Kabanata 22

42K 2.2K 1.5K
                                    

Lambing




I stared at his walking back with my mouth wide open.


Napalunok ako bago pinilit ang sariling humabol sa kanya.


"River," I called him dumbfoundedly.


Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya't sumunod lang din ako.


"A-anong sabi mo?" tanong ko.


I saw him subtly rolling his eyes. 


"Narinig mo naman," aniya.


Napaawang ang labi ko.


Ito ang.. unang beses na may nagsabi sakin non. Pero.. ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit wala man lang kakaibang reaksyon ang puso ko. Kung tutuusin ay dapat kong ikalugod o ikatuwa man lang ang binitawan niyang salita. Hinahanapan ko ng miski kaunting pagtalon ang damdamin ko pero.. wala.


I found myself shaking my head a little.


"Hindi mo ko pwedeng magustuhan.." marahang sabi ko.


Alam kong hindi iyon ang direktang sinabi niya pero palagay ko'y parang ganun na rin naman 'yun. Lalo na't ginamit niya pang dahilan iyon sa kung bakit gusto niya 'kong makasama nang madalas.


He finally let go of the camera from his hand. He allowed it to freely hang with its strap on his nape.


"Bakit?" nagtaas siya ng kilay sakin.


Saglit akong natigilan bago muling nahanap ang boses.


"Basta.." I said in a small voice before I looked away.


Bakit nga ba? Kasi may iba na 'kong gusto? Kasi nakatakda na 'kong magpakasal sa iba? Kasi tumitira na 'ko sa iisang bubong kasama ang mapapangasawa ko? O lahat ng nabanggit? Alin man dun ang dahilan, hindi ko magawang sabihin sa kanya nang diretso.


Napailing-iling siya. 


"Wala naman palang dahilan eh." aniya bago ibinalik ang tingin sa harap. "Edi.. pwede pa rin," he slyly remarked.


Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba sa kung san siya maaaring dalhin ng nararamdaman niya. Sa maikling panahon na nakasama ko si River ay masasabi kong kahit papano ay naging malapit na talaga siya sakin. I guess he's even one of the fewest persons I can consider as a friend right now. But his sudden revelation made me quite uneasy.


I was spacing out the whole time until we reached the classroom. River remained to be his usual self though. I can't believe him. Or rather, I can't believe this. Hindi ba't parang baliktad? Siya dapat yung naiilang dahil siya yung umamin pero tila ako pa yung hindi kumportable.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon