Chapter 4

230 31 6
                                    

Life is too beautiful. Ngayon ko lang ito naappreciate. Ngayon ko lang nakitaan ang ganda ng buhay, ang ganda ng mundo, kung kailan mawawala na 'ko. Baka nga totoo talaga na nasa huli ang pagsisisi.

Simula bata ako ay puro pagkukulong lamang sa kwarto ang inaatupag ko. Takot ako makipaghalubilo sa ibang tao. Kung hindi ko nakilala si Selena siguro hanggang ngayon magisa pa 'rin ako. Walang karamay. Mamamatay magisa.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Puna sakin ni Selena. Maaga kaming dinismiss nlng prof namin ngayon sa huling subject at naglalakad kami papuntang waiting area upang antayin ang kuya ni Selena na palaging sumusundo sakaniya.

"Wala. Wag mo na lang akong intindihin." Tinitigan ako ni Selena na parang binabasa ako. Alam ko namang 'di ako makakapagtago ng sikreto sakaniya.

"Iniisip mo ba yung sakit mo? Ako na nagsasabi sayo Agape magpachemo ka na." Inikutan na naman ako nito ng mata.

"And for the nth time sasabihin ko ulit sayo 'to, Ayoko." Inikutan ko rin ito ng mata. Naiinis na ako sa pangungulit nito saking magpachemotherapy ako. Mamatay na ako at magsasayang lang ako ng pera kung gagawin ko iyon. Mas mabuti pang ipamigay nalang 'to sa mga nangangailangan. Speaking of, balak 'kong gawin yan anytime soon.

Si Ferris, hindi ko na siya nakita pagkatapos ng ginawa namin. Isang linggo na ang nakalilipas at hindi ko alam kung bakit hindi ko na siya nakita. Basta paggising ko wala na siya sa tabi ko at nagiwan lang siya ng isang note saying na umalis na siya at ginalaw niya daw ang kusina ko at gumawa ng breakfast.

Dumating na 'din ang sundo ni Selena kaya naman nagpaalam na ako dito pati na sa kuya niya. Inaya pa ako ni Kuya Ayron na sumabay sa kanila ngunt nagdahilan na lang ako na may pupuntahan ako. Pamilya na kung ituring nila ako at hindi isang 'mayaman' lang ang tingin nila sakin. Maswerte pa rin ako na may mga katulad nilang nagmamahal sakin.

Nagsimula na akong maglakad at hindi alam kung saan pupunta. Parang ayoko munang umuwi dahil wala naman akong madadatnan 'don kung 'di purong katahimikan at kalungkotan.

Naglalakad ako ng nakayuko nang may makabungguan akong matigas na poste. Nabalik ako sa wisyo at tinignan ang posteng nabangga ko habang sapo sapo ang mukha ko at laking gulat ng mata ko na hindi ito poste kundi isang higanteng tao. Bakas ang gulat sa mata nitong nakakapangakit. Isang linggo magmula nung mangyari iyon. Tumalikod na ako at akmang lalayo nang hawkaan nito ang braso ko at hinarap dito.

"Agape? Tatalikuran mo nanaman ako? Bakit 'ba sa tuwing kakausapin kita hindi ka tumitigin sakin o kung hindi tinatakasan mo 'ko. Naiinis ako." Halata nga. Halata ang pagkaburyo sa boses niya. Nakayuko lang ako at hindi makatitig sa mukha niya dahil nahihiya ako sa ginawa namin sa kwarto ko.

"Tangina magsalita ka naman. Huwag mong sabihing hindi mo na ako naaalala." Inangat nito ang mukha ko at mukhang hindi ko na siya matatakasan pa.

"Ferris....Hi." Napansin kong ngumiti siya ng malapad nang banggitin ko ang pangalan niya. Hinatak nalang ako nito at napansin ko kung saan niya ako balak dalhin. Sa isang park.

Pinaupo niya ako sa isang bakanteng bench at umupo sa tabi 'ko. May napansin ako sa tanong nito.

"Asan yung kaibigan mo? Si Selena?"

"Sinundo na ng kuya niya. Bakit? Miss mo?" Panunukso ko sa kaniya.

"Hindi ah. Tinanong ko lang dahil magisa ka lang ngayon. Anyway, kamusta ka nitong buong linggo? May masakit ba sayo?" Curious nitong tanong sakin.

"Wala naman. Madalas lang ang pananakit ng ulo ko."

"Bakit ba kasi ayaw mo magpa—" agad ko na siyang pinutol dahil alam ko na ang sasabihin niya. Para siyang si Selena.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon