CHAPTER 9 - Who's That Girl?

139 13 0
                                    

(Sa labas ng restaurant, isang senaryo ang nakakuha ng atensiyon ni Alexander)

Alexander's POV

Teka si Aga ba yon? Sino yung kasama niya? Bakit parang ang seryoso nila?

(At nakita niya ang pagbagsak ng ulo ng babae sa may balikat ni Aga)

Naiyak ba yung babae? Pero sino yon? Ayos lang kaya kung tawagin ko si Aga? Pero mali naman yata, pero.....hay wag naman sana. Siguradong masasaktan si Lei at Agatha pag nalaman nila.

Lei: Hey Alex nakita mo ba si Aga?

(Para namang napatalon si Alexander ng marinig ang boses ni Lei)

Alexander: A...e.....

Lei: Teka? Si Aga ba yon?

(Sabay turo sa direksiyon ni Aga at nagsimulang maglakad)

Alexander: Lei, teka anong gagawin mo?

Piolo: Mr. Alcasid? A...i mean Alex?

(Napatigil naman sa paglalakad si Lei ng marinig iyon)

Alexander: O bakit ganyan ang itsura mo?

Piolo: Hinahanap ko kasi si Cassandra, sabi niya kasi magCCR lang siya pero ang tagal na hindi pa rin siya nalabas kaya nakisuyo akong tignan siya sa loob pero wala siya doon.

Lei: Wait? Magkakilala kayo? At nawawala si Cas?

Alexander: Yes, siya yung engineer na kinuha ni Michael para sa bahay na ipapagawa ko, teka magkakilala din pala kayo?

(Criiiing....)

Piolo: Excuse lang natawag si Cassandra.

(Medyo lumayo naman ng kaunti si Piolo at saka sinagot ang tawag)

Piolo: Hello honey? Nasan ka ba? Akala ko ba magCCR ka? Bakit wala ka sa C........Okey sige pupunta na ko.

(Lumapit naman si Piolo kay Lei at Alexander na kasalukuyang nag uusap na tila mo napakaseryoso)

Piolo: Lei, Alex nasa sasakyan na daw si Cassandra, medyo sumama daw ang pakiramdam niya kaya mauna na kami ha.

Lei: Sige Piolo, mag ingat kayo.

(Pagkaalis ni Piolo)

Alexander: Lei? Nahihiwagaan na ko diyan sa Cassandra na yan. First sa sementeryo, second sa mall at pangatlo ngayon, hindi ko pa siya nakikita.

(Bigla namang dating si Aga na wari mo'y nanakbo papunta sa kanilang direksiyon)

Lei: San ka ba galing? Saka sino yung kausap mong babae kanina?

Aga: A wala tinulungan ko lang.

Lei: Tinulungan?

Alexander: Oooops, usapang mag asawa yata yan, mauna na ko.

Aga: No bro, can you stay kahit saglit lang?

Lei: Bakit?

(Tanong nito habang nakapamewang)

Aga: Hey Babes, usapang lalaki lang.

Lei: Nako Aga ha. Mag ayos ka. Hindi porket mahal kita hahayaan na kitang lokohin ako, sinasabi ko sayo.

Aga: Babes....

(Sabay yakap dito na may halong panlalambing)

Aga: You know how much i love you right? Kayo ni Agatha ang pinakamagandang blessing na dumating sa buhay ko. At mamamatay ako pag nawala kayo sakin.

Lei: Nako, nako, diyan ka magaling i, sa panggaganyan mo.

Aga: Totoo naman babes. Ikamamatay ko pag nawala kayo sakin.

Lei: O sige. Babalik na ko sa loob. I love you Babes.

Aga: I love you more Babes.

(Sabay yakap dito at halik sa noo)

M.Writes/Author - Ay rupok Lei? 🤷😂

Alexander: Haha. Nako nako nako, wag naman dito o. Pasintabi naman.

Lei: Sigi na. Alex yang asawa ko ha.

(At tuluyan ng bumalik sa loob ng restau si Lei at naiwan naman si Aga at Alexander sa labas)

(Mga ilang minuto pa)

Alexander: Tungkol saan ba Pare? Saka sino ba talaga yung kasama mo kaninang babae?

Aga: Pare paano kung bumalik yung taong pinakamamahal mo? Yung taong hindi mo aakalaing makikita at makakasama mo ulit?

Alexander: Don't tell me yung ex mo yung kasama mo kanina.

Aga: Haha.

Alexander: Nako pare, umayos ka. May Lei at Agatha ka na, kahit pa anong pinagsamahan at nabuo niyong ala ala noon, kahit pa bumalik siya sayo at ipilit niya to, pare wag mong iiwanan si Lei at Agatha.

(Nagtawa lang si Aga)

Alexander: Ano ka ba? Tawa ka ng tawa diyan.

Aga: Bro what i mean is si Samantha.

Alexander: Ano?

Aga: Just what if andito lang pala siya.

Alexander: What do you mean Pare?

Aga: Look Pare. Gustung gusto ko talagang marinig ka, ang mga sasabihin mo kaya pinaglaban kong ikaw ang magperform kesa kay Piolo.

Alexander: Piolo? You mean Mr. Pascual?

Aga: Oo, gusto niya kasing surpresahin yung asawa niya, pero mas tumindi yung pagnanais kong ikaw yung magperform dahil.....

Alexander: Dahil?

Aga: Basta, sagutin mo muna yung tanong ko Pare. I also heard you kanina at umaasa ka pa din di ba? Kahit parang napakaimposible na sa paningin natin, sa paningin ng lahat.

Alexander: Yun nga Pare, napakaimposible, hindi naman sa napapagod na ko at sumusuko na pero, hindi ba dapat....

Aga: Just what if Pare.

Alexander: Kung makita at makasama ko ulit siya, sisiguraduhin kong hindi na siya mawawala sakin, dodoblehin o itriple na natin, basta gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala ulit sakin.

Aga: E paano Pare kung hindi ka na pala niya naaalala? Ipipilit mo bang magpakilala sa kanya?

Alexander: I'll do whatever it takes Pare maalala niya lang ako, liligawan ko ulit siya, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal hanggang sa makilala ulit ako ng puso niya.

Aga: E paano kung may pamilya na siya?

(Natigilan naman si Alexander)

Aga: Ipaglalaban mo ba siya?

Alexander: Gusto ko Pare, pero kung masaya na siya....

Aga: Paano kung masaya na siya pero hinahanap ka pa rin niya?

Alexander: Teka bat mo ba ko tinatanong ng mga ganyan Pare?

Aga: Minsan may mga bagay na napaka imposible pero nagiging posible.

Alexander: Pero alam mo Pare, ang weird nga i, parang ang weird ng nangyayari ngayong araw.

Aga: Gaya ng?

Alexander: Sa sementeryo kanina...

Aga: Oo narinig ko, yung about sa sign?

Alexander: Oo, pero bukod don narealize ko na parang boses ni Samantha ang narinig ko, at pagkatapos sa mall din kanina, parang nakita ko naman siya. Ewan ko nga i.

(Criiing...)

Aga: Wait Pare, just need to pick this call.





M.Writes/Author - Awuuuu. Is it really.....his girl? 🤔😉

[ BMB🥀 #2 ] FORGETTING YOU 💭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon