CHAPTER 8 - The Performer

115 15 0
                                    

Pops: Hi guys.

(Panimulang pagbati ni Pops sa lahat ng tao sa loob ng restaurant)

Pops: Ready for today's pasabog? So yah, today is friday and gaya ng naipangako na ayaw naman naming mapako, sama sama tayong masaktan at magmahal habang pinapakinggan ang mga taong magtatanghal, sa araw na ito hiling ko ay ang mag enjoy kayo. Kaya naman wag na nating patagalin pa ito. Hayaan niyong tawagin ko ang unang taong.......ano nga ba? Ano nga kaya? Mananakit ba siya? O magpapakilig? Let's see. So let me call on....

(At tinignan ang kanyang hawak na papel)

Pops: A.....lex?

(At agad namang tumayo si Alex mula sa kinauupuan at lumapit sa direksiyon ni Pops na kasalukuyang nasa entablado ngayon at ng makarating na sa paroroonan)

Alexander: Hey Pops. Parang nagulat ka yata? Hindi ba nabanggit sayo ni Aga na ako ang nagsalba sa problema mo?

Pops: A....e....hindi sa ganoon Alex, pero....

Alexander: Haha. Just thank me later. Saka utang to no.

(Sabay kuha sa microphone na hawak ni Pops at nagsimulang magsalita)

Alexander: Hi guys. Haha. To be honest i also dont know bakit ako nakatayo sa harapan niyo ngayon, dahil simula nung nawala yung taong muling nagpatibok sa namatay ko ng puso akala ko nawala na rin ako, akala ko kasama niya kong nawala dito sa mundo. Kulang na kulang ako na para bang laging may hinahanap yung sistema ko. Ilang ulit ng sumagi sa isipan ko ang sumunod na sa kanya, ang tapusin na rin ang aking buhay, dahil ano pang silbi ng pagtibok nito (sabay turo sa kaliwang dibdib) kung ang taong nagmamay-ari nito ay wala na. But then kahit wala na siya physically she always helps me out and pinapadama niya pa rin ang pagmamahal niya......like kanina, nasa sementeryo ako para bisitahin siya and there was a part na i told her na may itatanong ako sa kanya at bigyan niya ko ng kahit anong sign para sa sagot niya, and then i asked her "pwede na ba kong sumunod sayo?" at alam niyo bang pagkatapos na pagkatapos non ay may isang boses akong narinig na nagsabing "just wait for your time honey" and there, i realized na ayaw niya pa kong mamatay, gusto niya pa kong magpatuloy kahit wala na siya. Pero, posible bang mabuhay ang isang taong namatay na?

(Dead air)

Alexander: Haha. Opo alam ko naman yung sagot pero di ba? Sa isang taong nagmamahal hanggat may pinanghahawakan ka, hanggat may nakikita kang kahit na isang maliit lang na pag asa, hindi ka bibitiw at patuloy na hahawak sa maliit na pag asang yon? Haha. Pasensya na kayo guys, medyo napahaba na pala ang pag intro ko, nakapagkwento na ko. So here, let me sing this song for all of you here, and for you Misis ko? I know hindi mo na maririnig  o naririnig pa ang mga ito but still it's also for you. Iloveyou my was once Ms. Alex, my Misis ko, my Everything and know that you always have my heart at pangakong ikaw lang ang mag mamay ari nito hanggang sa mamatay ako.

(At nagsimula ng umawit si Alexander)

Kung mawawala ka sa piling ko
Hindi ito matatanggap ng puso ko
At bawat pangarap ay biglang maglalaho
Mawawalang saysay ang mabuhay sa mundo

Kung masamang panaginip lamang 'to
Sana ako ay gisingin mo
At sa aking paggising ako'y iyong yakapin
At sabihin mong ako'y mahal mo rin

Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nag-iisa
Kung ako'y iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isa't isa
Kung mawawala ka

Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nag-iisa
Kung ako'y iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isa't isa
Kung mawawala ka

🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

Cassandra's POV

Bakit ganon? Bakit parang kinakausap niya ko? Bakit parang sa bawat pagbigkas niya ng mga letra at salita parang nararamdaman ko yung sakit niya at dapat may gawin ako? Bakit parang kumirot yung puso ko? Bakit parang nadudurog ako?

Piolo: Honey? Are you okey?

(Pukaw ni Piolo ngunit hindi siya pinansin ni Cassandra dahil patuloy na naguguluhan ang kanyang isipan)

Piolo: Honey?

(Sabay hawak sa mga kamay ni Cassandra, kaya naman napatingin ito sa kanya)

Piolo: Ang sakit ng pinagdaanan niya no? Alam mo nung nakameeting ko siya....

Cassandra: Kilala mo siya?

Piolo: O...o

(Nagulat sa pagputol ni Cassandra sa kanyang pagsasalita at sa tanong nito na may kung anong di maipaliwanag na emosiyon)

Piolo: Siya yung kameeting ko kanina, siya si Mr. Alcasid.

Cassandra: Kilala ko ba siya? Or did i ever met him somewhere?

Piolo: Baka sa sementeryo? Diba siya yung nilapitan ni Sarah sa Jollibee nung nakita natin si Din?

(Natahimik naman si Cassandra)

Piolo: Why honey? May problema ba?

(Ting!)

(One new message..)

From: Pops

Piolo: Wait lang honey, kailangan ko lang sagutin to.

Cassandra: Sige magCR lang din ako.

Piolo: Sige.

(Agad namang binuksan ni Piolo ang text ni Pops)

From: Pops

Piolo, ikaw na yung next. But please wag mo ng lapitan si Cas habang nakanta ka kung gagawin mo man yon. Andito yung ex niya.

Piolo's POV

Ano?! Hindi pwede, hindi sila pwedeng magkita.

(Replying...)

To: Pops

Hindi ko na itutuloy Pops, pakicancel nalang yung slot ko. Yayayain ko nalang umuwi si Cassandra, i can't lose her for the second time around.

(Ting!)

(One new message...)

(Hindi niya na pinansin pa ang text message at nagtungo na sa may CR upang hintayin nalang na lumabas si Cassandra)

Bakit ang tagal naman yata niya? Half an hour na ko dito.

(Kinuha niya ang cellphone at akmang tatawagan si Cassandra ng....)

: Mr. Pascual?

Piolo: Ow Hi Mr. Alcasid. I heard your piece kanina, ang saklap naman pala ng nangyari sayo, im sorry, i hope na hindi mangyari sakin yon.

Alexander: Haha. Sana nga, i saw you kanina sa labas bago ko pumasok dito, nakita ko kung gaano mo kamahal yung asawa mo ba yon? Nasan nga pala siya?

Piolo: A...e...the truth is where not married yet.

Alexander: Pero may anak na kayo diba? Si Sarah? Napakacute at napakabait na bata.

Piolo: Haha. Oo nga, pero kawawa din ako minsan, lagi akong pinagtutulungan nung mag ina kong yon. Kaya humihingi na nga ko ng kakampi.

Alexander: Haha. O siya paano mauna na ko, pauwi na rin kasi ako. Isa lang maipapayo ko sayo Mr. Pascual. Alagaan at ingatan mo ang ina ng anak mo. You'll never know kung anong dala ng bukas na siyang ibibigay sayo. O sige na kailangan ko na talagang umalis, maybe we can hang out sa mga susunod na araw.

Piolo: Haha. Sure Mr. Alcasid.

Alexander: Alex nalang. No need ng maging formal, wala na tayo sa meeting. O sige maiwan na kita diyan. Ingat kayo.

(Sa labas ng restaurant)







M.Writes/Author - Teka saan na nagpunta si Cassandra? At sino nga ba ang ex niya na tinutukoy ni Pops?

Please do VOTE and COMMENT fellas, it will be highly appreciated. 🤗😘

[ BMB🥀 #2 ] FORGETTING YOU 💭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon