He's Back!!

24 1 0
                                    


A/N: Ano? Okay lang ba? Nagustuhan niyo ba yung A DATE WITH A JERK? I need your votes and comments! Thanks :))
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Eight.
Sunday Morning, ang aga kong gumising, masaya ko ngayon e, bakit ba? Nililigawan na ako ni Weyne!!

Time check 7:25

I text ko nga muna yung dalawa kong kaibigan.

To: Sissy JD, Bestty Cj
Gora bells tayo mamaya! Kita kits sa coffee shop. Text back.

Oh diba, masaya ako ngayon eh. Ililibre ko sila.

From: Sissy JD.
Saang Coffeshop? Anong nalamon mo ngayon at nag yaya ka? :P

Ang daming alam e.

To Sissy JD.
Doon na lang sa mall, mamayang 10:00 sabihin mo na lang kay Cj, hindi ako Unli e -_- Tsaka, wala pa akong nalamon ngayon, hindi pa 'ko nag be-breakfast, shunga -____- Try mo gamitin yung common sense mo, hindi ba uso sa inyo?

Kaya nga ako nag yaya e. Di man lang nag isip -__-

From Sissy JD.
Oo na po :) HB, ang aga aga e.

Tapos hindi na ako nagreply, (remember hindi ako unli)

Timecheck 8:30
Naligo na ako, hindi na ako nagbreakfast kasi magkikita naman na kami nila JD at CJ e.
Nagsuot ako ng T-shirt at Skirt. Yung skirt above knees tapos flat shoes, babaeng babae na ako ngayon eh, mouhahaha! Tapos yung hair ko naman, hindi ko na tinali pero curl pa rin yung tip ng hair ko.

"Bye Ma" sabi ko kay mommy at kinuha ko na yung shoulder bag ko.

"Pero-"

"Doon na ako magbe-breakfast, bye!" Tapos lumabas na ako, sumakay na ako sa Porsche ko. blue Porche hehe. Dumiretso na ako sa mall at pumunta na sa Coffee shop. Nakita ko sila JD at Cj, nauna na pa sila. Umupo ako sa harapan nila, mag katabi sila e.
"Uhm Excuse me, who are you?" Sabi ni JD

"Kaibigan po namin yung uupo diyan, sorry" sabi ni Cj
"Ano ba kayo! It's me Clover, ang o.a niyo" sabi ko sa kanila.

"Wee?" Sabay nilang sinabi,
"Oo nga, kulit?" Sabi ko tapos tinawag ko na yung waiter.

"Grabe sis, bakit ka nag transform? Haha!" Sabi ni Jd. Tapos lumapit na sa amin yung waiter,
"Ewan ko sayo sis. Kuya, tatlong frappe nga po, tapos yung large na pizza samahan mo na ng carbonara, thanks" sabi ko dun sa waiter tapos umalis na din yung waiter.

"Hoy ikaw JD, bakit mo sinabi yung address ko kay Weyne?!" Sabi ko tapos tinignan ko siya ng masama.

"Uhh, eh kinukulit niya ako e"

"Weee? Yung totoo??" Sabi ko.

"Yung ano daw, ipapakilala d-daw niya a-ako sa isang b-boylet" sabi niya tapos yumuko siya.

"Sabi ko na nga ba may kapalit eh! Hmp! 'Yan tuloy Nahuhulog na ako sa kanya,bwisit!"

"Ano ulit yun?" Sabi nilang dalawa.

"Ayoko ng paulit ulit, narinig niyo naman e."

"Sayang, ire-record ko sana" sabi ni CJ.

"Subukan mo, para ngayon pa lang sira na 'yang mukha mo" taray kong sagot sa kanya.

"Easyyyyy!" Sabi naman ni JD, tapos dumating na 'yung order namin.

"Thank you ha!" Sabi nilang dalawa.

"Ang tagal ko yatang narinig 'yan mula sa bibig niyong dalawa." Sabi ko at uminom ako ng frappe.

"Arte neto!" Sabi ni JD.

Kontrabida man sa inyong paningin..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon