Nang makilala niya na ang lalaki, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at ilang sandali siyang natulala.
"A-andito na s-siya..."
"Sabi ko naman kasi sayo e. Wag ka ng bumalik e!" biglang tumakbo si Wella.
Nang datnan ko siya sa cr ay nakita kong gulat at nagtataka pa rin siya. Maya-maya'y biglang tumulo ang kanyang luha.
"W-wella..."
"Iwan mo muna ko. Gusto kong mapag-isa."
"P-pero..." tahimik lang siya at maya-maya'y pinabayaan ko munang mapag-isa.
Ilang minuto ang nakalipas...
"Tara na." nakangiting pilit niyang sabi.
"O-okay ka na ba?"
Hindi siya sumagot. Tahimik lang kaming naglakad hanggang makabalik sa kinaroroonan ng barkada.
Napansin nilang nagbago ang mood naming dalawa...
"Hoy! Tahimik kayo dyan Wella? Mitch?" Rich.
Ilang sandali muna bago siya sumagot. "Ah. Eh? May iniisip lang ako." Wella.
"Malalim ba yan? kaya ko bang languyin yan?" Ate Yvonne
"Corny.Ano ba nangyari sa inyo at biglang umitim yang aura niyo?" Rich
"Ah.. Hmm? Iniisip ko kung anong floor plan gagawin ko mamaya. Bukas na last nun e." nagpapalusot pa, halata naman sa mukhang nagsisinungaling!
"Makakaisip ka rin, ikaw pa! Ikaw ba Mitch, nagawa mo na ba floor plan mo?" Rich.
"Ahh.. Yes. Ofcourseeeee. Hehe. Tinulungan ako ni babe ko e!"
"Duh? Malande talaga to."
"Insecure ka lang!"
"Ofcourse not!" rolled eyes.
"Hihihi." Mitch.
"Oy guys, it's already 10. Una na kami ni Ash sa inyo ha? Baka ma-late kami. Terror pa naman prof namin. See ya guys. Muah.muah." beso-beso sa aming lahat.
"Sige kitakits mamaya guys. :))" Ate Yvonne.
Humiwalay na din si Wella at si Mitch sa kanila dahil kailangan na nilang ipasa ang kani-kanilang paintings.
Umalis na rin sina Adam at Ate Yvonne sa kani-kanilang buidings. (Di na nagpahatid si Mitch dahil baka malate daw babe niya. Tss.)
------
Ash's POV
"There's something weird about Wella." sabi ko kay Rich na tila wala sa sarili. Ang lapad ng ngiti!
"Hey! Are you listening?"
"A..ah.. Ha?" Rich.
"Bakit laki ng ngiti mo? Para kang tanga dyan!"
"Eh, sa ang cute niya talaga ee. Sobra!"
"Edi sayo na siya. Tss!"
"E sayo ata may gusto e."
"Tss. Ayoko dun!" (rolled eyes)
"Bakit? Gwapo naman siya ah, matangkad, may kissable lips at ang cute pa ng mga mata, chinito type!"
"Alam ko, pero di ko siya type."
"Psh. Choosy pa. So kung di mo siya type, at alam kong we're not meant for each other din... (Paawa face. Err. Arte talaga ng baklang to. Hahaha.)
Natahimik kami bigla.. At..
"Girl, naiisip mo ba naiisip ko?" Rich (sabay wink ^_~)
"Ahaaaa?" (maarteng pag-sambit)