"THE HALF FINALE"
SHE'S STILL THE ONE...
3 months after accident...mula noong nangyari ang aksidente na yon ang dami kong na-realise sa buhay, una.. maikli lang ito at baka nga sa kakahabol natin sa mga taong hindi para satin, napapasama tayo, nalalagay natin yung sarili natin sa piligro..sapat na siguro yung ilang taon na minahal ko siya, parang buong buhay ko din naman na yon.. natuto akong mag patawad.. at ang unang nakaranas non, si Alex.. masaya ako kasi kung hindi dahil sakanya, hindi ako aabot sa ganitong punto ng buhay ko..naka pag decide ako na mag trabaho sa ibang bansa.. kaya agad ako nag ayos ng papeles para makapag bagong buhay, wala akong balita kay Maan, wala din namang nasasabi si Alex dahil hindi na din ito nag paramdam pa sakanya..after another 3 months...
"ohh Zekyy mag iingat ka don ah??" pag papa alala ni Alex
"oo na Lexy... sige na mali-late ako sa flight ko ehh"
"ba-bye!! chocolates ko.." masayang usal niya
ngumiti ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng airport tsaka nag check-in ng bagahe, naging good friends kami ni Alex.. sooner or later alam ko makaka-hanap din siya ng lalaking para sakanya.. at dahil bestfriend niya na ako, hinatid niya ako sa airport ngayong araw..Actually sa Canada ako na assign, alam ko na dito din nag trabaho si Maan noon, pero alam kong wala na siya dito ngayon so I took the opportunity na mag-trabaho dito, sayang ang chance at malaking offer..
Snow Season ngayon sa Toronto kaya naman madami akong dala na Winter Coat, tulog ako buong oras ng biyahe.. pag lapag palang ng eroplano sa Toronto Pearson International Airport dama ko na ang lamig!! sumilip ako sa window view ng eroplano at kitang kita ko na ang snow!! mukhang masaya mag laro sa labas!! pag baba ko ng eroplano, mabilis ko inabangan ang mga bagahe ko.. first time ko dito, buti naman at may shuttle ang company na susundo sakin at ihahatid ako mismo sa accommodation.. pag dating ko sa hotel agad ako ni-welcome ng dalawang roommate ko.. Si Art at Troy, matagal na sila nag ta-trabaho dito at tila kabisado na nila ang Do's and Dont's.. matapos nila ako i-briefing ay agad nila ako hinatid sa kwarto ko, kanya kanya kaming kwarto sa loob ng unit, malaki yon at elegante ang isang buong unit.. nag ayos ako ng gamit at nag pahinga, nakaramdam ako ng jet lag ehh..ilang Linggo ang lumipas masaya ako sa trabaho, minsan suma-sama ako kila Art mamasyal kaya naman hindi ako nabuburyo sa hotel, minsan naman nagsi-swimming kami sa hotel, tulad ngayon, at pilit nila ako pina-titingin sa mga Canadian na babae pero tina-tawanan ko lang sila..
"pre ayon ohh ang ganda..." usal ni Art habang tinitingnan yung isang babae sa pool
"pre grabee yung loyalty mo sa ex mong yon!!" usal ni Troy ngumiti lang ako at hindi sila pinansin..
"alam mo pre kung ganyan lang ang itsura ko? yang mukha mo? nako!! lahat yang babae natikman ko na!!" pang aasar ni Art
"eh kahit naman hindi ganyan mukha mo natikman mo na mga babae! manyak ka kaya!" tugon ni Troy
"pare... try mo na kasi mag mahal ng iba, ilang buwan na din naman lumipas mula non"
"7 months... 7 months na ko walang balita sakanya.." walang ganang tugon ko
"kita mo? imposibleng hindi niya alam na wala na kayo ng pinsan niya" usal ni Art
"oo nga.. baka naman iniiwasan ka na non!!" pang aasar ni Troy
"ayoko na makakilala uli ng isa pang Alex.. at maka sakit uli ng isa pang Maan.."seryosong tugon ko at umalis
iniwan ko na sa sila sa pool at bumalik ako sa room namin, wala silang kwenta kausap.. minsan pinag tya-tyagaan ko nalang sila wala akong choice eh.. biglang nag ring ang phone ko, si Mama tuma-tawag..