Kabanata 21

110 11 3
                                    

"Coz coz" sabi ni Stacey sabay alog sa akin. Kumurap kurap ako bago tuluyan buksan ang aking mata. Ang bigat ng mata ko dahil kulang pa tulog ko tapos bigat din ng pwet ko! "Malelate ka na, tsaka kanina pa nasa labas si Seb, andyan na nga siya sala pinapasok ko na muna. Tumayo ka na dyan"

Sasabihin ko sana na saglit lang at maliligo ako kaso biglang nagparamdam ulit tiyan ko kaya takbo kaagad ako sa cr namin. Kaupo ko ay kaagad bumulwak hahahaha! Nakakainis kase, wala akong pigil sa pagkain nagtatae tuloy ako ngayon!

"Ahmm coz" tawag ko sa kanya mula sa cr. Narinig ko naman yung foot steps niya.

"Ano yon coz."

"Paki sabi kay Seb na hindi ako papasok" nakapikit na ako niyan dahil ang sakit na talaga ng pwet ko! Hahahah! Panglima ko na yata 'to magmula kaninang 2am!

"Ah tawagin ko si Seb, sige sandali!"

"Huy coz hindi! Coz! Coz! Cozzzz!!!" Ano ba yaaannnnn! Nakakahiya? Wala naman akong sinabi na tawagan niya si Seb e! Napakamot ako sa ulo ko at hilamos sa mukha ko.

Naghugas na ako at nagplash. Nagmouth wash na muna ako dahil wala ng time magtoothbrush. Mamaya nalang katapos kong kausapin si Seb.

Kalabas ko ng cr ay papalapit na si Seb.

"Good morning Zach" sabi nito, tumango naman ako at nginitian siya ng slight. "Okay ka lang? Bakit maputla ka?" Napayuko ako. Ihh nakakahiya!

*krroooookkkkk*

Napatingin kame sa tyan ko, sht! Nakakahiya talaga 'to. "Ah wait lang ah!" Sabi ko at pasok ulit ng cr.

Ano ba yan!! Bakit kailangan niya ako makita sa gantong kalagayan ko! Huhuhu!

"Zach??? Nagtatae ka ba?" Hindi ako sumagot dahil hiyang hiya ako "Nagtatae ka noh? Dami mo kase kinain kahapon e! Hahahaha"

Luh? Tawang tawa pa ang gago.

"Heh tigil ka na dyan Seb! Nahihiya na ako" pagmamaktol ko.

"Hahaha oo na. Oo na. Bilan kita ng gamot ah. Sabihan ko na rin si Stacey na gawan ka ng pagkain na pwede mong kainin." Sabi nito.

"Wag na Seb." Sabi ko pero hindi siya sumagot. "Seb? Seb? Seb????" Hala? Umalis na yata. Naghugas na ulit ako at lumabas na ng cr.

Nagpunta na rin ako sa sala namin at umupo sa wooden chair. Mas komportable akong umupo sa ganon.

"Coz! Nagtatae ka daw hahahahah" sabi ni Stacey sa akin kaupo ko. Isa pa 'to. May sakit na nga yung tao tinatawanan pa ako. Natignan ko tuloy siya ng masama. "Hahahaha joke lang coz. Oh ito na kumain ka na. Buti nalang at naabutan ko yung naglulugaw." Sabi nito at nilipat sa mangkok yung lugaw na nasa plastic.

Binigay naman niya iyon sa akin at binigyan ako ng tubig. Wala pa naman din akong ganang kumain. Sakit talaga ng tyan ko, bigla ako hindi naging komportable sa pagkakaupo ko kaya lumipat ako sa sofa at humiga.

Pinikit ko yung mata ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod yung buong katawan ko.

Ramdam ko yung paglapit ng Stacey at sabay hawak niya sa noo ko. Kinilabutan tuloy ako.

"Coz. Wag mo ako hawakan naiirita ako" suway ko sakanya.

"Hala coz. Mainit ka nilalagnat ka na din. Teka lang ah"

"Hello Seb?..... Asan ka na?..... Ah nasa drug store ka pa?.... bili ka na din ng gamot sa lagnat... nilalagnat na din si coz...." narinig kong sabi niya. Ito talagang si Coz, inabala pa si Seb. "Sure ka ba dyan? O sige kadating mo magayos na ako. Sige bye"

"Coz? Hindi ka ba kakain?" Tanong nito sa akin.

"Hindi coz. Sakit talaga ng tiyan ko e. Nangangalambot ako. Wala ako ganang kumain" naiiyak kong sabi, na para bang batang may sakit.

Mr. Sungit Is My RP BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon