Samantha: Kuyaaaaa?
(At nakita nila ang dugong nanggagaling mula sa ulo ni Alexander)
Gary: Ayan na si Robin, halika na Aga.
(Agad naman nilang binuhat ang katawan ni Alexander at isinakay ito sa sasakyan)
Piolo: Samantha mas mabuti siguro kung huwag ka ng sumama sa kanila.
Samantha: Piolo, ikaw na ang pinili ko di ba? Wala ka ng dapat pang ipag alala.
Robin: Kung gusto mo Piolo sumunod ka nalang samin, halika na Samantha.
(At tuluyan na nilang nilisan ang lugar na iyon)
(Sa sasakyan habang yakap yakap niya ito)
Samantha: Alexander? Naririnig mo ba 'ko?
(Bulong nito rito habang walang patid ang pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata)
Samantha: Naririnig mo sana ang sinasabi at sinisigaw nitong puso ko........hindi ko man masabi at maamin sayo dahil mahina ako, dahil duwag ako, pero sa bawat pagtibok nito pangalan mo lang ang tanging lirikong tinutugtog ng puso ko............Mister Ko? Tama ba? Hindi ba 'yan ang dating tawag ko sayo? Hinding hindi kita bibitawan gaya ng hiniling mo, kaya lumaban ka ha? Lumaban ka kung paano mong ipinaglalaban si Samantha. Alam kong matapang ka, alam kong malakas ka. Aantayin kita at panghahawakan ko ang sinabi mong mamahalin mo pa ako kahit nasa piling na 'ko ng iba.
Robin: Andito na tayo.
Aga: Samantha andito na tayo.
(Pag uulit nito kay Samantha na tila ba bingi na sa sarili niyang panaghoy at pangamba)
(Agad namang pagdating ng mga tutulong sa kanila)
Nurse: Ano pong nangyari sa kanya?
Gary: Nabaril siya at tingin namin sa ulo niya tumama ang bala.
Nurse: Diretso tayo sa operating room guys, Nurse Cathy pakitawag si Doc Casimiro sabihin mo emergency, kailangan siya sa operating room. Sir, dito nalang po muna kayo.
(At tuluyan na ngang naiwan sila Gary sa labas ng operating room)
Gary: Teka nasaan na si Samantha?
Aga: Pupunta daw muna siya sa chapel kuya.
Robin: Hinayaan na muna namin baka gusto rin niya ng oras para makapag isa.
Gary: Tinawagan niyo na ba sila Tita Maricel?
Robin: Hindi ko pa alam kung paanong sasabihin kay Tita pero nasabi ko na kay Janno. Papunta na rin sila Tita Sharon dito.
Gary: Sige susundan ko lang si Samantha.
(Mula sa di kalayuan kung saan matatagpuan ang chapel ay natanaw niya na ang kanyang kapatid at sa bawat paghakbang niya papalapit sa direksiyon nito ay may kung anong kumikirot sa kanyang puso, dama niya ang pagbigat nito dahil sa naririnig niyang awitin mula sa babaeng nakatalikod mula sa kanyang kinatatayuan)
Sana'y nakikinig ka
Sana'y naririnig mo
Mga salitang sinasambit ng aking puso
Naghihintay ka na sa araw na tayo'y magsasamaPagkat alam ko giliw
Isang araw tayo pa ring dalawa
Ikaw at ako muling magkakasama
Tayo lang sa hirap at ginhawaPakinggan mo ang awit ko
Awit ng pag-ibig alay ko sa'yo
Mula sa puso ko hanggang sa puso mo
Nag-uugnay sa pag-ibig nating totoo
BINABASA MO ANG
[ BMB🥀 #2 ] FORGETTING YOU 💭
FanfictionSometimes we doesn't really wanted to erase someone from our memories but what if it is already destined to happen? Presenting you the Book 2 of Bring Me Back🥀