Chapter V.

25 11 0
                                    

"Ayan oh, sa likod mo."

Kahit bakas ang pagtataka sa mukha ko dahil di ko naiintindihan kung anong nangyayari sa paligid, tinanong ko pa rin kung anong kalagayan nya.

"Huy. Ah.. Okay ka lang ba? May nangyari bang masama sayo? Anong nangyari sayo at bakit ang daming st---..." bago ko natapos ang sasabihin ko ay nagsalita siya...

"Wella.." biglang nagsiluhod ang mga barkada niya at naglabas ng iba't-ibang papel na may mga letra na may nakasulat na...

W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D ?

At nagulat ako ng biglang lumuhod si Kean at sinabi ulit ang mga katagang, "Will you be my girlfriend?" Nilabas niya rin ang makukulay at mababangong bulaklak.

Napaka-ingay ng paligid dahil sa hiyawan ng mga estudyante at mga sinasabing "Sagutin na yan!!"

Sa sobrang saya na nararamdaman ko, halo-halo na ang naging emosyon ko. Umiiyak na tumatawa na kinakabahan na ewan! Di ko talaga maintindihan sa sobrang saya. Sasagutin ko na sana siya ng biglang...

"Y--.." bago ko nasagot ang tanong ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at kinuha niya agad ito at...

"Yes mom? What!? Ok po papunta na po ako!" sabi niya sa kabilang linya.

"Aahh.. Wella, mamaya mo na lang sagutin ang tanong ko ha. I need to go! Emergency! Sorry!" nagulat ako sa pangyayari at biglang tumahimik ang paligid.

"Y-yes." mahina kong sabi sa pag-alis niya. Parang lumilipad ang isip ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit, naririnig ang mga katagang "Will you be my girlfriend, Wella? Bigla na lang akong nagising nung bigla akong kinalabit ni Mitch.

"Hoy, wala na siya." sabi ni Mitch.

Wala na akong ibang naririnig kundi ang pag-uusap ng mga estudyante.

"Ay! Sayang naman! Di niya nahintay!" sa ibang grupo.

"Enebeyen! Di natin narinig ang sagot!" sa kabilang grupo naman.

"Sayang talaga! Nakakakilig pa naman!" sa likod ko.

Kahit anu-ano na ang narinig ko sa mga estudyante, kaya naingayan ako. At naglakad...

"Hoy! Tulala ka dyan? Ayieee!" pagtutukso sakin ni Mitch.

"A-ah, ikaw pala Mitch!"

"Ay! ay! ay! Kinilig ka lang ng sobra, nakalimutan mo ng may kasama ka?" natatawang sabi ni Mitch.

"Yieee! Infairness ah? Ang haba ng hair! Teka, naapakan ko na ata sa sobrang haba. Haha!"

"Gaga!" ngiting sabi ko.

"Kinilig ka ng sobra no? Aminin mo! Swerte mo sa kanya, couz! Tsk.tsk. Pero ano kaya nangyari dun at nagmamadaling umalis? Di man lang nahintay ang sagot mo." pagtatakang tanong ni Mitch.

"Hindi ko nga rin alam e. Pero mamaya sasabihin ko na sa kanya kung ano ang sagot ko." nakangiting sagot ko.


"Yieee. Landiii!" kinikilig na sabi ni Mitch.


"Ehhhh, ganon talaga! Hihi.


Ilang araw na ang nakalipas mula nung panliligaw moment na yun. Tuesday ngayon at friday nung nangyari yun. Simula nun wala na akong natanggap na mga texts galing sa kanya. Di niya rin sinasagot ang mga tawag ko kaya tinext ko siya uli ngayon...


Text message:


To: Kean <3


Punta ka mamaya sa school plaza. 3:00 pm, may importante akong sasabihin sayo! Maghihintay ako....


Wala pa rin akong natanggap na reply galing sa kanya kaya naligo na lang ako at nagbihis para pumunta sa school.


(3:00 pm)


Eksaktong pagdating ko. Umupo ako sa may pahabang upuan upang hintayin siya doon. Sana dumating siya.


(4:15 pm)


Wala pa rin siya! Madami ng mga estudyanteng dumadaan. Inaaliw ko na lang ang sarili ko dahil alam kong darating siya.


(5:50 pm)


Hinihintay ko pa din siya. Lakad dito lakad doon, at patingin tingin sa phone kung may reply na ba galing sa kanya. Umaasa pa rin ako na dadating siya.


(6:20 pm)


Nandito pa rin ako sa pwesto ko kaya naman napansin na ako ng isa sa mga kaibigan niya. Si Neil.


"Oy, kanina pa kita napapansin ah, may hinihintay ka ba?"


"Oo eh. Si Kean. Alam mo ba kung nasan siya ngayon?"


"Ah. Eh, Nakita ko siya kanina nakasilip sayo dun sa may puno. Kala ko nga lalapit siya sayo pero umalis siya bigla nung nakita niya ako."


"N-naka-S-silip?"


"Ha? Teka. Bakit siya umalis agad?" Pahabol ko.


"Aalis na siya papuntang U.S." sabi niya.


"H-HA?"


"Di niya ba nasabi sayo? Baka nga sa mga oras na to nasa eroplano na siya e."


Di ako makapaniwala sa narinig ko. Di ako mapalagay sa kinauupuan ko. Parang biglang dumilim ang paligid, di ko alam kung ano mararamdaman ko. Gulat, pagkalito, lungkot, galit, at kung anu-ano pa!


Gabi-gabi umiiyak ako, nakakulong sa kwarto, nakadapa sa kama at nakakulob sa unan. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang text niya, maipaliwanag man lang niya kung ano talaga ang nangyari. Di man lang siya nagpaalam ng maayos o ipaalam man lang sakin na aalis pala siya! T_T


Kaya simula nun at mapa-hanggang ngayon, di na siya nagparamdam pang muli. Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang nangyari nun at anong dahilan bakit di man lang siya nagpaalam sakin.

* * * *

Nakakalungkot no? Ilang taon na din ang nagdaan tapos magugulat ka na lang bigla ngayon na nakabalik na siya? Teka... kailan pa nga?


Habang naglalakad kami ni Mitch papuntang canteen [Oo sa canteen muna bago sa archi building, lagi kasing nagugutom yun kaya bibili daw muna kami ng makakain] Pagkatapos bumili ay lumabas muna para kumain, pwede namang sa loob. Daming arte! Tss. :)) May tumawag ng pangalan ko kaya napalingon ako agad at...


"Wella." mahinahong tawag niya sa pangalan ko.


--

Nagustuhan niyo po ba ang chapter na'to? Please VOTE and COMMENT po. Sobrang maraming salamat po :)

Diagon ally (The magical wish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon