Truth and a Lie
nagising ako kinabukasan sa tamis ng mga halik niya.. pag mulat ko ng mga mata ko siya agad ang nakita ko, siya ang bumungad sa umaga ko.. naka titig siya sakin, tila pinag mamasdan ang buong mukha ko.. ngumiti ako ng paulit-ulit niya ako halikan sa labi at mga pisngi ko..
"gising na Love..." naka ngiting bati niya
"kanina pa gising Love.." malambing na tugon ko
agad niya ako niyaya bumangon at niligpit ang tent dahil baka hanginin yon habang wala kami, agad kami nag almusal sa tindahan ni Ate Lisa, at sabay kami naligo sa poso!! para kaming mga bata na first time maka subok maligo don! sobrang saya ko kasi napaka simple ng buhay dito, ito lang naman yung pangrap ko.. malayo sa stress at hassle ng Manila, simpleng pamumuhay kasama siya.. after namin maligo agad kami nag bihis dahil ito-tour daw kami ni Ate sa ibat-ibang lugar ng Jomalig.. at dahil may mga makipot daw na daan mag kahiwalay kami ng motor or habal-habal, siya ang naka angkas kay Ate Lisa na bihasa na daw sa pag mo-motor dito sa lugar nila kaya walang dapat ipag alala, ako naman kay kuya Jun na kapatid ni Ate..
so ayon nag umpisa na kaming mag ikot, totoo nga may tulay kaming dinaanan na sobrang kipot, sementado naman ang tulay pero nakakatakot, maling balanse mo lang mahuhulog ka sa ilog!! tsaka yung daan papuntang pinaka bayan nila sobrang kipot, tatlong motor lang ang kasya sa daan, at two way lang yon para sa mga habal, ang gilid non ay puro na puno, pananim at bahay bahay.. as in walang makakapasok na sasakyan don, probinsiyang probinsiya talaga.. una namin pinuntahan ang Kanaway Beach, sobrang ganda ng sand bar don!! as in!! mabait sila kuya Jun at sila ang nag silbing photographer namin ni Maan.. may mga Turtle rock formation pa sa gitna ng sand bar, at ibat- ibang klase ng rock formation, ang ganda talaga! superb!! next is Lingayen Cove o mas kilala sakanila bilang Little Batanes!! atleast kahit sa lugar na 'to narating na namin ni Maan ang Batanes! kahit paano yung alon ng tubig don sing-lakas ng hampas ng tubig sa Batanes!! hahaha! masaya kami pareho sa bawat sight na nakikita namin, enjoy at sobrang relaxing!! after non dumerecho kami sa Little Boracay, ang ganda dito! Legit na Boracay, white sand at crystal clear ang tubig!! dahil pa hapon na, dito na kami nag tanghalian.. nag handa sila ng seafoods meal para sa amin, may spicy crab, buttered shrimp, at cheesy tahong!! pareho kami ni Maan mahilig sa seafood kaya naman ang dami namin pareho nakain, kahit sila Ate Lisa at Kuya Jun..
"bagay sila ano?" masayang usal ni Ate Lisa kay Kuya Jun natigilan naman kami ni Maan at nag katinginan, ngumiti siya sakin at ngumiti din naman ako sakanya..
"abay hindi ba sila mag asawa?" takang tanong ni Kuya Jun
"may Pari po ba dito Kuya?" naka ngiting tugon ko
"Pari?" takang tanong ni Maan
"oo Pari, kasi sawang sawa na 'ko sa mga akala nila.. gusto ko na pakasalan ka" seryosong usal ko at sabay na nag tawanan sila Ate at Kuya Jun na tila ba kini-kilig saming dalawa..
"nako ser may chapel dito, kilala ko ang Pari" masayang usal ni Kuya Jun ngumiti naman ako, kita ko ang pagka gulat na may halong hiya sa mga mata ni Maan..
"hindi ka pa ba handa?" naka titig sa mga mata niyang tanong ko
"seryoso ka ba talaga?"
"seryoso ako sayo, kahit kailan wala akong naiisip na pakasalan maliban sayo.."muling nag tawanan sila Ate at Kuya Jun na tila ba mas kini-kilig saming dalawa..
"paano kung kailangan ko umalis uli?" malungkot na tugon niya
"sasama ako.. sasama na 'ko sayo, mag aadjust ako, lahat gagawin ko.."
"Ezekiel..."nang hina ako sa sinabi niya, pero pilit ko tinago yon..
"pag tapos ba nito balak mo nanaman iwan ako?" nang hihinang tanong ko