Epilogue

222 19 5
                                    

○○○○○

"Okay na ba lahat? Ang wheelchair ni Agape asan na?" Hindi magkamayaw ang mga tao sa mansion ng Buenavista. Kaniya kaniyang ayos ng dekorasyon sa mansion.

Andito ang lahat ng mga naging malapit na tao kay Agape Buenavista. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi maging mabuti sa mga tao.

Sa loob ng ilang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ituon ang natitira niyang araw sa pagtulong sa mga mahihirap. Hindi man nakikita ng lahat ngunit alam ng mga taong nakakakilala sakaniya kung sino siya. Siya si Agape Buenavista.

Kasalukuyang nagaayos ng dekorasyon ang mga tao sa mansion ni Buenavista. Iyon ay dahil sa nagiisang tanging kahilingan niya bago siya pumanaw sa mundo.

Gusto niyang nandito ang lahat ng mga taong malalapit sa puso niya. Gusto niya silang masilayan sa sa kahuli-hulihan ng kaniyang hininga.

Kasalukuyang inalalayan umupo ni Ferris si Agape sa kaniyang wheelchair sapagkat naghihingalo na ito at hindi na kaya pang gumalaw o magsalita. Pagtitig nalang ang kaya nitong gawin.

Busy ang lahat sa kani kanilang sariling gawain sa paghahanda ng mga pagkain sa rooftop kung saan gaganapin ang pawang munting handaan.

Nakikinita ni Agape ang itsura ng mga bisita ngayon. Halos lahat ay mugto ang mga mata. Si Mabeth, Francis, Hanzo, at Selena. Gustuhin man nilang umiyak ngunit habilin ni Agape na walang iiyak sa gabing ito. Sa gabing pagpanaw niya.

Si Ferris ay hindi man mugto ang mata ngunit kababakasan ng lungkot ang itsura nito. Pinapakita niyang matatag siya upang hindi malungkot si Agape.

Umupo ito at pumantay sa lebel ng huli.

"Kamusta? Nakakain ka naman ba? Nakakainom ng tubig?" Tanong nito sa garalgal na boses. Kitang kita sa mga mata ng lalaki ang lungkot senyales na malapit na siyang umiyak.

Dahan dahang tumango si Agape at ngumiti. Ayaw nitong magsalita dahil mabilis lang nitong mauubos ang kaniyang lakas.

Sunod na dumating ay si Selena. Tumayo ang binata at humalik sa pisngi ng dalaga. Alanganin namang ngumiti at nahihiyang tumingin ang dalaga kay Agape.

"Baliw ka talaga." Hinampas nito ang binata at kapagkuwa'y tumitig sa lalaking kasalukuyang nakaupo sa wheelchair. Nagsimula nang mamuo ang luha ng dalaga.

"B-bes. N-ngayon na ba talaga? Hindi ko pa pala kaya. Agape hindi ko kayang mawala ka sakin 'teh." Tuluyan nang bumuhos ang luha ng dalaga. Agad naman itong inalalayan ni Ferris dahil muntik pa itong matumba dahil sa panghihina ng tuhod nito.

Pinipilit ni Ferris na tatagan ang sarili niya kahit sa loob loob nito ay tila mababasag na din siya.

Napamahal na siya kay Agape. Kahit pa hindi maganda ang kanilang pagkakakilala dahil kinailangan nilang gumawa ng makamundong bagay ay tinuring niya parin itong bunsong kapatid. Mahal na mahal niya ito na parang isang bunsong kapatid na ayaw niyang mawala.

Sa isip isip niya bakit kailangang ang isang 'to pa ang magdusa sa sakit na 'to? Bakit ang isang mabait na katulad niya ang kailangang mahirapan ng ganito?

Napakabata pa niya. Alam niyang marami pa sana itong gustong abutin sa buhay. Alam niyang may pangarap pa si Agape.

Tumayo ang dalawa at inalalayan ni Ferris si Selena at ikinuha ito ng tubig dahil hindi parin ito maawat sa kakaiyak.

Gustuhin mang umiyak ni Agape dahil hindi niya kinakaya na makita ang mga mahal niya sa buhay na umiiyak ay hindi niya magawa sapagkat wala nang luha ang gustong lumabas sakaniya.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon