chapter two
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Napaayos ako ng upo sa sofa ng makita kong nakasilip si Kieffer mula sa itaas na palapag.
"Oh, gising ka na pala Kia," bungad nito. Nang mapansin nyang tumingin ako, banda sa kanya. Binantayan pa siguro nito si Thunder kaya natagalan sa itaas.
Inipitan ko ang aking buhok at muling nilipat ang tingin sa kanya "Gising na ba si Thunder?" tanong ko habang pababa ito ng hagdan.
" Hindi pa nga e! Mukhang masarap ang tulog pagod na pagod siguro kakalaro," he answered then, approached me and sat next to me.
"Uhm Kia are you ready to tell me what happened on the past three years? Kating-kati na ang tainga ko malaman ang katotohanan kung bakit bigla ka nalang nawala noon," he said while smirking at me. Mukhang hindi nya talaga ko patatahimikin hangga't hindi nya nalalaman ang nangyari sa nakaraan.
"Sige na nga, magkukuwento na'ko. So, ganito kasi yon." Napaayos ito ng upo at naging seryoso ang aura. 'Mukhang handang- handa na nga makinig e?'
"Uh! ganito kasi three years ago when I and Teo got broke up. Hiniwalayan nya ko— kasi hindi nya daw ako kayang mahalin, nakakatawa lang na sa loob ng two years naming relasyon laro lang pala ang lahat sa kanya, kumbaga, ginamit lang nya'ko pang rebound." Mapait na napatigil ako saglit at muling binalikan ang huling tagpo namin ni Teo dito mismo sa condo. Ramdam ko parin hanggang ngayon yung mga sinabi nya na tumagos sa puso ko.
Umayos lang ulit ako ng upo bago nagpatuloy "Si Athena parin daw ang mahal nya at nung time na bumalik yung tinutukoy nyang Athena, hinding- hindi nya na raw ito papakawalan pa." I added.
"F uck that man, I can't believe na gagaguhin ka pala nya. I'm sorry for that Kia huh? Akala ko kilala ko na si Teo— dahil sa tagal ng pinagsamahan namin hindi parin pala," he seriously said.
Naiintindihan ko naman si Kieffer at kung bakit ito nagsosorry. Sya kasi ang naging dahilan kung bakit naging malapit kami ni Teo hanggang sa naging kami. Siguro hindi nya lang matanggap na magagawa akong gagaguhin ng kaibigan nya.
I tap his shoulder and answer quickly. "No need to say sorry Kieffer it's all in the past na huh?" Tumango lamang ito bilang sagot. Then, I continued to narrate what happened from the past three years.
"I always chased him before pero parang hangin lang ako sa kanya and you know what? he couldn't even look at me... Hanggang sa ayon napabayaan ko na ang sarili ko at maisugod ako sa hospital. Lubos pa nga akong nagpapasalamat sa tumulong sa'kin dahil kung hindi ako nito nakita na nahimatay na lang bigla hindi ko alam kung nasaan kaya ako ngayon."
"Atsaka nung time na 'yon nalaman ko na buntis ako. Then, I had a little hope na maybe, that time, Teo will accept me again and he will able to love me back and we can start over again kasi magkakaanak na kami pero dun ako nagkakamali." I paused and remembered the most painful past I went through.
"What happened next Kia?" agad akong napabalik sa reyalidad nang marinig kong magsalita si Kieffer. Napatawa ako ng makita ang hindi maipintang mukha nito.
"Hey don't laugh." Sita nito sakin. "Ano ng nangyari? Masyado mo naman akong binibitin." Tumigil na'ko sa pagtawa at inalala muli ang mga nangyari sa nakaraan ko.
" Uh, Dahil birthday nya nung araw na iyon naisipan ko syang isurprise. I want to tell him about my pregnancy, pero, ako ang nasurprise sa mga nakita ko nung araw na iyon—nagpropropose sya that time kay Athena sa harap ng maraming tao, nakita ko kung gaano sila kasaya. Napaiyak na lang ako sa mga nasaksihan at agad na umalis sa party. Dun lang ako nagising sa katotohanan na wala na talagang pag-asa para sa amin." Naiiyak ako ng maalala kung gaano kasakit ang mga nasaksihan ko noon. 'Kasal na kaya sila ngayon?' Napailing ako sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
BS1: My Son's Father [EDITING]
Roman d'amourThe moment Kiana Velasco met Teo Lim Dawson her world seemed to turn upside down.Their relationship lasts over 2 years and ended because Teo can't love her the way she loves him. Is it really the end of their story? Wala na ba talagang pag-asa? STAR...