The In Denial
5th Day in Hongkong...maaga akong gumising.. ayoko na mang yari nanaman na gumising akong wala siya sa tabi ko.. pag lingon ko sa sakanya, maamo niyang mukha agad ang bumungad sakin.. mahimbing pa ang tulad niya kaya naman bumangon agad ako para mag asikaso ng agahan, tila gusto ko asikasuhin siya at bumawi sa lahat ng bagay na nawala sakanya.. Pinatay ko muna ang phone ko, gusto ko muna alisin sa isip ko si Alex.. at gusto ko yung mga natitirang araw ko dito sa Hongkong siya at siya lang ang kasama ko.. tulad ng dati, gaya ng dati.. pag tapos ko mag asikaso ng makakain namin bumalik ako sa kwarto.. pumuwesto ako sa harap niya, doon dumapa ako habang tini-titigan siya..
"saang lupalop ka ba nag tago ng ilang taon Maan, hanggang ngayon ikaw pa din pala yung babaeng mag papatibok nitong puso.." seryosong usal ko habang nakatitig sakanya
"kahit na ilang beses mo ko iwan, kapag nandiyan ka na.. parang wala lang, parang walang nangyari.. ayoko man patawarin ka, nag ge-gera ang puso't isip ko kasi gusto naman nila talaga sayo, pero pinipigilan ko.." pabulong na usal ko, huminto ako at pinag masdan siya.. mahimbing na mahimbing ang tulog niya, kaya naman mas lumapit ako sa mukha niya at muling pinag masdan ng maigi ang kabuuhan niya..
"walang hihigit sayo... kahit kailan Maan, kahit kailan.." malambing na sinabi ko, hahalikan ko na sana siya.... nang biglang dumilat ang mga mata niya!!
"Sh*t...." hiyang usal ko ng makita niyang palapit na ako sa mga labi niyatiningnan niya lang ako at ngumiti..
"Kiel..." bulong niya
"kahit kailan hindi ako sumubok mag mahal ng iba, ni tumingin hindi ko magawa"nagulat ako sa sinabi niyang yon..
ibig sabihin nadinig niya lahat ng sinabi ko..hindi siya gumagalaw, at tila pinag mamasdan lang rin ang reaksyon saking mukha..alam ko na gusto niya rin ang gagawin ko, kaya lumapit pa ako sakanya at dahan dahan na nilapat ang mga labi ko sa labi niya.. agad naman niya hinawakan ang mga pisngi ko at dahan dahan na pinalibot ang mga kamay niya sa batok ko.. natigilan ako..
"mahal pa rin kita Maan.." seryosong usal ko
"mas mahal na mahal na mahal kita Ezekiel.." naluluhang tugon niya, tila ba may humaplos sa puso ko nung sinabi niya yon habang naka titig siya sa mga mata ko, dama ko na totoo ko yon.. kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, na para bang ayoko na siya pakawalan..
"I love you.." masayang bulong ko sakanya, di nag tagal yon at inaya ko na muna siya kumain, habang kumakain kami masaya siyang nag ke-kwento ng iba pang mga bagay na nangyari sakanya noong di kami mag kasama..
after non lumabas kami at muling namasyal.. nag taka ako dahil ang layo ng biniyahe namin at laking gulat ko pag baba namin agad na bumungad sakin ang castle ng Disneyland!!
"wooow" pamamangha ko
"masaya ka?" masayang usal niya
"o--oo naman..." manghang manghang tugon ko, agad niya hinawakan ang kanang kamay ko at hinila ako papunta sa lugar na yon..pag dating namin sa arko na entrance agad niya nilabas ang phone niya..
"tara picture tayo" masayang aya niya sakin, hindi pa siya na-kontente at nakisuyo sa ibang turista don na kunan kami ng maayos na litrato.. kita ko sa mga mata niya na masaya din siya..
"tara?" masayang usal niya at hila-hila ang kamay ko papasok ng Park, ang ganda dito, babalik ka talaga sa pag kabata!!
syempre inisa-isa namin ang mga attraction dito, una na ang Iron man Experience!!Festival of The Lion King!! Toy Story Land!! at mga matataas na Extreme Rides!! hapon na kami naka tapos mag ikot.. hindi pa kami kuma-kain, pero parang busog naman kami sa dami ng nasakyan at naikot namin! sobrang daming maiikutan dito, hindi ko na masabi ang ilan, at lahat worth it!! papasok sana kami ng Philharmagic kaso biglang dumaan ang mga mascot, agad ko naman hinarang si Mickey at nakiusap na makapag pa picture.. hiyang hiya lumapit si Maan pero hinila ko siya para mawala yung hiya niya..