Bitter

27 1 0
                                    

James' POV

Ako nga pala si James Franco Cruz. 16 na nga ako pero isip bata(really). Cartoon Network, Animax, Disney, Nick, you name it! Araw araw ko yang pinapanood. I mean, ang ganda kaya at hindi boring.

Tawag sa akin ng mga pinsan ko Jet, ewan ko ba at bakit "Jet" yung tawag nila sa akin.

Upcoming 4th year student na ako sa St. Paul University this coming school year. Expected Valedictorian ng batch namin sabi nila, but I  don't think so.

"Hooy! Gising na dyan!" Sigaw ni Jude, yung pinsan kong loudspeaker at tape recorder. -_-

"Ano ba! Summer diba ngayon? Eh bakit ang aga aga mo akong ginising!" Sigaw ko sa kanya.

At kung nagtataka kayo kung bakit nandito yung loudspeaker kong pinsan sa bahay, eh kasi ayaw pumunta sa probinsiya nina Tita Mae(Mama ni Jude). Kaya dito muna siya tumutuloy.

"May anesthesia ka ba? Nalimutan mo na ba?" Tanong niya.

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi niya.

"Tanga ka ba? Amnesia yun hindi Anesthesia!!!" Sagot ko habang tumatawa ng malakas. 

"They rhymme!" Sabi niya."Ang Café? Ang summer job? Ang no job no internet? Diba't ikaw yung paranoid last week?" Dagdag niya.

"Ngayon na ba yun? I realized this past few days na hindi naman magiging boring yun. Besides, nasa mall yun. Sige na, lumabas ka na at maliligo na ako! Out!!" Sabi ko. Hahaha!

"Ayaw mo bang paliguan kita?" Tanong  niya habang nagflying kiss. -_-

"Psssh. Bakla. Labas!" Sigaw ko.

"Haha! Bilisan mo!" Sigaw niya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Ang weird talaga ni Dad, Monday yung first day of the week diba? Pero Tuesday niya pa kami pinastart magtrabaho. -__-

"Tadaaaa! Café La Cruz!" Sigaw ni Jude habang nagjajazz hands.

"I know. Wala naman akong anesthesia! Hahahaha!" Sabi ko.

"Pssh.  Stop mocking me." Sabi niya.

"Haha! Tanong ko lang Jude, bakit ayaw mong sumama kay Tita sa Bohol pero gustong gusto mong  magtrabaho dito? Diba't parang vacation din yung sa Bohol?" Tanong ko.

"Ah yun ba. Ayaw mo ba akong makasama? Haha! Eh kasi po, gusto kong kumita para makabili ng car. Eh kasi po gusto ko ng car, eh kasi po wala akong car." Sagot niya.

"Pssh. Good girl talaga. I mean good boy! Haha!" Sabi ko.

"Pssssh. Late na tayo.  Ladies first!" Sabi niya.

"K."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

2 hours passed by and I wish closing hour na.

"Told ya it's tiring." Sabi ko kay Jude.

"No it's not." Sagot niya. "Uy! May costumer ka naman oh!" Dagdag niya.

"Good Morning Maam." Sabi ko.

"Yung usual kong latté at isang black out cake." Sabi niya sabay aboy ng pera.

"Thank you Maam. Your order will be out in a minute." Sabi ko.

Gumawa ako ng isang latté, usual daw pero hindi ko alam kung ano yung usual niya latté. Tsk.

"Jude, make yourself useful  and get me some blackout cake." Sabi ko.

"Eto na po maam." Sabi ko habang nilalagay sa table niya yung cake at latté..

Regular ba siya dito  sa Café  ni Papa? Mukhang magkasing  edad lang kami nun.

"Umm, excuse me." Sabi ng isang  babae.

"Oh, yes po maam?" Sabi ko. Yubg babae palang umorder ng latté at blackout cake. "Ano po yun?"

"Sabi ko po, yung usual na latté kanina. Ang tamis kaya nito." Sabi niya.

Masungit pala. -_-

"Oh sorry po maam, first time ko lang po kasi ngayon kaya hindi ko alam yung usual latté  niyo. Sorry po talaga." Sabi ko.

"Save your sorries. Change it, walang sugar ha." Sabi niya sabay flip ng hair niya na parang model ng shampoo at umupo sa kanyang upuan.

"Bitter naman ng taste niya. Akala mo kung sinong artista. Ang taste niya sa kape ay parang ugali niya. Pssssh. B-I-T-T-E-R. Bitter." Sabi ko sa aking sarili habang hinahanda yung latté para sa reyna. -_-

"Thank you!" Sarcastic niyang sagot.

"I stand corrected.  Mukhang hindi ko siya kaedad. Pang matanda yung taste niya sa kape." Sabi ko sa aking sarili.

"So kamusta daw yung latté niya?" Tanong ni Jude.

"Ayun mukhang nagustuhan ng reyna. Hahaha!" Sagot ko.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Sir James, pwede na po kayong umuwi. Sabi po kasi ni Sir John hanggang 5 lang kayo." Sabi ni Ate Stessi.

"Ganun ba kuya?  Oh sige po, mauna na po kami." Sabi ko sa mga crew. 

"Bye po!" Dagdag ni Jude.

"Bili na tayo ng pizza!!!" Sabi ko kay Jude sabay takbo sa labas ng Café.

"Uy hintayin mo ko!" Sigaw ni Jude.

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon