New Look.

20 1 0
                                    

_~_~_~ Chapter Six_~_~_~
Saturday morning.

"Hi Ma" sabi ko kay mama na nasa kusina.

"Morning, okay ka na?"

"Yes i'm fine" tapos kumuha ako ng milk sa ref.

"Ready ka na?"

"Saan?" Tapos uminom ako ng milk.

"Sa Date niyo ni Weyne" naitapon ko sa bunganga ko yung iniinom kong gatas, bakit niya nalaman? Paano?!

"Linisan mo 'yan!"

"Ma, how'd you know?!"

"He told me yesterday, bago siya umalis."

"I'm not going." Tapos pataas na ako sa stairs pero nagsalita ulit siya.

"No,you're going. Sabi niya susunduin ka daw niya mamayang 6:30"

"Ma! Ayoko, mortal enemy ko 'yun eh. Baka ano pang magawa ko sa kanya"

"Basta sasama ka. Gusto ko siya."

"Edi sa 'yo na lang siya ma."

"Magbihis ka na, mag sho-shopping tayo, asap!"

"Fine." Tapos tumaas na ako papuntang kwarto ko.

*ROOM*

Naligo na ako, this time, i turn my hair into a bun. And i like it!
Nagsuot ako ng jeans, snickers at sweatshirt. Tapos bumaba na ako, nakita ko si mama mas prepare pa sa akin, naka upo siya sa sofa at nanonood.

"Tara na, ma!"

"Okay." Lumabas na kami, siya yung nagdrive ng kotse niya, siyempre tag iisa kami ng kotse haha! Rich kid ako eh >:)

*Mall*

"Anak ito oh maganda 'to. Tsaka 'yon pa, ay eto pa 'nak bagay sa 'yo 'to"
Haay, nanay ko talaga! Ang papangit naman ng mga dress na ino-offer niya for me.

"I don't like that, masiyadong kita yung legs ko"

"Eto?"

"No. Yun na lang!" Nilapitan ko yung black plain sweatshirt.

"Eto, maganda!"

"Nak! Date ang pupuntahan mo, hindi cemetery"

"Hmp!"

"Miss, kunin ko na 'toh. Tsaka ito at idagdag mo na 'to" ang dami niyang binili! ;cocktail dress, casual dress, skirts and shorts. Isama mo na ang mga sando.
Pumunta naman kami sa isang shoes store.

"Anak, how about 6 inches heels?"

"Ang taas naman Ma!"

"Eh kung 4 inches?"

"Flat shoes na lang or rubber shoes ma"

"Baduy mo talaga Clover! Miss kunin mo na ang mga 'to"
Ang dami na naman niyang binili -_- Ayoko namang sumama sa date na 'yun!

"Anak bilisan mo, magpapa-parlor tayo" hinihila niya ako papuntang parlor.

"Ma okay na 'tong mahaba kong buhok!"

"Alam ko nak. Papagandahin lang natin ano ba?!" Umupo na ako, hinintay ko na kung sinong bakla ang mag-aayos sa akin.

"Ayy Ma'am, uso po ngayon ang buhok ni Ariana Grandé" sabi ng bakla.

"Talaga? Pwedeng makita?" Kinuha ng bakla yung picture sa may kabinet niya,

"Eto Ma'am oh" tinignan ni mommy at natuwa naman siya, sino ba yung Ariana Grandé na yun?

"Ayy sige eto na lang" inayusan na ako ng bakla.

After 1 hour

"Tadaaaa!" Sabi ng bakla. Sheeems, nakakatomboy 'tong hitsura ko!
Naka ponytail yung dalawang gilid ng hair ko tapos curly sa baba, sa baba naman ng hair ko may shade ng red at sa taas naman black. Kilala niyo ba si Ariana Grandé? I-google niyo, yung buhok niya parang sa akin, kaso nga lang brown yung hair ni Ariana Grandé sa akin Red. Curly na ako! Weeeee!

"Awww, you're so pretty darling!"

"Thanks mommy, *tingin sa bakla* Thank you po."
Ibinigay na ni mommy yung bayad namin. Papalabas na kami, pumunta kami sa isang Ice cream Store at bumili, nagugutom na ako eh.

"Vanilla! I want Vanilla!" Sabi ko kay mommy.

"Okay, okay."

Time check 5:30, mag pe-preprare pa ako sa bahay -_- Jusmiyo -_-

Kontrabida man sa inyong paningin..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon