Chapter 1

120 6 0
                                    

Huminga ako ng malalim nang magsimulang umandar ang sasakyan. Inilibot ko ang paningin sa paligid, marami na ang nagbago ngunit nakikita ko pa din ang mga pamilyar na building. Marami ng mga establishyemento ang nagbukas. More and higher buildings were build and the almost empty streets now crowded with busy people. Marami na nga talagang nagbago.

Ipinikit ko ang mga mata dahil sumasakit mula sa mahabang biyahe. I never slept in the plane. Hindi ko kaya dahil sa sobra sobrang galit. Gustong gusto ko nang umuwi at ang labing-limang oras sa eroplano ang pinakamatagal na hinintay ko sa buong buhay ko.

Isang oras lang ay nakarating na kami agad ni manong Gilbert. Mommy and daddy didn't fetch me because I hurriedly came back home without informing them upon hearing the news.

Nang nasilayan ko ang aming mansiyon ay hindi ko alam ang mararamdaman. Halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung malulungkot.

Akmang bababa si kuya para buksan ang gate nang sinabi kong ako na. I was shocked when I opened the gate, walang katao-tao.  Ni wala man lang nagbubukas. Are they all busy? I can still remember our househelps are everywhere before. Napailing ako. It means that what mommy said in the phone were all true.

"Kuya Gilbert, walang mga katulong? "

"Ilang buwan nang wala, ma'am. Hindi po ba nabanggit ni ma'am Sara sa inyo?"

I cleared my throat before I speak.

"Nasabi naman po. Naninibago lang. " pagsisinungaling ko.

I turned my back at him and started to walk inside. When I finally got to the living room, I saw manang Nilda fixing the sofa.

"Hello, po. Manang."

She was startled and touched her chest. Agad-agad bumaling sa akin.

"Diyos ko, nakakagulat ka naman. Ay, ikaw pala iyan Aure."

Luhaan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mahigpit din ang yakap na iginante ko sa kanya.

"Kumusta po, manang? "

Medyo may edad na siya at naiintindihan ko kung bakit hindi niya narinig ang busina ng sasakyan kanina. Siya ang mayordoma dito sa bahay. Limang taon pa lang yata ako noong nagsimula siyang magtrabaho dito sa mansiyon.

"Buti umuwi ka, anak. Nagkakagulo ngayon." bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

I nodded at her and tapped her shoulder.

"Nasaan po sina mommy at daddy?"

"Nasa kuwarto ngayon sila, hindi pa lumalabas ngayong araw ang ama mo. "

Muli akong bumuntong-hininga. It is like a nightmare, I never foresee it would happen to us.

"Akyatin ko po sila."

"Naku, mabuti. Hindi nila alam na darating ka ngayon, iha. "

Unti-unti akong tumalikod para umakyat. Nahagip ng tingin ko ang naka-kuwadradong larawan namin nina mommy at daddy. Happiness is very evident in our faces. Ibang-iba sa ngayon.

Bakit kaya napakadaling ngumiti kapag maayos ang buhay mo? When everything goes according to your plan? Bakit kapag may mga problema napakahirap ngumiti?

These are the times when there were no problems in the family that I know. Maayos ang negosyo ng pamilya, patuloy na tumitibay ang relasyon ni mommy at daddy at ako na maayos ang grado sa eskwelahan.

I didn't expect everything will turn out like this. I can feel the house's gloominess as I ascended to the stairs.

Silence. I didn't experience that in this house not until now.

Chasing Darius (Chase #2)Where stories live. Discover now