CHAPTER 2 - The String

205 13 0
                                    

Sarah: Mommy andito po si Tita Bing and Ate Dindin.

(Nang marinig iyon ay agad na nagmulat ng mata si Cassandra at tumayo mula sa kanyang pagkakahiga)

Dindin: Hey Ta... i mean Tita how are you? May masakit pa ba sayo? Ano po bang nangyari?

(Sunud sunod na tanong nito kay Cassandra na talagang hindi ka makakasingit para sumagot, napatingin naman si Cassandra kay Sarah at napansin iyon ni Bing)

Bing: Piolo told us about sa nangyari kanina. Alam mo naman yang si Dindin pag dating sayo, ayaw na ayaw kang nasasaktan, kung papipiliin nga yan between sating dalwa baka ikaw pa piliin niyan.

Dindin: Mom?!

Bing: Tignan mo o, nagagalit agad sakin. But anyway Sandra, kamusta na pakiramdam mo? Wala na ba talagang nasakit sayo?

Cassandra: Okey naman na ako Ate. Medyo sumakit lang talaga yung ulo ko kanina, tapos na out of balance kaya nadali ko yung base sa may kwarto ni Sarah. But i'm totally okey now.

Dindin: Hindi ka ba nasugatan Ta...i mean Tita?

(Habang chinecheck ang mga palad, braso, paa at binti nito)

Cassandra: Nako Dindin, sabi ko naman sayo pwede mo akong tawaging Tati diba?

Dindin: But Daddy told me na sanayin kong Tita na lang daw itawag sayo, because that "Tati" thingy is for Tati Sammy only.

Cassandra: Wala naman si Daddy mo dito di ba?

(Sabay kindat kay Dindin kaya naman napayakap ito ng napakahigpit kay Cassandra)

Bing: O maiwan ko muna kayo diyan, prepare ko lang yung dala namin ni Din na food para makapagbreakfast na tayo. Come here Sarah, help Tita Bing.

(Agad namang lumapit si Sarah kay Bing at tuluyan na ngang naiwan si Cassandra at Dindin sa kwarto)

Cassandra: You know what sweetheart? i dont know what really happened to your Tati Sammy, i don't know her too as well pero whenever na nakikita kita, nakikita ko kung gaano mo siya kamahal at nakikita kong nandiyan pa rin siya sa puso't isipan mo, hindi mo pa siya pinapalaya, or it's better to say na ayaw mo pang tanggapin na wala na siya.

Dindin: Hindi ko matatanggap dahil hindi naman po talaga siya nawala.........i guess.

Cassandra: You're right baby, hindi naman talaga siya nawala.

Dindin: Really Tati?

(At umusbong ang isang malaking pag asa kay Dindin na mababakas mo dahil sa mga ngiti nito)

Dindin: So?

Cassandra: Yes, kasi di ba andiyan siya sa puso mo? Habang nandiyan siya hinding hindi siya mawawala. At lagi mong tatandaan, makakalimot ang isipan ngunit ang puso mo ay hindi, ito (sabay turo sa kaliwang dibdib kung nasaan ang puso) ang laging magpapaalala sayo ng lahat.

Dindin: I hope and i pray na hindi magfail yung heart ko Tati. You know, there's a lot of people in this world but no one can replace Tati Sammy, maybe they can imitate her but no one can totally be my Tati Sammy, nag iisa lang siya. I can still recognize her kahit na may milyunmilyong tao pa ang gumaya sa kanya.

Cassandra: Just like me?

(Niyakap naman ni Dindin si Cassandra sabay sabing....)

Dindin: Hindi mo naman siya ginagaya Tati.

Cassandra: Haha. Just kidding. I know aaaaannd im sorry cause i can't bring your Tati Sammy back to you, but do remember always na andito lang si Tati Sandra, yes me and your original Tati "Tati Sammy" are two different people and im sure i can't replace her in your heart but we can still make the best memories di ba? Di ko man siya mapalitan, dahil ayoko naman talagang alisin siya diyan sa buhay mo pero sana hayaan mo si Tati Sandra na pawiin yung pangungulila mo sa kanya, let's start making new memories.

(Hindi naman na nakasagot si Dindin dahil naluluha na ito, isang yakap na mahigpit nalang ang naisagot niya dito)

Bing: O pano? Putulin ko muna yang pag uusap niyo, tara na sa baba ready na ang food.

(Sa Dining Area)

Cassandra: Napakadami naman nito Ate.

Bing: Tanungin mo yang si Dindin.

(Napangiti naman si Dindin kay Cassandra)

Sarah: You know what Ate Din? Dalasan mo pagbisita mo dito, turuan mo kong gumawa nung poetry ba yon Mommy? Oo poetry nga. Please Ate Din.

Dindin: Mommy diba school vacation naman po namin? Maybe i can stay here just for a week.

Bing: Pag iisipan ko.

(Pang aasar nito kay Dindin)

Dindin: Mom?!

Bing: Look, sa akin okey lang, e sa Tita Sandra mo?

Sarah: Sagot kita Ate Din, di ba Mom payag kana?

Cassandra: Okey lang din sakin e paano kay Kuya Gary?

Sarah: Yun lang.

(At nagtawa naman si Bing at Cassandra)

Bing: No need to worry na, ako ng bahala sa Daddy mo. Di ba may gamit ka pa naman dito?

Dindin: Yes Mom, pero good for 3 days only, maybe.

Bing: Sigi papahatidan nalang kita ng gamit bukas.

(Tumayo naman si Sarah mula sa kinauupuan at lumapit kay Bing sabay yakap at sabing...)

Sarah: Thankyou Tita Bing, you're the best talaga.

Bing: Haaaay. Buti pa si Sarah, e yung isa kaya diyan?

(Tumayo naman si Dindin)

Dindin: Haaaay, ang tanda ko na para dito Mom, anyway, thankyouuuuu.

(Sabay halik sa pisngi ng Mommy niya)

Bing: Nako mukhang napipilitan lang.

Dindin: Mommy?! Okey........

(Sabay buntong hininga)

Dindin: Thankyouuuuuu poooooow.

Cassandra: Wait, that thing, it's something somehow familiar to me. Tsk, nevermind.

(After that breakfast thing ay nagpaalam na si Bing)

Bing: O paano mauna na ako, pumunta ko dito ng may kasama tapos uuwi pala kong mag isa.

Sarah: It's okey Tita, atleast you made me happy.

(Sabay kindat nito)

Bing: O siya alis na ako. Din? You know the rules okey?

Dindin: Yes Mom. Loveyou! Babye.

(Sabay yakap at halik sa ina)

Cassandra: Mag ingat ka Ate, thankyou for today, thankyou din sa pabreakfast.

Bing: Maliit na bagay, basta ingatan mo ang sarili mo, if anything happened again just call me okey?

Cassandra: Yes Ate.

(Sabay yakap at beso)

Sarah: Bye Tita.

(Sabay yakap din kay Bing)

Bing: O sigi na.

(At tuluyan na ngang sumakay ng sasakyan si Bing at umalis)






M.Writes/Author - Sa nagtatanong po kung sino si Cassandra, malalaman niyo po habang umuusad ang ating istorya, sa mga nagtatanong naman po kung nasan si Samantha at Alexander, di ba may nangyari po kay Samantha? And si Alexander naman parte pa rin po siya ng istoryang ito syempre siya pa din bida here. Don't miss the upcoming special parts. Loveyah fellas! 🌼💋

[ BMB🥀 #2 ] FORGETTING YOU 💭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon