Prologue.

86 3 1
                                    

Wala pa ako sa loob ng school, naririnig ko na yung hiyawan, sigawan, tilian ng mga babae. Nakakabwisit, sigurado akong nandun na yung "HEART BEATERS" grupo yun ng apat na mga lalaki. Player ng basketball team ng school namin, kaya sikat na sikat sila. Grupo ng mga gwapo, DAW. Kaya heart beaters ang tawag sa kanila kasi palagi nilang pinapatibok ang puso ng mga babae, ewan ko ba, ang korny nga eh. Sinalpak ko na lang yung headset ko sa aking tainga para hindi marinig ang mga tilian nilang nakaka bwisit. Dumaan na 'ko sa hallway papuntang locker........
"Sis, andiyan na si miss BITTER" sabi ng babaeng mukhang palaka na may halong pwet ng tikbalang.
"Naku, haloween na ba? Bat naka costume kana?" Siyempre, magpapatalo ba ako? No way!
"Sis, halika na nga, Amazona kaya 'yan" sabay walk out. Wala pala silang panama eh.
Oo, Amazona ako. Kaya don't you dare mess with me or else i will be your worst nigtmare.
Ako nga pala si Clover Magdalene Ramos, isang bitter, emo, mataray, suplada, lahat na. 20 yrs old. Hindi ako naniniwala sa FOREVER, dahil wala naman talagang forever eh, admit it. May kaibigan din naman ako, bitter lang ako, hindi isang nerd. They're Caitlin Jose, maganda, sexy pero matakaw. Nakakatawa 'yan. Cute at chicks din siya. Tsismosa pero siyempre mabait. Mahal na mahal ako niyan, mahaba ang pasensiya saakin. At si Jarrett Dwane Mendoza, sa pangalan pa lang iisipin mo ng good looking, hunky, mayaman, popular at handsome. But you're absolutely wrong! Hindi siya hunk, mas lalong hindi popular, mas lalo din namang hindi siya handsome, dahil pretty siya. Bakla po itong pangalawa kong kaibigan. Magaling sa advice, siya yung tipong mag a-advice na nga lang with matching hampas at mura pa, 'yan ang kaibigan ko! Nilagay ko na yung mga books ko sa aking locker, ayokong mabigatan eh. Mukhang late sila Cj and Jd ngayon ah. Pambihira naman oh, yung dalawang kaibigan ko may acronyms pa yung pangalan nila. Pumunta muna ako sa canteen dahil nagugutom ako, naglalakad ako ng may nagtangal ng headset ko. Napatingin ako sa likudan ko para makita ko kung sino yung hampas lupang nag alis ng headset ko..... It was Weyne Alexis Flores, ang leader ng "Heart beaters" siya daw ang captainball ng basketball, pinaka gwapo at hunk sa apat. "Naka headset ka na naman, miss sungit." Pilit kong kinukuha yung headset ko sa kanya pero i can't. Ang tangkad niya kasi -.- "Akin na nga 'yan! Mr. Yabang" nagpapabida nanaman kasi 'tong chanak na 'to.
"Eto na po oh, galit agad eh!" Binigay niya saakin yung headset ko, at hinila ko naman yun, at umalis na 'ko, dumiretso na ako sa canteen.
Naka line na ako para bumili ng chips, ng nagsalita nanaman 'tong chanak na si Weyne... "Libre mo 'ko" sabay kindat sa akin.
"Kilala kita?" Tapos umiwas na ako ng tingin sa kanya, ang laswa niya kasi. Pinagtitinginan na tuloy kami dito.
"I'm Weyne Flores! Libre mo na 'ko" tapos inoffer niya yung kamay niya saakin pero, tinignan ko lang, hindi ko hinawakan. Hahahaha! Bumili na ako ng sugo, yung maanghang. Pagkakuha ko ng binili ko, umalis na ako. Ayokong makita yong mokong na 'yon! Paalis na ako ng tumabi nanaman sa akin si Weyne. Ano bang problema nito?! "Uy sugo!" Sabi niya, tapos hinarap niya sa akin yung kamay niya, yung nanghihingi. "Bakit di ka bumili?!" Nilayo ko agad yung pagkain ko, sugapa 'tong lalaking 'to e!
"Wala akong pera eh." Tapos pilit siyang tumatawa. Nakakainis! Ang daming naka tingin. Saan na ba kasi yung mga kaibigan nito!!
"So? Problema ko pa 'yon??!" Umalis na ako. Tumakbo ako papuntang classroom. Wala na akong pakialam kung nagmukha ba kong timang nung tinakbuhan ko siya, pero bahala na!

Kontrabida man sa inyong paningin..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon