Kabanata 27

42.7K 2.4K 1.3K
                                    

Sakin



From: rsmendrez@gmail.com

Good day.

Please be informed that our class will push through today despite the occurrence of the Intramurals. I know it's just the second day of the big event but we roughly can't afford to miss another schedule. We just have the exact number of meetings that are merely enough to conduct the experiments that must be completed.

See you in the lab. Have a good day.


"Hayop," I heard one of my classmates murmuring.


Umangat doon ang tingin ko at nakitang nakababa rin ang mata niya sa cellphone. Marahil kakabasa lang din ng email mula kay Mr. Mendrez.


Pangalawang araw na ng Intrams ngayon at tulad kahapon ay iilan pa lang kaming nandito sa classroom. Most of our classmates probably plan to just go to school when it's time for the 'highlight' of the day already. And that 'highlight' pertains to none other than the afternoon shows, of course.


Pangatlong subject pa naman namin ang Chemistry kaya't may panahon pang humabol ang iba. At tulad nga ng inaasahan ay unti-unti na rin silang nagsidatingan. Bakas sa kanila ang pagmamadali habang ang iba ay halatang naabala pa ang pagtulog at kakagising lang. Halos magdabog pa yung iba habang napasok sa silid.


"May mga pa-epal talagang teacher minsan," reklamo ng isa.


"Nupa. Panira si Sir," pag sang-ayon pa ng kaibigan niya.


Kahit si Sky na dumiretso sa practice room nila kanina ay bumalik ngayon sa classroom marahil  matapos niya ring mabasa ang mensahe ni Sir. Winaksi ko rin naman agad ang tingin sa kanya at iniwas ang mata.


Nang mag-alas diyes ay nagtungo na kaming lahat sa laboratory. Habang papunta roon ay saka lang nag-sink in sakin na magka-partner nga pala kami ni Sky roon. Hindi pa man nagsisimula ay parang gusto ko na agad matapos.

Pinaalala lang ng guro ang mga karaniwang tagubilin bago niya kami hinayaang magsimula. Kusang naging malamig ang pakikitungo ko kay Sky. Hindi ko naman sana intensyong gawin yun pero sadyang ganon na lang ang naging kilos ko.


I can't deny that I was clearly being stubborn and somehow even bitchy towards him while we're accomplishing the exercise. May pagkakataon na maayos siyang nagtatanong tungkol sa ginagawa namin pero hindi ako sumasagot. Kapag may kinukumpuni siya ay hindi na rin ako tumutulong dahil ayokong lumapit sa kanya. A part of me is starting to feel guilty but I hard-headedly chose to dismiss the tiny sense of remorse.


Isang beses ay mukhang may hinahanap siya at saka humarap sa akin.


"Do you know where the pH meter is?" he warily asked.


Hindi ko siya sinagot at bagkus ay humarap ako kay Sir Mendrez na nagmomonitor sa katabing table namin.


"Sir," tawag ko sa atensyon niya. "Where can we get the pH meter po?"


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon