Sudden Realization

27 1 0
                                    

James' POV

Mukhang tama nga si Dale. Sobra na yata yung sinabi ko. Hindi ko naman kasi alam na ininvite siya ni Dale at Jourdan. Yan tuloy naparatangan ko ng masama.

Bobo ka talaga James! -_- Yan tuloy nahimatay sa kalagitnaan ng party. Psssh. Bobo.

Hindi naman totoo yung mga sinabi ko eh, tinatakot ko lang yung tao baka may gawing masama. Pero wala eh, ako yata yung gumawa ng masama. Nagkamali naman ulit yung mga assumptions ko.

Kaya eto ako ngayon, nasalabas at nagpapahangin para mawala yung takot. Ewan ko ba't bakit ako takot o nag-aalala. Sina naman ni Jourdan ay nasa loob. Alam naman nila na kinakailangan kong mapag-isa ngayon.

Mukhang ako pa ngayon ang nagmumukhang apektado sa nangyari. Mabuti na lang at nasalo siya ni Dale. Mabuti nalang at kaunti lang ang nakakita sa pangyayari at kung hindi lagot ako neto kay Dad o kay Mom.

"Uy, kuya." Sabi nung kasama ni Miss Bitter na kinagulat ko naman.

"Ayy kalabaw!!" Syete naman! Ayan naman ako sa mga kalabaw kalabaw nayan! -_- habbit ko na yatang magsalita ng mga hayop kapag ginugulat.

"Hahaha! Ay sorry. Huwag kang mag-alala. Ganun talaga yun." Sabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, Clairre yata pangalan niya.

"Ganun talaga ang?" Sabi ko. Gulo naman kasing kausap.

"Si Yllia. Since Grade 3 pa yata. Huwag kang mag-alala, hindi mo naman yu kasalanan. Kulang lang yata yun sa oxygen hahaha! Mahina kasi yung baga nun." Sabi niya.

"Huwag mag-alala? Ikaw na nga ang nagsabi na mahina ang baga ng tao. Huwag mag-alala?" Sabi ko. Ok paranoid na nga ako, so what?

"Tsk. Sabi na huwag mag-alala eh!!!" Sigaw niya. Daig pa niya si Mom kung magalit ah!

"Ok. Eh bakit naman?" Tanong ko na parang isang bata. Natakot kasi ako sa babaeng 'to.

"Basta, pero ok lang yun. Sa dinami dami ng mga bagay na pinagdaan nun, I'm sure kaya niya yun! Kasama naman niya si Dale, kaya no worries! I'm sure malapit na sila ngayon sa bahay ni Yllia, kaya relax." Sabi niya.

Nawala na yung takot ko pero meron pa ding pag-alala. Pero ewan ko ha, mukhang ang gaan ng loob ko sa babaeng eto. Parang nakilala ko na siya noon o naging magkaibigan na kami pero hindi ko lang matandaan.

"Talaga ha? Pero sorry talaga. Hindi naman totoo yung sinasabi ko. Tinakot ko lang naman yun. Last time kasi grabe yung nangyari. Akalain mo nang-agaw pa ng upuan sa pizza shop, yung Pizza Tower sa mall." Sabi ko. Ewan ko ba't nasabi ko yun.

"Ahh! Eh kay Tita yun! Hala ka ha! Regular kaya yun doon! Kapag nakita ka ni Tita next time, baka i.ban kana doon!" Sabi niya.

"Bobo ko talaga. Hahaha! Tsk. Ano ba kasi yung pumasok sa isip ko na awayin siya? Babae pa naman." Sabi ko.

"Ah eh baka dahil sa tawag niya sayo? Mr Waiter ba yun? At ka June, Asst. Waiter din yung tawag niya! Alam mo ba kung bakit? Nako yung babaeng yun talaga!" Sabi niya habang tumatawa.

"Jude hindi Jude." Sabi ko. "Baka dahil sa pagsusummer job ko sa Café. Eh ano ba naman ang alam ko sa regular latté ng babaeng yun, first time ko pa lang kasi sa Café na magtrabaho, kaya maling timpla yung nabigay ko sa kanya."

"Let me guess, walang asukal?" Sabi niya. "Kaya Miss Bitter tawag mo sa kanya? Hahaha!"

"Yep, tama ka diyan. Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Duhh! Cousin niya ako at best friend! Alam ko ang lahat na nangyayari sa buhay niya. Yung ilang beses siya naliligo sa isang araw, kung kailan tumubo yung eisdom tooth niya at kung kailan yung period niya. Aw sorry." Sabi niya. "Secret lang yan, mukhang hindi niya pa alam. Hahaha!"

"Well that was a stupid question. Hmm. Grabe ka, nakalimutan ko na nga kung kailan tumubo yung wisdom tooth ko eh. Haha! Secret lang din natin 'to ha! May sasabihin ako sayo." Sabi ko. Ewan ko ba't parang naging bata ulit ako ng nakausap ko siya.

"Ano?" Sabi niya.

"Promise yan? Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Lalong lalo na kay Jourdan!" Sabi ko. "Alam ko din yung schedule ng period niya! Bwahahaha!"

"Ay grabe ka ha! Are you spying on your sister?" Sabi niya. Ok, mukhang nag-iba yung mood niya.

"Huh? Wala! DM mo naman pala! Eh ate ko yun! Si Mom naman yung nagsasabi sa akin. Pinapadalhan pa nga ako ng napkin. Yuck! Secret din yan ha! Hindi kasi nagdadala ng extra yung babaeng yun! -_- tsk." Sabi ko.

"Aw sorry. Mali pala yung iniisip ko. Pero mabait ka naman pala eh. Mukhang iba yung pagkilala sayo ni Yllia." Sabi niya.

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Ang weird. No offense ha, pero basta ang hirap intindihin." Sabi ko.

"That's ok. Hindi ko din alam kung bakit ganun kami. Minsan happy, minsan naman sad. Maaring ginawa kami talaga ng Diyos ng ganoon. Baka ayae niya lang kaming masaktan." Sabi niya.

"Hindi ko gets?" Sabi ko. "Sorry bobo kasi 'to. Haha!"

"Ok, let me put it this way. May dalawang libro, and each book represents a woman. Yung isa, napakasimple ng plot pero napakaganda ng cover at yung isa complicated yung plot at ok lang yung cover. Kayong mga lalaki ang mambabasa. Tanong ko sayo, ano yung pipiliin mong libro?" Sabi niya.

"Umm. Para sa akin yung pangalawa, yung complicated ang plot at ok lang yung cover." Sabi ko. Hahaha! Ewan ko ba, yun na lang yung pinili ko.

"Hmmm. Iba ka James ha, iba ka." Sabi niya. "Normally guys will choose the first book. Maganda yung cover at ang dali lang intindihin. Pero sa tingin mo ba, tatatak yun sa puso nila? Sometimes easy is not good. Madali lang makalimutan. Gaya nga ng kanta ni Bruno Mars, easy come easy go."

"Ahh, pero paano yung pangalawang libro? Yung pinili ko?" Sabi ko.

"Yung pangalawa libro naman, ok lang yung cover peri complicated and plot. Kaunti lang ang pipili nito kasi they'll need to use effort tp understand this. Pero, kapag iyong naintindihan, hindi mo na ito papakawalan, at ayaw mo na itong makalimutan. Tatatak ito sa puso mo dahil binigyan mo ito ng effort para intindihin." Sabi niya. "Pero hindi ibig sabihin nito na yung pangalawang libro lang ang maganda at may kahulugan. Ito nalang para mas madali, Every woman is beautiful, and it only takes the right guy to notice."

"Hmmm. May point ka. Hmmm. Lalim mong kausap. Hahaha!" Sabi ko. Mukhang tama nga siya.

"Tsk. Ewan ko ba't bakit yun ang pumasok sa isip ko. Hahahaha! Gaya nga ng sabi nila, 'magaling magpayo, pero hindi naman sinusunod'. Yan tayo eh." Sabi niya.

May point din siya. Ewan ko ba parang na-iintimidate ako sa babaeng ito. Takot? Pagkabahala? Ewan ko ba't parang may feeling ako na hindi ko maexplain.

"Uy! Pasok na kayo. Nag-aalala na si Tita. Akala niya't umuwi ka na James." Sabi ni Jude.

"Mabuti nalang at tayo lang ang nakakita sa nangyari. Muntik na lang akong magrounded for the rest of my life." Sabi ko.

"Tara na!! Handa na yung food!" Sigaw niya.

"Oh tara na daw Clairre!" Sabi ko.

"Yes sir!!" Sagot niya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon