She thought for a while before her eyes widened as if she thought of a really good idea.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon