Kabanata 18

123 11 0
                                    

Nandito kame ngayon sa dorm, kame nila Larry, Stacey, si Liam at yung Seb, kahit daw hindi kame close curious daw siya sa nanyare. Sabi ko naman na baka hindi ako matapos sa kwento ko dahil medyo matagal tagal din yung pagsasama namin ni Ethan sa OH-SO-CALLED-DREAM ko YATA.

Pero nag-insist pa rin sila, kinwento ko sa kanila yung nanyare sa abot ng naalala ko. Luckily na summarize ko naman lahat ng pangyayare. Nagkukwento ako habang nakadikit sa pisngi ko yung yelo na nakabalot sa face towel. Pare-pareho silang hindi naka-imik matapos ang kuwento.

"Pero ang weird lang na nalaman mo name ko sa panaginip mo." Biglang sabi ni Seb.

"Pwede naman, nakwento ko kase physical appearance niyo tol, baka ganon ang nanyari."  -Liam

"Panaginip nga talaga coz. Kase ah, isipin mo, nakwento mo din kung paano nagprepare sila Ethan sa surprise sayo" napahawak ako sa bibig ko. Oo nga! Shit! Panaginip lang talaga lahat? Yumuko ako at ginulo ang buhok ko. Myghaadd! Nagpaloko ako sa panaginip ko.

Nakakainis! Dahil lang sa panaginip.... minahal ko si Ethan ng ganito... nasasaktan ako ng sobra... at pinahiya ko yung sarili ko.

"Zach...." yinakap ako ni Larry from the side at sinandal ang ulo ko sa braso niya. "Okay lang yan. Talagang minsan nakakagawa tayo ng katangahan." Lumayo ako at sinuntok siya. Kainis toh! Hindi niya ba ako maintindihan.

"Don't worry Zach. Kame nalang ni Liam ang bahala kay Ethan." Napatingin ako kay Seb, Zach kase ang tawag niya sa akin, nakiki-Zach na siya! Hahahaha

Pero saglit lang yung sayang yon kase nafeel ko na naman yung kirot! Feel na feel ko talaga na talagang niloko ako.

"Ah guys? Okay lang ba kung umuwe na kayo? Sorry kung rude pakinggan pero gusto ko na kase magpahinga"

Sabay sabay silang tumayo.

"Okay lang Zach. Naiintindihan namin." Sabi ni Liam. "Paano ba yan Mahal. Bukas nalang"

"Sige mahal. Ingat sa pagdadrive"

Hinatid namin ni Stacey yung tatlo hanggang sa gate. Pagkaalis nila is humarap ako kay Stacey.

"Wala pa talagang nanyayare sainyo sa loob ng dalawang buwan at kalahati?" Sabi ko sabay lapit ng mukha ko sa kanya. Napaurong naman siya sabay sapok sa akin.

"Gaga ka talaga coz! Hahaha. Wala pa talaga" pinaikot niya ako para makaharap na papasok. Inakbayan niya ako habang naglalakad. Umupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko. Kung matulog kaya ako? Baka ito yung panaginip? Baka ito yung panaginip na dapat magising na ako, para makabalik na ako kay Ethan?

Pumikit ako at pinilit na pumikit, kaso para akong nahulog magmula sa mataas na gusali ng biglang umupo si Stacey.

"Coz? Matutulog ka ulit? Grabe ka dami mo ng tulog" sabi nito. Tumingin ako sa kanya.

"Coz... baka ito talaga yung panaginip?" Tumawa siya sabay ginawang unan ang lap ko.

"Coz naman, wag mo na lokohin sarili mo okay? Ikaw lang din naman ang mahihirapan." May tumulo na naman na luha at nagstart na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong totoo...  tumayo si Stacey at niyakap ako. "Andito lang ako coz... tutulungan kita. Malay mo bukas o kaya sa makalawa makalimutan mo na yang panaginip mo diba?"

Iyak pa rin ako ng iyak. Sana nga ganon kadali yon. Kaso alam ko sarili ko at ramdam ko na mahal ko si Ethan! Tapos ngayon.... ayoko magonline sa rp, ayokong harapin si Zeus. Hindi ko kaya.... nahihiya ako sa kanya kung sakaling hindi pala talaga siya si Ethan, at the same time naiinis ako, kase ang nasa isip ko is poser siya, kahit na wala pa siyang sinasabi na name or itsura ng operator niya. Pero may magagawa ba ako? Yun na yung tumatak sa isip ko. Na si Zeus at Ethan ay iisa.

Mr. Sungit Is My RP BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon