"THE SEASON FINALE"
FOREVER AND A LIFETIME..
tatlong buwan ang lumipas na ako ang nag alaga at nag silbing mga mata niya, wala akong pag sisisi sa mga bagay na yon, nataggal ako sa trabaho dahil sa lagi akong late at absent, mas pini-pili ko kasi na kasama siya, at nanatili nalang sa tabi niya, malaki naman ang naipon ko at hindi ako nata-takot maubos yon basta't nasa tabi ko siya, mas nakilala ko si Tito Frank at mas napa-lapit uli ang loob ko kay Mama, after another 2 months nakahanap si Tito Frank ng donor para sa mga mata niya, a week before ng operation niya bumalik akong Manila, umattend ako ng kasal ni Alex.. ayon happily married na si Lexyy..
alam kong masaya siya sa lalaking napili niya, and I wish her all the best to come!! kinamusta niya si Maan sakin at nakwento ko naman lahat sakanya, she can't wait na kami naman daw ang ikasal, well actually, I can't wait too!after ng kasal ni Lexy pumunta ako sa Papa ko para ayusin ang mga bagay na dapat noon ko pa ginawa, pag kita palang sakin ni Papa agad niya akong niyakap..
"Anak..." nauutal na sinabi niya
alam kong naiiyak siya kasi ganon din ako, humiwalay siya ng yakap sakin at tinignan ang kabuuhan ko..
"Pa, I want to get married.." seryosong usal ko
ngumiti si Papa at muli akong niyakap.. dinala niya ako sa Mall malapit sa trabaho niya, at doon nilibre ko siya ng lunch.. masaya kaming kumain at nag kwentuhan..
"oo nga pala anak sino ba ang babaeng pakakasalan mo?" masayang tanong niya
"Pa si Maan, kung naaalala mo, napakilala ko na siya noon.."
"ayon ba yung babaeng dinala mo sa trabaho ko dati?"
"oo Pa, yung kasama ko noong humingi ako ng tulong sayo.."
"Anak proud ako sayo..." seryosong sinabi niya
"hmmm... bakit naman po?" takang tugon ko
"Isa lang ang babaeng minahal mo, wag mo sasaktan yan nak.."
"opo naman po.." naka ngiting tugon ko
madami pa kaming pinag usapan ni Papa tungkol sa mga bagay na pinag daanan namin noon, sobra siyang nag sisi sa mga nangyari, humingi din siya ng despensa sa pag hihiwalay nila ni Mama.. wala na sakin ang mga yon, tao lang din naman ako, dapat na mag-patawad.. masaya kami nag hiwalay ni Papa at sobrang nakakagaan sa loob maka-usap ang magulang na supportado sa mga plano mo..maaga ako nag ayos kinabukasan, pumunta ako sa dating trabahong pina-pasukan ko dito sa Pinas, nag pasa ako uli ng mga papeles dahil kina-usap nila ako na muling mag-trabaho don, syempre I grab the opportunity lalo pa't plano ko na mag pakasal, need ko ng trabaho, para madagdagan uli ang savings ko..
binenta ko naman ang condo unit ko, at ang napag-bentahan non ay binili ko ng bahay at lupa, agad ko pina-ayos ang bahay na yon, dahil gusto ko pag balik ni Maan dito ay may sarili na kaming bahay.. tila hina-habol ko ang araw at oras, dahil after ng operation niya lilipad sila pa Davao kasama si Mama at Tito Frank..kinabukasan naman ay flight ko pa Davao, pupunta ako don para makausap ang mga magulang ni Maan, ito na yung tamang panahon para harapin sila Tita Angie at Tito Rex! kinakabahan ako pero wala naman akong masamang intesyon sa anak nila kaya hindi dapat matakot!!
Good Morning Davao!! mabilis ako bumiyahe patungo sa bahay nila sa Davao pag baba ng eroplano ko sa airport, nag hahalo ang kaba at takot sa dibdib ko.. mga isang oras din ang biyahe patungo sakanila, hindi pa ako nakakababa ng sasakyan kita ko na ang mga magulang niya na naka-abang sakin.. pag hinto ng sasakyan sa harap ng bahay nila ay agad nila akong sinalubong..
"Kamusta Kiel??" masayang bati ng Mama niya pag baba ko kaya namana agad ako ngumiti sakanila
"okay naman po Tita.." nahihiyang tugon ko